Chapter 11♥

4.3K 138 13
                                    

"Ano?! Live-in? Pautang lima!  Mukha bang kami?" sigaw ko. iyong talagang pasok na pasok sa tenga ni Shawn. Gusto kong marinig niya ng bongga iyong sagot ko sa tanong ni Cyrus.

                "So, hindi kayo?" Kulit din nito. Paulit-ulit dapat? At kahit pagulungin pa ang mundo, hinding-hindi magiging kami ng best friend ko. Best friend nga, 'di ba?

                "Cyrus, mas makulit ka pa sa kasama ko dito sa bahay," sabi ko, sabay irap. Ako na ang mataray.

                "Seryoso? Hindi mo boyfriend 'yon? Kung makatingin sa akin, parang papatayin ako, eh." Napatingin naman ako sa paligid, wala si Shawn. Saan na naman kayang panty naglusot iyong lalaki-slash-bading na 'yon? Baka kung makatingin, parang gusto siyang kainin hindi patayin.

                "Type ka no'n," bulong ko. Sana hindi niya narinig. Loko talaga ako. High na high ako ngayon. Bwisit kasi si Shawn, eh. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ako naglasing!

                "Pero iyong kilos niya parang babae. Tsk. May mga gan'yang kaso talaga, eh." Kung makapagsalita naman 'tong si Cyrus, feeling expert. Huh!

                "Paano mo naman nasabi 'yon? Hmm. So, ano'ng tingin mo, bading ba iyong kasama ko?" tanong ko naman. Malay ko ba kung expert talaga siya sa mga gano'ng klase? Baka si Cyrus pa ang makatulong sa akin para malaman ang sitwasyon ng best friend ko.

                "Hindi ko pa siya naririnig magsalita, eh. Pero kasi parang iba siya, compared sa ibang lalaking nakakasama ko," sagot naman niya. "'Wag mo akong isusumbong, ha? Baka mabugbog pa ako. Mukhang madalas siya mag-gym. Ang ganda ng katawan niya."

                Sheez! Baka type ni Cyrus si Shawn! OMG! Ang daming bading! Bakit?! Lord, bakit niyo ginawang bading iyong mga gwapo? Bakit po? Ang drama ko lang. Pero baka nga tingin lang ni Cyrus 'yon. Iba-iba pa rin ang perceptions ng mga tao. Ang dami kong alam. Dala 'to ng alak, eh. Hindi na nga ako iinom!

                "Ano nga pala iyong ibibigay mo?" Ngayon ko na lang din kasi naalala na may ibibigay nga pala siya kaya nagpunta siya dito. Nakakahiya naman, siya pa mismo ang nagpunta dito.

                "Wala. May sasabihin lang ako," biro pa niya at hinintay ko na lang ang sasabihin niya. "Gusto sana kitang kunin as singer sa bar ko," nakangiting sabi niya. Seryoso? Sa kanya talaga iyong bar kagabi? Akala ko joke lang. Sa bagay, mukha naman siyang mayaman. Magaling din siyang bartender. Marami siguro siyang customer na babae.

                "Hindi siya p'wede." Nagulat naman kami sa biglang pagsulpot ni Shawn.

                "At bakit?" mataray kong tanong. Inilagay ko pa ang kamay ko sa waist ko para ipakitang kinukwestiyon ko talaga ang sinabi niya.

                "May pinaghahandaan ka pa, 'di ba?" seryosong sabi niya.

                "Ano na naman 'yon?!" inis kong sigaw sa kanya."

                "Birthday... s*x." Kahit kailan talaga, pahamak 'tong si Shawn. Bwisit! Isigaw daw ba sa harap ni Cyrus iyong... Ugh, whatever! Pasalamat siya, gwapo siya. Nakakahiya po. Sobrang nakakahiya. Si Cyrus naman, tawa lang nang tawa. Tuwang-tuwa siya sa sinabi ni Shawn. Samantalang ako, hindi ko na alam kung ano ang itsura ko. Nakakahiya lang talaga ang ginawa ni Shawn. Kahihiyan siya para sa akin. Overused word: Hiya.

                "Cyrus, walang nakakatuwa. Kung sa tingin mo, masaya ako sa sinasabi niyang best friend ko, p'wes, umuwi ka na," inis na sabi ko.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon