Chapter 33

134 2 0
                                    

Habang tumatakbo si Violet ay narinig niya ang sigaw ni Siegfried na halatang hinahabol siya pero dahil sa matayog ang mga halaman ng maisan sa lugar na iyon ay pwede niya itong hiluin. Kailangan niya lang ng taong tutulong sa kanya upang makapunta siya pabalik sa simbahan kung nasaan sila Vaughn. Habang tumatakbo siya ay bigla siyang natisod dahil na rin sa takong at haba ng kanyang gown at mabilis niyang nabitawan ang baril na hawak niya.

At dahil hindi na niya mahanap ang baril at naririnig na niya ang boses ni Siegfried ay hindi na niya hinanap ang baril at mabilis siyang tumayo sabay tumakbo. Habang tumatakbo siya ay narinig niya mula sa malayo ang mga ugong ng sasakyan na tanda na malapit lang siya sa kalsada. Inalis niya ang kanyang takong at binuhat niya ang kanyang wedding gown sabay mabilis na tumakbo sa naririnig niyang kalsada.

Nang malapit na siya ay laking pasasalamat niya nang makalabas nga siya sa nasabing kalsada at nakita niya ang papalapit na isang recreational van. Agad na kinaway niya ang kanyang kamay nang marinig niya ang sigaw ni Siegfried mula sa malayo. Ipinagdasal niya na sana ay hindi siya nito makita kaya naman siya na ang lumapit sa papalapit na RV at mabilis niya itong pinara. Dahan-dahang tumigil ang van at mabilis niyang linapitan ang babaeng nakasakay sa passenger's seat.

"H-Help me, please. S-Someone is following me."

"What, who?"

"T-They are trying to kill me. Please, help me," pakiusap niya at agad naman na tumango ang babae.

"Come in. Make it fast!" Abot-abot ang pasasalamat niya sa taas nang agad siyang pinasakay ng mag-asawa.

Nang makasakay siya sa van ay agad na pinaandar nila ito. Sakto namang nakita ni Siegfried ang baril niya sa damuhan at nang marinig niya ang tunog ng sasakyan na paalis na ay mabilis siyang tumakbo upang sundan ito. Pero nang makalabas siya sa nasabing maisan ay wala na siyang naabutan at halos magngitngit siya sa sobrang galit.

Habang natatakot si Violet at umiiyak ay hinid niya mapigilang mapahagulgol. Wala siyang pakialam kung pagtinginan na siya ng mag-asawa o sabihing nababaliw na siya pero hindi niya mailabas ang kanyang poot, galit at lungkot sa nangyayari. Agad naman na nagtinginan ang mag-asawa sa kanya at tinanong kung ano ba ang nangyari.

"M-Masyadong mahaba po kasi kung ikwekwento ko pa pero may humahabol sa akin. They wanted me dead. K-Kasal ko pa man din ngayon pero ganito ang nangyari." Agad naman na inabot ng babae ang kanyang kamay at mariin itong pinisil.

"It's okay. Mabuti na lamang at nakita ka namin sa daan. Saan mo gustong pumunta at ihahatid ka na lang namin doon," tanong sa kanya ng babae at mabilis niyang sinabi ang pangalan ng simbahan.

Pumayag naman ang mag-asawa na ihatid siya at pinapanalangin niya na sana ay nandoon pa si Vaughn. Pero agad niyang naalala ang kanyang mga magulang na iniwan niya sa kanina Archer at Max. Sana lang ay nasa maayos na kalagayan ang mga ito dahil hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili oras na may mangyari sa kanila.

Habang papunta sila roon ay ipinagpapasalamat niya na sana ay hindi siya masundan nila Siegfried pero malayong mangyari iyon. Hindi niya pa man din memoryado ang numero ni Vaughn kaya hindi niya ito matawagan. Habang papunta sila sa nasabing simbahan ay nagpasalamat si Violet nang may makita na siyang mga building at mga tao.

Pero agad silang natigil nang marinig niyang mapalatak ang asawa ng babae at napansin niya na may parade na nagaganap. Napahawak na lamang siya ng mahigpit sa suot niyang damit dahil bakit kung kailan kasal niya ay ngayon pa siya minamalas.

"Miss, pasensya ka na pero mukhang hanggang dito na lang talaga ang kaya namin. May parade pala ngayon kaya sarado ang daan patungong simbahan." Napatango na lamang siya.

My Royalty Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon