Nang makaalis sila Violet kasama ang lalaking hindi niya pa nakikita sa buong buhay niya ay bigla siyang linapitan ni Carla at agad na ikinawit nito ang kamay sa braso niya. Masama siyang napatingin sa babae at agad na inalis nito ang pagkakakawit. Masamang napatingin si Vaughn kay Charlie at agad niya itong linapitan.
"Do you think I don't know what you're doing?" Napangisi naman si Charlie sa kanya.
"What's done is done, Vaughn. Kailangan mong pakasalan ang prinsesa ko dahil iyon ang napagkasunduan ng pamilya natin." Umangat ang gilid ng labi ni Vaughn sabay matalim na tinitigan si Charlie.
"Fine. Sana lang magtagumpay ka sa binabalak mo, Charlie dahil kung hindi ay magsisisi ka na ako ang binangga mo." Pagkatapos ay tumalikod ito at agad naman na sumunod sa kanya si Max. Habang naglalakad sila palabas ng mansyon ni Charlie ay inayos ni Vaughn ang kanyang sarili.
"Your highness, how about the pendant and Ms. Violet?" tanong ni Max sa kanya.
"You know the rules of it. I only gave the pendant to Violet and no one else. Kahit binigay ni Violet kay Carla iyong kwintas ay hindi ibig sabihin nun na ligtas na siya. Remember that I am the only one who can legally give that necklace." Agad na napakunot si Max.
"So...?"
"So, it means, no one can still touch or harm her," sagot ni Vaughn.
"Kung gano'n ay ano ang balak niyong gawin?" tanong ni Max habang paakyat na sila sa kanyang yate.
"Masyado na akong sinasagad ng pamilya Kratos na iyan. Tama ang sabi ni Abby dahil kung anuman ang ginawa nila ay mukhang napaniwala nila si Violet sa kasinungalingan nila. Una, sinaktan nila ang kuya ko, ngayon naman ay linayo nila ang kaisa-isang babaeng minahal ko, at pangatlo ay inangkin nila ang bagay na hindi dapat sa kanila. They are hiding something, and I will find their every secret and expose them," paliwanag ni Vaughn habang inaayos niya ang kanyang sarili.
"And how about Ms. Violet?" tanong ni Max habang minamaneho na nito ang yate.
"Find out the guy whom she went with. He seems familiar, but I can't remember him or where I saw him. For now, hahayaan ko na muna na palamigin ni Violet ang ulo niya at kapag naayos ko na ang lahat ay kukunin ko siya." Napataas ng kilay si Max.
"Kukunin? Hindi susuyuin?" tanong ni Max at agad na napangisi si Vaughn.
"She's mine to begin with. Babawiin ko lang ang akin." Natawa naman ng mahina si Max habang umiiling ito.
Habang nagmamaneho palayo si Vaughn ay linabas niya ang kanyang telepono at agad niyang tinawagan ang mga taong alam niyang makatutulong sa kanya.
"Hello, dude? I need you to do something for me." Napangisi na lamang si Vaughn habang lumalabas ang kanyang sungay sa kanyang gagawin. 'I'm sorry, my love, but this is the only way I can protect you.'
Nang makarating sila Violet sa pampang ay hindi niya alam kung nasaan na sila pero tanto niya ay nasa America pa rin siya. Lumilipad ang kanyang utak at pakiramdam niya ay para siyang lumulutang sa kanyang mga nalaman. Habang naglalakad siya ay muntik pa siyang mabuwal sa kanyang paglalakad at agad naman na may sumalo sa kanya. Pagtingin niya ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Siegfried sa kanya.
"Violet, ayos ka lang ba?" tanong nito na kanyang ikinaupo sa buhangin.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Siegfried. Sobrang sakit ng puso ko na para bang tinusok ako ng ilang beses." Agad naman na dinaluhan siya ni Siegfried.
"Katulad ng sabi ko ay hindi ko alam ang sasabihin para lang gumaan ang pakiramdam mo pero mas mabuti nang malaman mo kung ano'ng klaseng tao si Vaughn habang maaga pa. You are a strong woman, Violet. I know it will take time to heal, but you need to be strong for yourself." Mabilis na tumango si Violet at agad siyang tumayo habang tinutulungan siya ni Siegfried.
BINABASA MO ANG
My Royalty Love (Completed)
RomansaWARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be husband, she was so devastated, and she was so afraid of the humiliation that she brought to her family...