Chapter 18

107 3 0
                                    

"So? Did you already tell her about who you really are?" tanong ni Xander sa kanya.

"Not yet. Ni halos nahirapan nga akong susyuin ang kapatid mo kaya hindi ko na muna sinabi sa kanya ang lahat." Napangiti si Xander sabay linagok ang natitirang beer niya.

"Diyan ka mag-iingat dahil galit na galit si Ate sa mga sinungaling. Kaya kung ako sa iyo ay sabihin mo na sa kanya habang maaga pa dahil oras na siya ang umalis ay sinasabi ko na sa iyo na mahihirapan kang pabalikin siya." Napatango naman si Vaughn.

"Don't worry because I'm planning to. Kumukuha lang ako ng tyempo. Alam mo naman ang pinagdaanan niya lalo na at nakita niyang muli ang gago niyang ex kanina lang. Ayokong mabigla siya oras na sinabi ko sa kanya kung sino ako." Agad na napakunot si Xander.

"What? Jake is here? In New York?" Tumango si Vaughn. "That asshole! Alam mo ba na pinapahanap siya ng aming ama? My sister doesn't know about it, but our father was planning to punish that asshole."

Nang matapos nilang mag-usap ay para bang hindi siya sinuntok ni Xander kanina dahil nagtatawanan na sila at nagkwekwentuhan. Kahit naman na nagalit sa kanya si Xander ay masasabi niya na ito pa rin ang isa sa pinaka-matalik niyang kaibigan. Hindi rin naman niya masisi si Xander dahil kung siya rin ang may kapatid na babae at alam niya na babaero ang isa sa mga kaibigan niya ay ayaw niya lang na masaktan din ang kanyang kapatid.

Nang matapos silang mag-usap at mag-inuman ay nagpaalam na si Xander sa kanya. Tumayo na rin siya upang sabay na silang lumabas ng kanyang condo. Inalok niya na ihatid ito pero tumanggi na lamang si Xander dahil pupunta rin ito sa mall bago siya bumalik sa apartment ni Violet. Bago lumabas si Xander ay agad niya itong pinigilan.

"Hey, man. Thanks for accepting me for your sister. It means a lot to me." Napangiti si Xander.

"Just don't hurt her, dude. That's all I ask. She's suffered with her ex already, and I don't want to see her get hurt again." Tumango si Vaughn habang ngumingisi. "I'm serious, bro. Oras na saktan o paiyakin mo lang siya ay ilalayo ko siya sa iyo at ayaw kong maging magkaaway tayo nang dahil lang sa pagmamahalan niyo. I don't want to come a time where I'm going to choose between my friend and my sister."

"I promise. Makakaasa ka." Tumango naman si Xander sa kanya bago ito tuluyang umalis na sa kanyang condo.

Nang makasakay na ito ng taxi ay napahinga ng malalim si Vaughn sabay napatingin sa kanyang cellphone nang makita niyang tumatawag si Violet. Napangiti siya agad nang makita niya ang pangalan nito at mabilis niyang sinagot ang tawag nito.

"Hey, my love," sagot niya.

"Kumusta ang pag-uusap niyong dalawa ni Xander? Hindi ka ba niya sinaktan? Please tell me para nang makausap ko siya," nag-aalalang sabi nito.

"I'm fine. I actually had his blessing."

"R-Really? Y-You had his blessing? How?"

"Hmm. Sabihin na lang natin na hindi niya rin matanggihan ang karisma ko." Agad naman siyang natawa nang mapansin niya na natahimik si Violet at alam niyang sumisingot na ito. "Anyway, magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka. Bukas ay susunduin na lamang kita para ihatid ka sa iyong trabaho. I love you, my love."

"Okay... B-Bye. I-I love you, too." Napangiti na lamang siya dahil halatang hindi pa sanay si Violet na sabihin sa kanya ang mga salitang iyon.

Pagkatapos nilang magpaalam na dalawa sa isa't isa ay may natanggap ulit na tawag si Vaughn sa kanyang cellphone at nakita niyang tumatawag dito ang kanyang ina. Mabilis niya itong sinagot at narinig niya ang sigaw nito na sinasabing gising na raw ang kanyang kuya. Nang malaman niya iyon ay napahawak na lamang siya nang mahigpit sa kanyang cellphone.

My Royalty Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon