Chapter 19

115 0 0
                                    

Nang makarating si Vaughn sa Italy ay agad siyang sinundo ng kanilang limousine at agad niya itong pinahatid sa kanilang palasyo. Pagdating niya ay agad siyang sinalubong ng maraming katulong pati na rin ng iba pang kasama nila sa bahay. Pero agad niyang hinanap ang kanyang ina na nakita niyang pababa ng kanilang hagdan.

"Oh, son. Glad you are back. Tamang-tama ang dating mo dahil gising na ang kuya Vance mo." Yumakap si Vaughn sabay humalik sa kanyang ina.

"Hello, mom. I want to chit chat, but I want to see my brother first." Tumango naman ang ina ni Vaughn.

"Of course. Tatawagin ko lang ang ama mo para malaman na nakarating ka na."

Iniwan niya ang kanyang ina at mabilis siyang pumanhik sa kwarto ng kanyang kapatid. Agad siyang kumatok at pagbukas niya ng kanyang pinto ay nakita niya ang kuya na abalang kumakain ng almusal. Nang dumako ang ngiti ng kanyang kuya sa kanya ay agad itong napangiti sabay napailing siya.

"Hey, little brother," sabi nito sa kanya na kanyang ikinangiwi. "Alam kong ayaw mong tinatawag na little brother, but you are still my younger brother, Vaughn."

"How are you feeling, kuya? You look like shit; do you know that?" Agad naman na natawa ang kanyang kuya sa kanyang sinabi.

"I'm feeling better. Medyo masakit nga lang ang katawan ko pero mabubuhay naman ako. How about you? I hope our father is not pestering you again?" Nanahimik ko upang sabihin na hindi pa rin nagbabago ang aking ama. "How's everything with you?"

"Ayos lang ako kuya. Hindi mo na dapat ako kailangang alalahanin dahil kaya ko ang sarili ko. Isa pa kasama ko iyong bagong butler na binigay ni Mama sa akin." Tumango naman siya.

"Well, where is he? Bakit hindi ko nakikitang kasama mo siya?" Napangiti naman si Vaughn at agad na nakuha agad ng kanyang kuya ang ibig sabihin ng ngiting iyon. "I see. I would love to meet her soon."

"You will if you are going to walk soon, kuya. Kaya magpagaling ka dahil ayaw kong ipakilala siya sa iyo na ganyan ang kalagayan mo. Baka kaawan ka pa niya at sa iyo siya ma-in love." Natawa naman sa kanya si Vance. Maya-maya ay natahimik ang kuya niya at naging seryoso bigla ito.

"You need to be careful, Vaughn. The Kratos family are desperate to go back to the top. Lahat gagawin nila para lang umangat sila muli kaya nga kung nakikita mo ay nandito ako ngayon sa palasyo at nawawala ang aking pamilya." Napahinga ng malalim si Vaughn.

"I understand, kuya. No worries, because I think they focused their attention to me. Hindi ka na nila magagalaw pa pati ang pamilya mo." Napatango-tango naman si Vance sa kanyang sinabi. "It's just a matter of time before I can have my revenge to them. Anyway, pumunta lang ako rito upang kamustahin ka dahil nagising ka na. Magpasalamat ka dahil pinuntahan kita kahit alam kong mapapalayo ako sa New York."

"Thank you, little brother. I know you love me, even though you don't show it." Napangiwi naman si Vaughn at agad na inirapan niya ang kanyang kuya na ikinatawa naman nito.

Tinapik ni Vaughn ang balikat ni Vance at akmang lalabas na nang makatanggap siya ng tawag sa kanyang telepono. Agad na napakunot ang kanyang noo nang makita niyang tumatawag si Max dahil alam niya na hindi tatawag si Max hanggat hindi siya ang unang tumatawag dito. Kaya naman agad siyang nakaramdam ng kakaibang kaba at agad niyang sinagot ang tawag ni Max.

"Hello, Max?"

"Your highness! They got her! They got lady Violet!" rinig niyang sigaw ni Max sa kabilang linya habang halata sa boses nito na nahihirapan siyang magsalita.

Ni walang salitang namutawi sa kanyang mga labi at mabilis na binaba niya ang tawag at nag-aalalang napatingin siya sa kanyang kuya Vance.

"What's the problem?" tanong ni Vance at nang makita ni Vance ang takot sa mukha ng kanyang kapatid ay agad itong napamura ng mahina. "Go. I'll be fine here. Ako na rin ang bahalang magsabi sa kanila mama kung saan ka pumunta. Save her before it's too late."

My Royalty Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon