Shawn's
Nagmadali na akong umalis sa apartment ni Leigh. Hindi ko na kayang makita iyong sakit na nararamdam niya. Kung kaya ko lang talagang alisin lahat ng lungkot at sakit na 'yun, gagawin ko. Sana ako na lang ang nahihirapan at hindi siya. Sana ako na lang ang kailangang mag-sacrifice para sa 'ming dalawa.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako ng apartment niya. Hindi ko naman napansin kung sinundan niya ako o hindi. Siguro nga't ito na ang huli naming pagkikita. Para sa kanya rin naman 'tong ginagawa ko. Kahit masakit, lalayuan ko siya kung kinakailangan.
Naglalakad na ako papunta sa kotse ko nang makarinig ako ng sigawan. Napalingon ako sa likod at nakita ko iyong mga taong nagkakagulo. Sinubukan kong lumapit konti para malaman kung ano ang nangyayari.
Laking gulat ko nang makita ko ang pamilyar na katawan ng isang babae na nakahandusay sa harap ng isang kotse.
"Leigh!" tawag ko sa kanya pero wala na siyang malay nang malapitan ko siya.
Bumilis iyong tibok ng puso ko. Nagpa-panic ako. Bigla akong nakaramdam ng pagsisisi. Hindi ko siya mahawakan. Hindi ko siya matingnan dahil alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung pumayag lang sana akong mag-stay at kausapin siya, eh 'di sana hindi nangyari ito.
"I'm so sorry, Leigh," naiiyak kong sabi.
Ilang sandali pa ang lumipas, dumating na iyong ambulansya. Hindi maalis iyong kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano iyong mga posibilidad na p'wedeng mangyari kay Leigh.
Ilang dasal na yata ang nasabi ko bago kami nakarating sa ospital. Ipinasok na siya sa OR at naiwan akong tulala sa labas dahil hindi p'wedeng magpapasok sa loob. Hindi ako mapakali. Halos mahilo na sa akin iyong mga tao dito dahil kanina pa ako palakad-lakad. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Nanginginig iyong mga kamay at tuhod ko. Parang hindi ko yata kakayaning mag-isa 'to.
Naisipan kong tawagan muna si Lewis dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa parents ni Leigh ang nangyari. Masyado silang protective kay Leigh at alam kong hindi nila ako mapapatawad kapag nalaman nilang naaksidente si Leigh nang dahil sa akin.
"Shawn?" sagot kaagad ni Lewis.
"Lewis..." Tuluyan na akong naiyak sa sobrang takot. "Sh*t! Ano'ng nangyari? Nasaan ka?"
"Si Leigh. T*ngina. Kasalanan ko ang lahat." Halos iuntog ko na ang ulo ko sa sobrang galit na nararamdaman ko sa sarili ko.
"Kumalma ka, Shawn. Sh*t! Nasaan ka? Papunta na kami." Halata sa boses ni Lewis na nagpa-panic na rin siya. Wala akong magagawa dahil alam kong siya lang ang p'wedeng tumulong sa akin ngayon.
Sinabi ko kay Lewis kung saang ospital niya kami pupuntahan. Ilang nurse na ang lumapit sa akin para pakalmahin ako pero ayaw talaga ng puso ko. Kung anu-anong ingay na ang nagawa ko. Hindi ako magtataka kung papaalisin na nila ako dito.
Napahinto lang ako sa paglalakad nang may lumabas na doktor galing sa OR. Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya at tanungin kung kumusta na si Leigh.
"May I know what's your relationship with the patient?" tanong ng doktor sa akin.
"I'm her... best friend. Is she okay? Gising na ba siya?"
BINABASA MO ANG
My Best Friend is Actually Gay?!
Aktuelle LiteraturPaano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is already the edited version.