Chapter 29

141 4 0
                                    

Nang makabalik si Vaughn ay hindi siya mapapakali hanggat hindi nahuhuli si Kratos sa poder ni Seanne. Pero hindi na muna niya proproblemahin iyon sa ngayon lalo na nang makauwi siya sa palasyo. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Violet at sinabi ng isa sa mga kasambahay na nasa hardin daw ito habang kasama ang kanyang ina.

Agad siyang pumunta roon at nakita niyang nagtatawanan ang dalawa habang may pinapakitang album ito kay Violet. Nang makalapit siya sa mga ito ay agad siyang napasimangot nang makita niyang ito ang baby pictures niya.

"Mom! Seriously?" sita ni Vaughn sa ina.

"Oh, son. Glad you're here. Pinapakita ko lang naman kay Violet iyong itsura mo noong baby ka. At saka ano bang masama e mapapangasawa mo rin lang naman si Violet." Agad na nanigas si Violet sa kanyang kinauupuan at napansin iyon ni Vaughn.

"Stop it, mom. You are scaring, Violet." Hindi pinansin ng ina niya ang kanyang sinabi bagkus ay hinawakan nito ang kamay ni Violet.

"Pakakasalan mo naman iyong anak ko di ba iha?" Napailing na lamang si Vaughn at agad na lang niyang hinila patayo si Violet bago pa ito makasagot.

Nagpaalam na si Vaughn at agad niyang hinila si Violet palayo sa ina niya. Habang hila-hila niya si Violet ay napansin niya ang pagiging tahimik nito bigla. Agad naman siyang nag-alala na baka natakot na ito sa sinabi ng kanyang ina kaya naman natigil siya sa paglalakad nang makarating sila sa loob ng palasyo. Hinarap niya si Violet at agad niyang nakita na nakatungo ito.

"Hey, don't mind what my mom said." Nanatili itong tahimik at agad na nakaramdam ng kaba si Vaughn.

"Wala ka bang planong pakasalan ako?" tanong ni Violet na agad na ikinagulat ni Vaughn. Natulala ito sa tanong ni Violet at hindi alam ni Vaughn kung ano'ng iaakto sa tanong ni Violet. Pagkatapos ay bigla na lamang natawa si Violet at agad na pinisil niya ang pisngi ng binata. "Sike! Binibiro lang naman kita. Vaughn? Hoy!"

"W-What?" tanong ni Vaughn at agad na napasimangot si Violet. "Sorry, my love. You caught me off guard. Do you want me to marry you?" Maang namang napatingin si Violet sa kanya. "Okay. If that's what you want then I'll do it. I was actually planning to propose to you after all of this ruckus are done. Max?"

"W-Wha—"

"Tell them that I wanted to buy this ring. Make sure that it is the real thing." Utos ni Vaughn na mas lalong nagpanganga kay Violet.

"Yes, your highness." Agad namang umalis si Max at hindi alam ni Violet kung ano'ng nangyari. Sinundan niya ng tingin si Max pero mabilis itong nawala sa kanyang paningin.

"W-What? Vaughn! Why did you—" Hindi na natuloy ni Violet ang kanyang sasabihin dahil pagharap niya ay nakita niyang nakaluhod na sa isang tuhod niya si Vaughn. "V-Vaughn..."

Huminga ng malalim si Vaughn. "I was about to propose to you after everything that is happening right now, but I can't wait. I know that I still need to explain everything to you. I know that I still need to get your whole trust. I know I should have asked you properly to be my girlfriend, and to ask you for a lot of dates. But I don't want to waste any more time doing that when I can show it to you before and after our marriage."

Huminga ng malalim si Violet at agad na namuo ng luha sa kanyang mga mata. Narinig ni Violet ang pagsinghap ng ina ni Vaughn marahil dahil nakita nito na nakaluhod sa kanyang harapan si Vaughn. Pero wala na siyang panahon pa para pansinin ito dahil nakatuon na lang ang atensyon niya sa lalaking nasa harapan niya.

"Violet Mostrales, my love, my everything, will you accept me as your husband together with my imperfections? I may be a possessive and strict husband in the future, but I want you to be with me behind those imperfections. I love you so much, my love. Will you be the princess of this stupid and asshole prince in front of you?" Napangiti si Violet at agad niyang pinahid ang kanyang luha sabay tumango.

My Royalty Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon