"I shouldn't have—" Bago pa ako matapos sa pagsasalita, nagsimula na siyang tumawa nang malakas. Napatulala na lang ako sa ginawa niyang pagtawa. "Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?" Maluha-luha pa siyang tumingin sa akin at saka nangpunas ng mata. Ano ba talaga ang nakakatawa?
"Bakit ba?" tanong ko pa. Medyo naiinis na ako kasi mukha na akong tanga kakahintay na matapos siyang tumawa at hindi ko talaga alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. Kung nagalit pa siya baka naintindihan ko pa. Bihira naman kasi sa mga lalaki ang tumatanggap ng bading na kaibigan.
"Si Shawn bakla? As in bading?" Tumawa pa siya ulit pagkatapos niyang magsalita.
"Oo nga. Paulit-ulit lang? Kaka-discover ko nga lang, eh. Ang tagal din bago ko na-confirm. Pero nararamdaman ko naman na 'yun, eh," paliwanag ko pa.
"Oh, Leigh. Bakla? Si Shawn?" Tumawa na naman siya. iyong tawang pilit niyang pinipigilan pero hindi niya mapigilan. Tsk. Ang sarap pasakan ng papel ang bibig niya para lang mahinto siya sa pagtawa. Nakakainis na kaya.
"P'wede bang sabihin mo na sa akin kung bakit tawa ka nang tawa. Medyo nakakainis na kasi, eh." Totoo, naiinis na talaga ako. Ayaw pa kasing sabihin kung bakit.
"It's so impossible!" natatawa pa niyang sabi.
"'Yan din ang sinabi ko no'ng nalaman ko pero 'yun ang totoo. He's a gay. Duh, bading. Bakla. Paminta."
"There's no way that Shawn's a gay." Biglang naging seryoso ang mukha ni Lewis. Late na nang mag-sink in sa utak ko iyong sinabi niya.
"Huh? Si Shawn mismo ang nagsabi sa akin na bakla siya. Sa pagkilos at pananalita niya, mapapansin mo na kaagad na bakla siya." Dapat nga silang mga lalaki pa ang unang makapansin no'n dahil iba nga kung kumilos ang best friend ko. Lalo na kapag nasa paligid sila Lewis.
"No, Leigh. He's not a gay. I'm a guy. I will know if a guy is a gay. Okay? Believe me, he's not." Ngumiti ng nakakaloko si Lewis. Hindi ko alam kung bakit gano'n siya magsalita. Oo, lalaki siya pero mas matagal kong nakasama si Shawn at mas kilala ko ang best friend ko. Siguro nga't late ko na na-realize pero kilalang-kilala ko si Shawn. Malalaman ko talaga agad kung may nagbago sa kanya.
"He told me he's a gay. You must believe me!" inis kong sabi.
"No. I won't believe you. Kilala ko si Shawn. Hindi siya bakla at hinding-hindi siya magiging bakla. Okay? Maybe he has a reason why he told you that."
"Pero—"
"Wala nang pero-pero, Leigh. Sa tingin mo gano'n lang kadaling aminin kung bakla talaga ang isang lalaki? Mahirap 'yun, 'no. Lalo na't hindi ka sigurado kung tanggap ka ng mga taong mahal mo."Alam naman ni Shawn na tanggap ko siya kahit ano pa siya, eh. Kung hindi siya bakla bakit niya sinabing bakla siya? Nakakainis naman! P'wede naman niyang sabihin sa akin na mali iyong hinala ko, eh. Sana nag-sorry na lang ako. Hindi naman niya kailangang sabihin na bakla siya kahit hindi.
"Alam ko kung bakit siya umalis," mahinang sabi ko.
"Ano?!" sigaw niya.
"Grabe ka naman kung makasigaw? Hindi lang naman ako sure kung totoo iyong nalaman ko kaya ayaw ko pang sabihin sayo. Si Mommy ang nagsabi sa akin kaya baka legit naman." Napakamot na lang ako ng ulo.
BINABASA MO ANG
My Best Friend is Actually Gay?!
General FictionPaano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is already the edited version.