Matapos ng nangyaring pagkikita nina Violet at Jake ay hindi na muna siya bumalik sa loob at nanatili silang dalawa ni Vaughn sa sasakyan. Tahimik silang dalawa habang nakatingin lang sila sa kawalan. Napahinga ng malalim si Violet nang mapatingin siya kay Vaughn nang magsimula itong magsalita.
"Jake wanted you back, my love. Pagbibigyan mo ba siya sa kanyang hiling na kausapin ka para magpaliwanag?" Napaisip bigla si Violet sa tanong ng lalaki.
"Hindi ko pa alam pero iniisip ko rin na pakinggan ang side niya. I was controlled by my anger a while ago that I was not thinking rationally. Gusto kong malaman kung bakit niya nagawang iwan ako sa altar ng mag-isa. Papayagan mo ba akong kausapin siya kung sakali?" Nagbuga ng hangin si Vaughn at agad na napansin ni Violet na ayaw na nitong makausap pa ang lalaki.
"I'm scared, my love. Paano kung sa pakikipag-usap mo sa kanya ay ma-realize mo na mahal mo pa siya at nagsisisi ka na ako ang naging nobyo mo? Paano kung sa pag-uusap niya ay ma-realize mo na siya pa rin ang gusto mong pakasalan? Paano kung sa pakikipag-usap mo ay—"
"Then I will not talk to him," sagot niya sa iba pang sasabihin ng binata. Agad naman na napatingin si Vaughn kay Violet.
"What? R-Really? You are not going to talk to him?" Tumango si Violet.
"Oo. Kung iyon ang makakapagpanatag ng loob mo ay iyon ang gagawin ko." Halos lumaki ang mga mata ni Vaughn.
"Gagawin mo iyon para lang sa akin?" Muling tumango si Violet pero nakita niya rin ang lungkot sa mukha ng binata. "Hays. No. Don't do it for my sake, my love. Kung anuman ang magiging desisyon mo oras na kinausap mo siya ay tatanggapin ko ng buo sa aking loob. I can't be selfish. Ikaw ang nasaktan at sigurado ako na kahit papaano ay gusto mo rin ng closure."
"S-Sigurado ka ba?" Tumango si Vaughn sabay hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan ito na kanyang ikinakilig.
"Just promise one thing, my love. Kung ma-realize mo man na siya pa rin ang mahal mo ay pwede bang huwag mo nang sabihin sa akin?" pakiusap nito na kanyang ipinagtaka. "I don't want to hear it from your voice that you still love him. It would shatter me to the core. Hindi ko kakayanin na malaman na mahal mo pa rin siya. So, promise me, okay?"
"Hindi siguro mangyayari iyon, Vaughn," sabi niya sa binata.
"What if? Ayokong umasa muna sa ngayon na ako na ang laman ng puso mo." Napasimangot naman si Violet pero nalungkot din siyang malaman na ayaw siyang pagkatiwalaan nito.
Naiintindihan din naman niya si Vaughn dahil kung sakaling siya rin ang nasa lugar ni Vaughn at malaman niyang may ibang pakakasalan sana at may ibang minahal na una ang binata ay hindi rin siya maniniwala agad. Kaya naman para matahimik na ang loob ni Vaughn ay tango na lang ang isinagot niya kahit nakikita niya na nasasaktan ang binata. Sabay silang napatingin sa may bintana nang makita niya na kumakatok doon si Max.
Kaya ibinaba ni Vaughn ang bintana at sinabing malapit na raw matapos na kumain sila Jake. Agad namang nagtinginan sila Vaughn sa isa't isa at tumango si Violet sabay tipid na napangiti naman si Vaughn. Paglabas nilang dalawa ay agad na ikinawit ni Violet ang kanyang kamay sa braso ni Vaughn na ikinagulat ng binata.
Pero napalitan ito ng ngiti at sabay na silang bumalik papasok sa resto. Pero hindi pa lang sila nakakatapak sa mismong pintuan ay nakita na nilang palabas si Jake kasama ang babae at mga magulang nito. Nang magtama ang mga mata nina Jake at Violet ay napansin ni Violet na agad na dumako ang tingin ni Jake sa nakakawit na kamay niya sa braso ni Vaughn.
Si Violet naman ay napatingin sa babae na napangiti sa kanya na kanyang ikinagulat. Naisip niya bigla, 'Bakit siya nginingitian nito gayong alam naman nito na mukhang may nakaraan silang dalawa ni Jake?' May binulong ang babae kay Jake at napatango naman si Jake at nakita niyang umalis ang babae at mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
My Royalty Love (Completed)
RomanceWARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be husband, she was so devastated, and she was so afraid of the humiliation that she brought to her family...