Chapter 19♥

3.9K 113 15
                                    

Leigh's

                "Bakit ba pinipilit niyong alalahanin ko iyong taong nag-cause sa akin para makalimot? Okay na ako. Mas masaya na ako ngayon," inis na sabi ko sa parents ko.

                Simula no'ng nakalabas ako ng ospital, lagi na lang nila akong pinipilit na maalala ko iyong nag-iisang tao na hindi ko maalala. Alam kong siya iyong dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Bakit ba hindi na lang sila matuwa na hindi ko maalala iyong taong 'yon? Hindi na lang sila matuwa na hindi ko na maaalala iyong sakit na naramdaman ko dati.

                "Aalis na kami ng Daddy mo. You need him," sagot ni Mommy. May pag-alala pa rin sa tono ng pananalita ni Mommy. Hindi ko nga makalimutan iyong naging reaksyon nila no'ng nagising na ako. Alam kong nag-alala sila ng sobra sa akin.

                "Kaya ko nang mag-isa. Lagi naman kayong wala sa tabi ko kaya 'wag niyong isipin na hindi ko kaya. Nand'yan naman si Lewis, if ever na magkaproblema ako," paliwanag ko pa sa kanila. Lumaki akong wala sila sa tabi ko kaya sanay na akong mag-isa. Matagal na akong hindi umuuwi sa States kaya alam ko na ang mga dapat kong gawin. Pinalaki nila akong independent kaya tama lang na mabuhay ako nang hindi umaasa sa kanila.

                "You never been alone in your life, Leigh. Iniisip mong kaya mo kasi hindi mo maalala iyong taong laging nand'yan para sayo. Siya iyong naging kasama mo mula no'ng mga bata pa kayo," seryosong sabi ni Daddy.

                "Really? Dad? Kaya pala naaksidente ako nang dahil sa kanya. Siya nga iyong naging reason kung bakit hindi ko siya maalala, eh. Tapos sasabihin niyong kailangan ko siya? No way," inis kong sabi. "You can go whenever you want. Don't worry about me. I'll find a job to distract myself. Go on with your life and so do I." Hindi ko na hinintay pang makasagot ang magulang ko. Umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Sumasakit lang ang ulo ko tuwing magtatalo kami.

                Sabi nila, hindi raw talaga ako dito nakatira. May apartment daw kami no'ng Shawn. Pinilit nila akong magpunta do'n dahil nagbabakasakali silang may maalala ako pero pagdating namin do'n, malinis na ang bahay. Ni-isang picture o gamit wala akong nakita. Ni-isang memory, wala akong maalala.Naisipan kong tawagan si Lewis para itanong kung nahanap na niya ako ng trabaho. Gusto kasi ni Lewis na bumalik ako sa banda pero wala naman akong maalala na kasali ako sa banda noon. Kaya pumasok sa isip ko na baka si Shawn iyong naging dahilan kung bakit ako nag-banda noon.

                "Sa isang café ka magtatrabaho. Tita ko ang may-ari no'n kaya wala ka nang dapat pang problemahin. Sasamahan na lang kita bukas," sabi ni Lewis. Buti na lang talaga at hindi pa nagsasawa sa akin si Lewis. Tinutulungan pa rin niya ako tuwing may kailangan ako o kapag may gusto akong itanong.

                "Thank you. I'll see you tomorrow," sabi ko.

                Gustong-gusto nilang maalala ko si Shawn. Hindi ba nila ma-gets na ayaw kong maalala iyong tao na 'yun? Natatakot ako na baka bumalik iyong mga masasakit na memories ko sa kanya. Baka masaktan na naman ako. At paano kung maalala ko na siya? Hihingi siya ng sorry tapos papatawarin ko na siya? Forgive and forget? Hindi naman gano'n kadali 'yun, eh. Kung gusto niya talagang maalala ko siya, sana gumagawa siya ng way ngayon para makilala ko siya. Eh, hindi, eh. Hindi siya nagpapakita ngayon. Natatakot siyang harapin ako. Natatakot siyang makita iyong taong sinaktan niya noon.

                Naisipan ko munang lumabas para makapag-enjoy naman. Isang linggo na rin ako nakakulong dito sa bahay. Hindi naman p'wedeng magmukmok na lang ako dito habam-buhay. I need to get a life and go on with it.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon