"W-What? P-Pero, bakit? Dahil ba sa pagiging absent ko ng ilang araw?" Umiling si Dyanne.
"No. A guy named Vaughn came here yesterday, and he threatened to close down my restaurant if I will not fire you. I'm sorry, Violet. Gusto kitang ipagtanggol pero tinakot niya ako at sinabing mapapahamak ang aking ama oras na hindi kita inalis." Napaupo si Violet sa upuan at napahilot na lamang siya sa kanyang sintido. "He's looking for you as well, but I said that I don't know where you are. Violet, that guy was so angry when he came here. Ano bang nangyari sa inyong dalawa at gano'n na lang ang galit niya sa iyo?"
Napakuyom si Violet ng mahigpit dahil sa kanyang nalaman. Hindi niya akalain na gano'n na lamang ang ugali ng lalaki. Kung gano'n ay lahat ng mga sinabi nila noon tungkol sa kanya ay totoo at ngayon ay nararamdaman na niya ang totoong Vaughn Brixton. Sa nalaman ni Violet ay mas lalo lang siyang nagalit sa binata dahil sa kanyang nalaman.
"I'm scared for your safety, Violet. Hindi ko alam kung ano'ng atraso mo sa taong iyon pero hindi ka na pwedeng manatili rito kahit dito sa New York." Napaangat siya ng tingin kay Dyanne. "Here take this." May binigay na isang plane ticket si Dyanne sa kanya.
"Dyanne? A-Ano ito?" tanong niya sa kaibigan.
"It's a plane ticket going to Paris. May isla si Papa roon na hindi na niya nagagamit at may nakatayong condo roon. Pwede kang tumira roon pansamantala." Napailing naman si Violet.
"What? H-Hindi ko ito matatanggap Dyanne."
"It's okay. Kahit ito man lang ang maitulong ko sa iyo pagkatapos kitang alisin sa trabaho. Masama ang kutob ko sa Vaughn na iyon kaya habang hindi ka pa niya nakikita ay magtago ka na muna. Huwag kang mag-alala dahil may tutulong sa iyo roon pagdating mo. Please. Ayokong malaman na may mangyaring masama sa iyo dahil sa lalaking iyon." Natahimik si Violet at mabilis siyang napatango.
"Thank you, Dyanne. Hindi ko alam kung paano ako babawi sa iyo." Umiling naman si Dyanne.
"Para na kitang kapatid kaya hindi mo dapat bumawi sa akin. I want to help that's why I'm doing this." Nagpasalamat naman si Violet sa kanya at mahigpit niyang yinakap si Dyanne.
Pagkatapos ay mabilis na itong umalis habang hawak-hawak nito ang ticket na bigay sa kanya ni Dyanne. Kung ito ang paraan para hindi siya makitang muli ni Vaughn ay magtatago siya at magsisimula siya ng panibago. Sumakay ng taxi si Violet at pinahatid niya ito papuntang airport upang makalayo siya agad sa New York. Nang masiguro ni Dyanne na nakaalis na si Violet ay napatawag siya kay Vaughn habang papunta siya sa kanyang sasakyan.
"Tapos ko na po ang pinapagawa mo kamahalan. Siguraduhin mo lang na hindi mo na sasaktan si Violet dahil kahit prinsipe ka pa ay ingungudngod ko iyang mukha mo sa putik." Pananakot ni Dyanne kay Vaughn at natawa lang ang lalaki sa kabilang linya. Nang matapos makausap ni Dyanne si Vaughn ay agad na humingi ng tawad ito sa kawalan bago siya sumakay sa kanyang sasakyan.
Pagdating ni Violet sa airport ay lakad-takbo siyang pumasok sa airport at agad na pinakita niya ang kanyang ticket na papuntang Paris. Ayon kay Dyanne ay hindi na niya kailangang magdala ng kanyang mga gamit dahil lahat ng kailangan niya ay meron na islang iyon. Nang makasakay na siya sa eroplano ay muli siyang napatingin sa labas ng bintana ng eroplano at naisip niya na hindi ganito ang pagbabagong nasa isip niya nang pumunta siya rito makalipas ang isang taon.
Kung nakinig lamang siya sa sinasabi noon ng kanyang puso at sinasabi noon ng kanyang kapatid ay hindi sana mangyayari ito sa kanya. Pero huli na ang lahat kaya hindi na niya kailangan pa ang magsisi. Mabilis na lumipad ang eroplano papuntang Paris at imbes na makaramdam siya ng kalayaan ay para siyang isang takot na takot na hayop na nagtatago sa kanyang predator.
BINABASA MO ANG
My Royalty Love (Completed)
RomanceWARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be husband, she was so devastated, and she was so afraid of the humiliation that she brought to her family...