Chapter 20

132 0 0
                                    

Nang maimulat ni Violet ang kanyang mga mata ay dahan-dahan na nag-adjust ang ilaw sa kanyang paligid. Ramdam niya hanggang ngayon ang kakaibang hilo at hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Iniisip niya kung saan ba siya o kung nananaginip ba siya.

Halos hindi na niya alam kung talaga bang gising na siya dahil naramdaman niyang hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Maya-maya ay nakarinig siya ng mga boses na para bang pumasok ang mga ito sa silid kung nasaan siya. Pilit niyang inaaninag ang kanyang kapaligiran lalo na nang makita niya ang dalawang bulto na nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Halos paningkitan niya ang mga taong nakatayo ngayon di malayo sa kanya dahil hindi niya makita ang mga mukha nito ng malinaw.

"Hey! She's awake!" rinig niyang sigaw ng isa pero pilit pa rin niyang inaaninag kung sino ang taong nasa harapan niya.

"V-Vaughn...?" sabi niya sa nanghihinang boses at narinig niyang nagtawanan ang dalawang tao na nakatayo sa kanyang harapan.

"Vaughn daw? Hoy, miss. Sorry to bust your bubble, but your prince charming is not here. Kaya kung ako sa iyo ay huwag ka nang maghanap ng tao na wala naman dito dahil hinding-hindi mo na makikita ang prinsipe mo." Naiintindihan naman ni Violet ang sinasabi ng lalaki pero wala siyang lakas para magsalita dahil sobra siyang nanghihina.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at narinig niya ang mga tawanan ng mga lalaki nang makarinig siyang muli ng pagbukas ng pinto. Pagkatapos ay nakarinig siya ng boses na siyang sumisita sa kanilang dalawa.

"What the hell are you doing? Did you give her two dosages?" rinig niyang tanong ng lalaki.

"Uhm, iyon iyong utos ni boss e." Agad namang binatukan ng lalaki ang sumagot sa kanyang tanong.

"You idiot! Bakit niyo pa siya binigyan ng isang dosage e halos hindi na nga siya makagalaw o. Tang ina naman. Gusto niyo bang patayin iyong tao bago pa natin siya ipakita sa kanila boss? Oras na may mangyari sa kanya ay kayo ang bahalang magpaliwanag kung ano'ng nangyari. Mga tanga talaga kayo kahit kailan," pangaral niya sa dalawang lalaki at agad na pinalabas ang mga ito.

Nang marinig ni Violet na lumabas na sila ay naramdaman niya ang pag-uga ng kama at ang paghaplos ng kung sino sa kanyang noo at pisngi. Gusto niyang tanungin ang lalaki pero sobra talaga siyang nanghihina na para bang oras na pinilit niyang magsalita ay mawawalan na siya ng ulirat.

"Sorry about that. I need to make you sober. I'll inject something to you, and you'll feel much better, okay?" tanong nito sa kanya.

Hindi naman siya makatango o maka-hindi man lang dahil wala siyang lakas. Isa pa ay naisip ni Violet kung ano ang tinutukoy nito na ituturok daw sa kanya? Lasing ba siya? Dahil kung oo ay bakit sobra siyang nanghihina at nahihilo. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagturok ng karayom sa kanyang braso at napadaing siya.

"Shh. You'll feel better after a few minutes. For now, magpahinga ka na muna at sigurado akong hanggang ngayon ay nahihilo ka. Babalikan na lamang kita pagkatapos ng ilang minuto," sabi nito sa kanya at unti-unti na siyang hinihila ng antok.

Nang dumilim ang kanyang paligid ay muling pinagmasdan ng lalaki ang maamong mukha ng dalaga. Simula nang kidnapin nila ito mula sa tinitirhan niya ay hindi na niya maalis ang tingin sa dalaga. Tuwing nakatingin siya rito ay para bang wala siyang mabigat na problema na dinadala na lahat ay magiging ayos lang.

"Stare at her too much, and you might fall in love with her." Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya ang lalaking nakasandal sa pintuan.

"E ano naman ngayon kung nahulog na ako sa kanya? May masama ba roon, Archer?" Huminga ng malalim si Archer at umayos ito ng tayo habang nakasuksok ang mga kamay sa kanyang bulsa.

My Royalty Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon