Pagkabalik ko sa loob ng bahay, umakyat na kaagad ako at nagpunta sa kwarto. Pero, too bad, ni-lock ni Shawn ang pinto. Gaya-gaya siya, eh. 'Di ba ako lang naman ang laging nagla-lock? Dakilang inggitero talaga ang best friend ko. Pasalamat siya, hindi ko kayang sirain ang pinto ng kwarto. Hindi naman kasi ako katulad niyang parang beast kung magalit.
"Shawn," sabi ko habang kumakatok. "Shawn, buksan mo nga 'to." Medyo kalmado pa naman ako, pero konti na lang tataas na rin ang dugo ko.
"Ikaw na nga 'tong nagdamot sa akin tapos ikaw pa 'tong may ganang magalit? Hindi ba p'wedeng ako naman ang magtampo?" Medyo nilakasan ko ang boses ko para rinig niya talaga. "Ang daya mo. Bahala ka diyan. Aalis muna ako, magsama kayo ng baby mo!" Inis kong sabi at nagdadabog akong bumaba.
Kinuha ko muna ang wallet at phone ko bago lumabas ng bahay. Baka kasi tamarin akong umuwi at maisipan kong sa ibang lugar muna ako mag-stay. P'wede naman ako kay Lewis. P'wede rin kila Warren at Allen. Marami kaya akong friends... Sila lang pala. Atleast, alam kong aalagaan nila ako, hindi tulad no'ng nag-iisang best friend ko.
Pero bago pa ako makalabas ng gate namin, isang mainit na kamay na ang humawak sa braso ko at pinigilan ako. "Saan ka naman pupunta. Huh?" tanong niya.
"Kung saan walang Shawn," sagot ko at naglakad na ulit ako.
"Bakit ka ba aalis?" Hinatak na naman niya ako.
"Kasi nga ayaw kitang makita. Okay?" sabi ko pa at inirapan ko siya.
"Ang arte mo naman."
"Ako? Maarte? Tamaan ka sana ng sinabi mo. Maarte? Ikaw nga 'tong ubod ng arte sa katawan!" sigaw ko sa kanya. Nakakainis kasi, eh. Sabihan daw ba ako ng maarte? Duh. Mas maarte naman siya sa akin. Tss. Bwisit siya! Kainis!
"Hindi ako maarte. Clean freak lang talaga ako," depensa niya habang hinahatak ako papasok ng bahay. Lagi na lang niyang dinadahilan ang pagiging clean freak niya.
"Freak ka lang! Freak! Ano ba, Shawn, bitiwan mo nga ako!"
"Hindi," madiin niyang sabi.
"Shawn naman, nasasaktan ako! Bitiwan mo na ako, p'wede?" inis ko pang sabi. Binitawan niya ako nang makapasok na kami sa loob at humarang siya sa pintuan.
"Tabi nga," mataray kong sabi.
"Ayaw ko." Parang bata siya. Tss.
"Shawn, hindi ako natutuwa."
"Sino bang nagsabing nagjo-joke ako?"
"Okay," sabi ko at naupo na lang ako sa sofa.
Binuksan ko na lang ang TV at naghanap ng ibang channel. Siguro naman, kapag nanood ako hindi na ako guguluhin ng kupal na 'to. Tss. Nakaka-BV, eh. Hindi ko na maintindihan ang ugali niya. Hindi ko na siya ma-gets.
Naramdaman ko na lang ang pagtabi niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Kahit maghubad pa siya sa harap ko, hindi ko siya papansinin. Kahit magsayaw pa siya sa harap ko. No. Kahit ano pa ang gawin niya. No. Sumusobra na siya. Gusto ko na siyang ipa-check up para lang malaman ko kung may problema na ba sa utak itong best friend ko. Kakaiba na ang kinikilos at pag-uugali niya.
BINABASA MO ANG
My Best Friend is Actually Gay?!
General FictionPaano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is already the edited version.