Mabilis lamang na lumipas ang isang buwan at hindi man lang ito namamalayan ni Vaughn. Habang nakahiga siya sa kanyang kwarto at nakatingin siya sa kisame ay nakikita niya ang magandang mukha ni Violet. Napangiti na lamang siya lalo na tuwing naalala niya ang bawat sandali na nakakasama niya ang dalaga.
Pero agad na bumangon siya sa kanyang pagkakahiga nang kumatok sa kanyang pinto si Max at tinatawag na siyang kumain. Agad siyang tumayo na hindi man lang naglalagay ng kanyang damit at nang binuksan niya ang pinto ay may naka-handa nang trolly tray sa kanyang harapan habang nakatayo naman si Max doon.
"Your highness, your breakfast is ready. Do you want me to prepare you some tea?" Umiling na lamang si Vaughn.
"I will not eat here, Max. I'd better eat it at the kitchen." Tumango naman si Max at agad na ibinaba niya ang hawak nitong tray.
Bumalik siya sa kanyang kama at agad siyang nagsuot ng damit bago siya bumaba sa kusina. Nakahanda na lahat ng kaniyang gagamitin at kakain na lamang ang kanyang gagawin. Habang kumakain ay nanatili namang nakatayo si Max sa kanyang gilid na naghihintay ng kanyang utos. Maya-maya ay napatingin si Vaughn kay Max bago siya nagsalita.
"I gave Violet the necklace," sabi nito kay Max.
Nakita ni Vaughn ang saglit na pagkagulat sa mukha ni Max pero kalaunan ay nawala rin lang ito bago ito tumikhim para magsalita.
"I don't have any doubts that you are going to give it to her, your highness. But why give it to her so early? Do you think that they would soon know about her?" Tumango si Vaughn bago siya sumimsim ng kanyang kape.
"Yes. Oras na mangyari iyon ay kahit papaano ay hindi siya mapapahamak sa gusto ng aking pamilya. Ayoko siyang idawit sa problema namin kaya naman binigay ko ito sa kanya. Mabuti nang ibigay ko ito sa kanya kaysa naman wala ako sa tabi niya at wala sa kanya ang kwintas." Hinarap ni Vaughn si Max at tinuloy nito ang magsalita. "Oras na mangyari iyon ay gusto kong nasa tabi ka lang niya Max."
Pansin ni Vaughn na gustong umangal nito pero hindi na lang niya ito ginawa at tumango ito na ikinasaya ni Vaughn. Pagkatapos ay itinuloy na lamang niya ang kanyang pagkain ng kanyang agahan. Nang matapos siyang kumain ay sabay silang napatingin ni Max nang may kumatok sa kanilang pinto. Maliban sa kanyang mga magulang ay wala nang nakaaalam kung saan siya naglalagi.
Nagtinginan silang dalawa ni Max at agad namang napatango si Vaughn sa kasama sabay kinuha ni Vaughn ang nakatago niyang baril sa kanyang cabinet. Si Max naman ay kinuha rin ang kanyang baril na nasa kanyang likuran at dahan-dahan na lumapit sa pinto. Bago buksan ni Max ang pinto ay nagtinginan silang dalawa saka mabilis na binuksan ni Max ang pinto at tinutukan ng baril ang taong nasa labas ng pinto.
"Whoah! Holy shit! I surrender!" Nakahinga ng maluwag sila Vaughn nang makita nila kung sino ang nakatayo sa harapan ng kanilang pinto.
"Shit! Fuck you, moron!" mura ni Vaughn sa lalaking nakatayo ngayon sa kanilang harapan.
"Seriously? Is this how you treat your visitor, couz?" tanong ng isang lalaki na nagngangalang Thunder.
"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyo na pumunta ka rito na hindi man lang tumatawag? Malamang ang iisipin namin ni Max ay isa ka sa kanila. Tsk! Idiot!" inis na sabi niya sa kanyang pinsan na si Thunder.
Thunder is his cousin from his mother's side. At katulad niya ay may titulo itong hinahawakan dahil ang mga magulang nito ay galing sa royal family. Napailing na lang siya nang makita niyang pumasok ang kanyang pinsan kasama ang butler nito at dalawang guard. Pero agad din siyang nakaramdam ng kaba dahil kung nandito ang kanyang pinsan ay may masamang balita itong dala.
"I want to surprise you! Pinuntahan kasi kita sa Milan pero ayon sa mga magulang mo ay matagal ka na raw na hindi umuuwi sa kanila kaya tinanong ko kung saan ka naglalagi. At dahil pinayagan naman ako ni mama na gamitin ang eroplano namin ay agad akong lumipad dito. Ayos ba?" Ngiting aso nito sabay inirapan siya ni Vaughn.
BINABASA MO ANG
My Royalty Love (Completed)
RomansaWARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be husband, she was so devastated, and she was so afraid of the humiliation that she brought to her family...