Masayang dumating si Violet sa La Savor at pagpasok niya sa restaurant ay agad na tumuon ang kanyang mga mata sa dating pwesto ni Vaughn. Pero agad siyang nadismaya nang makita niya na wala si Vaughn at tanging ang kasa-kasama lang nitong lalaki ang meron. Naisip niya na marahil ay may kinuha lang ito sa labas kaya hindi niya na muna ito pinansin.
Pero makalipas ang ilang oras ay napansin ni Violet na wala nga roon ang binata. Noong unang araw na wala ito ay hindi niya pinansin ito pero nitong nakalipas na isang linggo ay doon na siya kinakain ng pag-aalala niya.
'Saan naman pupunta ito at hindi man lang siya nagpapakita sa akin ng ilang araw na?' nasabi ni Violet sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa pwesto dati ni Vaughn. Habang nakatayo siya malapit sa pinto ay tumabi sa kanya si Laura at pinuna nito ang pag-aalala niya.
"Hoy. Kanina ka pa nakatitig doon sa dating pwesto ng manliligaw mo. Nag-aalala ka ba na baka nagsawa na siyang hintayin ka?" tanong ni Laura sa kanya at agad naman siyang napatingin kay Laura.
"H-Hindi naman siguro siya magsasawa noh." Tinaasan naman siya ni Laura ng kanyang kilay. "Baka may importante lang siyang pinuntahan kaya wala siya ngayon dito."
"Hays. Bakit hindi mo na lang tanungin iyong kaibigan niya nang malaman mo kung nasaan si labidabs mo?" Napatingin si Violet sa lalaking palaging kasama ni Vaughn.
"H-Hindi ba ako magmumukhang naghahabol oras na ginawa ko iyon?" Inirapan naman ni Laura si Violet sa tanong niya.
"Magtatanong ka lang naman. Hindi naman porke nagtanong ka na ay ibig sabihin nun naghahabol ka na. Alamin mo lang kung nasaan si Vaughn nang hindi ka nag-aalala riyan at nag-iisip ng kung anu-ano." Pagkatapos ay iniwan na siya ni Laura at huminga siya ng malalim bago niya naisipang lapitan ang nasabing lalaki.
Nang makalapit siya sa lalaki ay napaangat ang tingin nito sa kanya at agad siyang tumayo sabay yumuko na para bang napaka-importante niyang tao. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang dahil sa ginawa ng lalaki.
"Uhm, i-ikaw iyong kasa-kasama ni Vaughn 'di ba?" Tumango ito. "A-Alam mo ba kung nasaan siya? Napansin ko kasi na isang linggo na siyang hindi nagpapakita pero palagi ka namang nandito kaya naisip ko na baka may nangyari sa kanya."
Nanahimik ito saglit habang nakatitig lang sa kanya. Makalipas ang ilang segundo siguro ay ngumiti ito sa kanya. "You don't need to worry about him, my lady. He's perfectly fine and safe. He's family needs him, so he needed to go back to his country. But once everything is okay, he'll come back here."
Medyo nagulat pa si Violet nang marinig niya mula sa lalaki ang mga salitang, 'my lady'. Hindi naman siya gano'n kagalang-galang para sabihan siya ng lalaki ng gano'ng entitlement. Napatango na lamang si Violet at akmang aalis na siya nang matigil siya sa kanyang kinatatayuan.
Naalala nga pala niya na hindi pa pala niya natatanong kung ano ang pangalan ng binata. Kaya naman muli siyang bumalik at tinanong nito ang kanyang pangalan.
"My name is Max, my lady." Napangiwi na lang siya ulit nang marinig nanaman niya ang my lady na iyon mula sa lalaki.
"Uhm, why do you call me like that?" tanong niya.
"Like what, my lady?"
"That. Why do you need to call me, my lady? Hindi naman ako royalty o isang noble para sabihan mo ako ng my lady." Napatingin muli sa kanya si Max.
"I think it only fits for a lady like you. We don't know. You might marry a royalty someday, my lady." Napahagikgik na lamang siya dahil napaka-imposible namang mangyari nun.
Siguro kung sakali man na may ikakasal sa isang royalty ay hindi siya iyon. Hindi siya katulad ni Princess Diana o ni Duchess Meghan na sobrang sinuwerte dahil nakapag-asawa ng prinsipe at duke. Napailing na lamang si Violet at nagpasalamat na lamang siya sa pagsagot sa kanyang mga tanong.
BINABASA MO ANG
My Royalty Love (Completed)
RomantikWARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be husband, she was so devastated, and she was so afraid of the humiliation that she brought to her family...