Chapter 17

119 2 0
                                    

Nang wala na siyang makita ay agad niyang naramdaman ang pagtayo ni Vaughn sa kanyang likuran at agad na ipinulupot ni Vaughn ang mga braso niya upang gabayan siyang maglakad. Agad niyang naramdaman ang matipunong dibdib ng binata at halos mapalunok siya sa sobrang tigas nito. Pagkatapos ay naramdaman niya ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang leeg na naging dahilan upang magsitayuan ang kanyang mga balahibo.

Pero hindi niya na lamang ito pinapansin dahil mamaya ay asarin nanaman siya ni Vaughn. Ang hangin pa man din ni Vaughn oras na pinaramdam ni Violet sa kanya kung gaano ito ka-gwapo. Nagsimula na silang maglakad kung saan ay nanatiling nakatayo sa kanyang likuran si Vaughn.

"Slowly, my love. We're almost there," bulong nito sa kanya.

Hindi niya alam kung ilang minuto na silang naglalakad pero naramdaman na lang niya ang pagtigil nila at agad siyang nadismaya nang mawala ang matipunong dibdib ni Vaughn sa kanyang likuran. Naramdaman niyang inaalis nito ang kanyang piring kaya naman napahinga siya ng malalim upang ihanda ang kanyang sarili sa kanyang makikita. Nang maalis ni Vaughn ang kanyang piring ay napakurap-kurap na muna siya habang nag-a-adjust ang kanyang mga mata sa liwanag.

"We're here. Surprise," pagkasabi iyon sa kanya ni Vaughn ay halos mapatakip siya sa kanyang bibig. Maang siyang napatingin sa kanyang nakikita at halos maluha na lang siya sa sobrang saya. "I hope you've liked it."

"Yes! Oh my, Vaughn! H-How?" tanong niya.

"Well, like I said, it's a surprise."

Paanong hindi siya magugulat at maiiyak sa tuwa kung ang nasa harapan niya ay isang hardin na punong-puno ng mga bulaklak. Sa mismong kinatatayuan nila ay isang pavillion na parang nakikita niya lang sa mga movies. Mula sa malayo ay makikita niya ang nakatagong mga salita na nakaukit sa mga bulaklak.

Written on the center of the bed of roses are, 'I LOVE YOU.' Habang binabasa niya ito ay naninikip ang dibdib niya hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa sobrang saya. There are no words to describe how beautiful the place is. Napatingin si Violet kay Vaughn na may namumuong luha sa kanyang mga mata at nang makita ito ni Vaughn ay agad niyang pinahid ang mga mata ng dalaga.

"Why are you crying, my love? Dinala kita rito para maging masaya ka pero nandito ka sa harapan ko at umiiyak." Natawa na lang ng mahina si Violet sabay pinahid na rin niya ang kanyang mga luha.

"No, no. I'm so happy, Vaughn. Hindi mo alam kung gaano ako kagalak na makasama ka habang binabasa ko ang mga salitang iyon. H-Hindi ko na alam kung ano'ng mararamdaman ko, Vaughn." Hinaplos ni Vaughn ang kanyang mukha at pinakatitigan siya nito sa kanyang mga mata.

"Then give me your love, Violet. Iyon lang ang kailangan mong iparamdam sa akin dahil ikaw lang ay sapat na. Like I said before, I want your heart." Napatango naman si Violet.

"I'm giving it to you already Vaughn. Walang dahilan para pigilan ko pa ang nararamdaman ko para sa iyo dahil aminin ko man o hindi ay matagal na akong nahulog sa iyo. I was just afraid. Sinabi ko noon sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa pero nandito ka at binaliktad mo ang aking pananaw. Thank you." Agad na yinakap ni Vaughn si Violet ng mahigpit.

"You are making my heart beat so fast, my love. Pakiramdam ko ay baka ma-high blood ako ng wala sa oras dahil sa bilis ng pag-pump ng aking puso ng dugo." Natawa na lang silang dalawa sa joke ni Vaughn.

Nang maghiwalay sila ay agad na nagkatitigan sila sa mga mata ng bawat isa at agad na dumukwang si Vaughn upang halikan si Violet. Sa pagkakataong ito ay iyon na ang pinaka-unang halik ni Vaughn sa kanya at hindi na siya pumapalag o kung ano pa man. Hinalikan niya rin ng buong puso ang binata habang ramdam na ramdam nila sa bawat isa ang pagmamahal nila.

My Royalty Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon