Inayos ni Violet ang mga bulaklak na bigay sa kanya ni Vaughn at tuwing naaalala niya ang itsura ng lalaki kanina ay napapangiti siya. Kinuha niya ang bulaklak dahil gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito. Pero base sa mga galaw nito ay pansin ang gulat sa kanyang mukha.
Pero ang mas kinagulat niya ay nang malaman niya na may naghahanap daw sa kanya na lalaki kaninang mga tanghali. Sinabi ni Laura sa kanya na nakita niyang dumiretso ang lalaki sa parking lot at marami ang nagsasabi na kanina pa ang sasakyan na iyon doon. Marami ang nag-alala dahil ang akala raw nila ay may patay nang tao sa loob kaya kinailangan niyang tignan ito.
Pero agad niyang nakita si Vaughn sa loob na mahimbing na natutulog kaya naman agad na niya itong nagising. Ayaw niyang mag-assume pero base sa kanyang nakita kanina ay mukhang hinintay nga siya ng binata kanina pa. Kung sakali ngang gano'n ay bilib na siya sa tibay nito ng loob.
Ayaw niyang tumanggap ng bagong relasyon dahil ayaw na niyang mangyari iyong sa kanila ni Jake. Pero sa nakita niya kanina sa ginawa ni Vaughn ay naisip niyang bigyan ng pagkakataon ang lalaki. Habang inaayos niya ang mga bulaklak ay may kumatok sa kanyang pinto at hindi na siya lumingon pa kung sino ito.
"Pinapasok na ako ng empleyado mo." Napalingon siya at nakita niya si Vaughn na nakatayo sa pintuan at pinapasok niya ito.
Pinaupo niya ito at tinapos niya lang ang pag-aayos ng mga bulaklak sa kanyang flower vase. Ang chocolate naman na bigay ni Vaughn ay linagay na niya sa mini ref ng kanyang opisina para kahit papaano ay tumigas ito. Nang matapos siya ay hinarap niya si Vaughn na mukhang kanina pa nakatingin sa kanya.
Linapitan niya ito at umupo siya sa tabi ni Vaughn na tahimik pa ring nakatitig sa kanya. Gustong-gusto niya talaga ang kulay ng mga mata ni Vaughn dahil pakiramdam niya ay ramdam niya ang kapayapaan mula rito. Nagsimula siyang magsalita upang mawala ang pagiging awkward nila sa isa't isa.
"Tinatanggap ko na ang alok mo sa akin na paibigin mo ako ng isang buwan," simula niya.
"Talaga?"
"Pero may kondisyon ako," tuloy niya. "Hindi pa rin ako payag na makipagrelasyon sa iyo, Vaughn. Sabihin mo na ako na iyong babaeng hindi makapag-move on pero gusto ko rin sanang intindihin mo na hindi biro ang naging relasyon namin ni Jake. Limang taon ko siyang naging nobyo at kahit nagawan niya ako ng masama ay hindi biro ang pinagsamahan namin. Minahal ko rin naman siya at hindi gano'n kadaling mabura ang mga alaala at kahihiyan na natanggap ko sa isang taon lang."
Nakita niya kung paano gumuhit ang saglit na sakit sa mukha ng binata pero hindi niya ito pinansin dahil ayaw niyang kaawan niya ang lalaki. Gusto niyang maging patas siya kay Vaughn dahil ayaw niyang paasahin ang lalaki oras na matapos ang isang buwan. Maya-maya ay tumango ito at napalitan ng ngiti ang kanyang mga labi.
"I understand. What's your condition?" tanong nito na kanyang ikinatango.
"I want to take things very slow between us, Vaughn. No touching hands unless I'm the one who is going to initiate it. No kissing unless I want to. No hugging unless I say so. Kung kaya mo akong paibigin na hindi ginagawa ang mga bagay na iyon ay hindi ako magrereklamo at magiging nobya mo ako pagkatapos ng isang buwan. Pero kailangan mo ring ipangako sa akin na oras na wala akong maramdaman pagkatapos ng isang buwan—"
"Ay hindi na kita muling guguluhin pa, I got it." Tuloy nito sa iba niyang sasabihin. "Like I said, I don't get back on my word, Violet. Kung iyan ang gusto mo ay iyon ang gagawin ko. Pero kung may isang bagay ka mang dapat na malaman sa akin ay hindi ako iyong taong hindi basta sumusuko. Tulad nga ng sabi ni BDO, I find ways." Natawa siya ng mahina sa sinabi ni Vaughn.
"Really?"
"Yes. Gagawa ako ng paraan para lang mapaibig ka sa loob ng isang buwan at pinapangako ko na pagkatapos ng isang buwan ay ikaw mismo ang maghahabol sa akin." Napairap siya sa binata sa pagiging mahangin nito.
BINABASA MO ANG
My Royalty Love (Completed)
RomansaWARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be husband, she was so devastated, and she was so afraid of the humiliation that she brought to her family...