Isang oras bago ang shift ni Violet ay nandoon na si Vaughn sa may garahe ng La Savor Restaurant at inaabangan ang pagdating ni Violet. Alam kasi nito na gamit ng dalaga ang kanyang sasakyan kaya madali lamang niya itong makikita kung sakali. Makalipas ang ilang minuto ay saktong padating na nga ang BMW na sasakyan niya kaya lumabas na rin siya sa kanyang sasakyan habang nakasunod pa rin sa kanya si Max.
Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya kay Violet at nang makita siya ng dalaga ay napansin niyang natigilan ito at agad na namula ang pisngi nito. Isang bagay na nagugustuhan niya kay Violet dahil alam naman niya sa kanyang sarili na head turner siya at kahit hindi sabihin ng dalaga ay nagwagwapuhan ito sa kanya. Kaya naman araw-araw ay sinisigurado niya na gwapo siya palagi upang siya ang unang makikita ng dalaga.
Nang makalapit siya kay Violet ay nakita niya kung paano humigpit ang hawak niya sa kanyang nakasukbit na bag sa kanyang balikat. Nakita rin niya kung paano ito mapalunok nang malapit na malapit na siya sa dalaga. Gusto niya mang magyabang ay hindi niya gagawin iyon kay Violet dahil gusto niyang makuha ang tiwala nito.
"Good evening, my love." Napasimangot naman si Violet na kanyang ikinangiti.
"Nandito ka nanaman. Wala ka bang gagawin na mas importante kaysa ang bantayan ako? Wala ka bang trabaho o mga negosyo na kailangang asikasuhin?" tanong ni Violet kay Vaughn.
"None. Isa pa talagang inalis ko ang mga meetings ko sa loob ng isang buwan. Mas importante ka sa akin kaya ayos lang kung pabayaan ko ng kunti ang mga negosyo ko. It can live without me." Umirap naman ang dalaga na bubulong-bulong kaya napailing na lang siya.
"She's difficult to tame, your highness," bulong naman ni Max na kanyang ikinangisi.
"I know. Don't worry, I'll get her to open up to me someday, and when that happens, I won't let her go." Tumango naman si Max at sumunod na sila sa papalayong likod ni Violet.
Pagpasok nila ay natuwa sila nang makita nilang may nakalagay nang reserved sa dati nilang pwesto at nang tignan ni Vaughn ang isa sa mga empleyado ay nag-thumbs up ito sa kanya na kanyang ikinangiti. Mukhang hindi naman pala siya mahihirapan dahil maging ang mga katrabaho ni Violet ay boto sa kanya.
Nagsimula ang trabaho ni Violet at napansin niya na mas marami ang tao ngayon kaysa noong isang araw. Halos wala na ring panahon na mapasulyap si Violet sa kanya dahil ang daming gustong kumausap sa dalaga. Habang nagmamasid siya sa paligid ay napasingkit ang kanyang tingin nang makita niya ang isang lalaki na abalang kumukuha ng video sa buong lugar.
Pero nang tumuon ang camera nito kay Violet ay nakita niya ang pagkamangha nito na kanyang ikinainis. Agad siyang nakaramdam ng galit at unti-unting kumuyom ang kanyang mga kamao ng hindi niya namamalayan. Mas lalo lang siyang nainis nang makita niya kung paano videohan ng lalaki si Violet mula ulo hanggang paa na para bang sa isang porn video.
Hindi siya nagdalawang isip at mabilis siyang tumayo upang lapitan ang lalaki at agad na inagaw ang kanyang video. Sa inis niya ay sinira nito ang kanyang camera at agad na napatayo ang lalaki at akmang susuntukin siya nang makailag siya. Nagpupuyos siya sa galit na wala siyang pakialam kung marami na ang nakatingin sa kanila.
Mabilis namang lumapit ang ilang empleyado sa nasabing lalaki habang dumudugo ang labi nito na masamang nakatingin sa kanya. Nang makatayo ito ay mabilis siyang itinuro ng lalaki.
"What the hell is your problem, dude?" galit na tanong ng lalaki sa kanya.
"What is happening here?" Nawala ng kunti ang kanyang galit nang marinig niya ang boses ng dalaga. "Oh my, sir, are you okay?" tanong ni Violet sa lalaki at nang makita niya na hahawakan nito ang kanyang kamay ay mabilis niyang hinila palayo si Violet.
BINABASA MO ANG
My Royalty Love (Completed)
RomansaWARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be husband, she was so devastated, and she was so afraid of the humiliation that she brought to her family...