Leigh's
"Shawn! Go, Shawn!" Kahit mawalan pa ako ng boses, hindi ako titigil sa pagsigaw ng pangalan ni Shawn. Proud na proud ako sa kanya, eh.
Concert kasi ng The Glimpse, banda nila Shawn. Kasama pa rin niya sila Warren at Allen pero wala na si Lewis, kasi nandito siya sa tabi ko. Buti nga kahit sobrang busy si Lewis, sinamahan pa rin niya ako.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasisikipan sa p'westo mo?" nag-aalalang tanong ni Lewis. Ang sweet lang, 'no?
"Okay lang. Sanay naman na ako sa siksikan. Nasanay na ako simula no'ng sumikat ang banda niyo." Si Lewis kasi ang manager nila Shawn pero mas pinili niyang samahan ako kaysa mag-stay sa backstage.
"Mga tatlong kanta na lang naman at matatapos na sila kaya makakapagpahinga ka na," sabi pa niya. Napaka maalalahanin talaga nitong si Lewis. Hindi na siya nagbago.
"Okay nga la-"
"Alright! So, our next song is for the love of my life, my forever woman and my greatest wife of all." Tumingin sa akin si Shawn at saka niya ako kinindatan. "Leigh, baby, this is for you. I love you."
Halos mabingi na ako sa sigawan ng mga fans nila. Hindi naman kasi tinago ni Shawn ang katotohanang may asawa na siya. May mga fans na okay lang pero hindi mawawala iyong mga may ayaw sa akin. Okay lang naman sa akin 'yon kasi ako naman ang pinili ni Shawn. Sa akin nga nagpakasal, 'di ba?
"I love you!" sigaw ko kahit na alam kong hindi niya ako narinig. Sa sobrang lakas ng pag-cheer ng fans nila, kahit nasa harap pa ako, hindi ako maririnig ni Shawn.
"Sabihin mo kapag pagod ka na, ha?" bulong sa akin ni Lewis at tumango lang ako.
"Shawn! Asawa ko 'yan! I love you, Shawn!" pagchi-cheer ko pa. "Shaw- O-ouch!" Nakaramdam ako ng makirot sa katawan ko kaya naman napahawak ako bigla kay Lewis.
"Oh, bakit? Okay ka lang?"
"Mukha bang okay pa ako?" Nahihirapan na akong huminga.
"Sh*t!" Inalalayan ako ni Lewis. "Shawn! Shawn! Shawn!" Ilang ulit niyang tinawag ang pangalan ng asawa ko kaya napunta na sa 'min ang atensyon ng mga tao.
"Shawn, manganganak na si Leigh!" sigaw pa niya at saktong napatingin sa 'min si Shawn.
"Wha-" 'Yun na lang ang narinig ko sa mic.
Nakapikit na ako sa sobrang sakit pero rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ng mga tao. Ramdam kong pati sila ay nagpa-panic na. iyong ibang fans ay narinig ko pa yatang sinabihan akong 'epal'. Duh. Sila kaya ang manganak? Try lang nila. Para namang sinadya kong manganak ngayong gabi. Tss.
"Sh*t. Baby, hang in there," rinig kong sabi ni Shawn. Naramdaman ko na ang pagbuhat niya sa akin.
"Give way, please!" pakiusap ni Lewis sa mga fan.
"Shawn! Hindi ko na kaya!" sigaw ko sa kanya. Sobrang sakit na talaga.
"We're gonna get you to the hospital. Just breathe, okay?" Panay ang paghalik ni Shawn sa noo ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Naks, baka effective?
"Ako na ang magda-drive," sabi ni Lewis.
Isinakay na ako ni Shawn sa backseat ng kotse at saka niya ako tinabihan. "Okay, baby. Magiging okay din ang lahat. Malapit lang ang hospital dito."
BINABASA MO ANG
My Best Friend is Actually Gay?!
General FictionPaano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is already the edited version.