Nang araw na iyon ay doon na pinatulog ni Violet ang binata at kahit hindi man niya ito lubusang kilala ay naging maganda ang kanilang pag-uusap. Marami siyang nalaman tungkol dito at isa na roon na galing ito sa Europa. Hindi man nito sinabi sa kanya kung saan ay alam niya na may lahing banyaga ang lalaki dahil na rin sa mga mata nito.
Pinatulog nito ang lalaki sa sofa na agad naman nitong tinanggap dahil iisa lang ang kwarto niya sa kanyang apartment. Habang naghahanda na siyang matulog ay hihiga na sana siya nang maisipan niyang silipin kung kumusta na ang lalaki. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya na halos nangangatog ito sa lamig kahit na makapal ang kumot na gamit nito. May heater naman sa loob ng bahay pero nasa loob lamang ito ng kanyang kwarto.
Napatingin naman siya sa kanyang kama at nakita niyang malaki naman ang kanyang kama. Pero pinag-iisipan niya kung patutulugin niya ba ito rito o hindi lalo na at hindi pa sila gano'n magkakilala. Dapat nga ay hindi niya pinatulog ang lalaki sa kanyang apartment pero bilang pasasalamat na rin sa kanyang ginawa ay siya na ang nag-alok dito.
Isasara na sana niya ang kanyang pinto nang makonsensya siya kaya naman lumabas siya ng kanyang kwarto. Doon niya naramdaman ang lamig kaya naisip niya na kawawa naman ang binata sa salas. Mabilis niyang ginising ito na agad namang nagmulat ng kanyang mga mata.
"Uhm, g-gusto mo bang matulog sa kwarto ko? May heater doon at kung ayos lang sa iyo ay tabi na lang tayo dahil maluwang naman iyong kama ko." Napangiti si Vaughn sa kanya.
"Are you sure about that? Paano kung may gawin ako sa iyo?" tanong nito na ikinasimangot niya.
"Kanina mo pa sinasabi iyan pero hindi mo naman ginagawa. Kung totoo nga iyan ay kanina pa sana ako wala rito." Natahimik naman ang binata at agad na siyang tumayo upang sumunod kay Violet.
Pagpasok ni Vaughn sa kanyang kwarto ay napailing siya ng tahimik sa kanyang sarili dahil alam niya na kanina pa siya nagnanasa sa babae. At oras na tumabi siya kay Violet at maamoy ang halimuyak nito ay baka maulol lang siya. Napatingin siya sa paligid ng kwarto at nakita niya ang isang sofa bed na may kaliitan pero sakto lang sa kanya. Agad niya itong linapitan at sinabing doon na lamang siya matulog.
"Sigurado ka ba?" tanong nito na kanyang ikinatango.
"Violet, hindi ko alam kung bakit ang laki ng tiwala mo sa akin pero lalaki pa rin ako at babae ka. Maganda ka, gwapo ko at malakas ang appeal nating dalawa. Kahit hindi ako kriminal ay baka makagawa ako ng krimen ng wala sa oras. Kaya pumayag ka na bago pa magbago ang isip ko." Nakita niyang napalunok ito at tumango ito na kanyang ipinagpasalamat.
Nang maka-pwesto na si Vaughn ay hindi mapigilang mapakagat sa labi ni Violet. Paano ba naman kasi ay halos mamula siya nang marinig niya mula sa bibig ng lalaki na maganda raw ito sa paningin niya at pareho pa raw silang may sex appeal. Pinatay ni Violet ang ilaw at sinabi ang good night kay Vaughn na sinagot din naman nito.
Nang humiga na siya ay hindi niya masupil ang kanyang ngiti dahil sa kalokohan ng binata. Pero agad din itong napawi nang mapagtanto ni Violet na ang lalaki ay kasapi sa grupo ni Jack na isang babaero. Alam niya na marami nang napaiyak na mga babae ang lalaki dahil gwapo ito.
Sigurado rin siya na marami na ring naikama ang lalaki dahil ayon na rin naman sa sinabi nito na lalaki siya at babae siya kaya hindi mapipigilan na may mangyari sa kanilang dalawa. Doon niya napagtanto na ang mga katulad ni Vaughn ay hindi dapat pinagkakatiwalaan pagdating sa salitang pagmamahal. Kaya naman habang maaga pa lang ay sinasabi na ni Violet sa kanyang sarili na hindi dapat siya pumatol kay Vaughn o kaya naman ay mahulog ang loob niya rito. Pagkatapos niyang magmuni-muni ay ipinikit na ni Violet ang kanyang mga mata at mabilis na nakatulog.
Kinabukasan ay maagang nagising si Vaughn at nakaramdam siya ng kakaibang pangangawit sa kanyang likod at balakang. Doon niya lang naalala na natulog pala siya sa sofa bed ng dalaga na saktong-sakto sa kanya kaya halos iisang posisyon lang ang pagtulog niya. Isa pa ay masyadong maliit sa kanya ang sofa bed kaya ang paa niya ay halos lumampas na rito.
BINABASA MO ANG
My Royalty Love (Completed)
RomanceWARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be husband, she was so devastated, and she was so afraid of the humiliation that she brought to her family...