Chapter 9♥

4.1K 129 6
                                    

"Gusto niya raw ng birthday s—Uhm." Wala na akong nasabi. Tss. Tinakpan na ni Shawn ang bibig ko, eh. Malaking epal lang? Gusto ko lang naman sabihin kay Lewis iyong gusto niya.

                "Ano?" nagtatakang tanong ni Lewis.

                "Ah, gusto ko kasi simpleng birthday lang," palusot naman ni Shawn. Simple ba iyong s*x? Bangasan ko kaya 'to? Dakilang plastic! Ang sarap ipalamon sa lupa.

                "May inuman ba?" tanong ulit ni Lewis. Isa pa 'to, eh. Hinding-hindi mawawala ang inuman tuwing may mga okasyon. Kapag birthday nilang mga lalaki, required ang alak.

                "Mawawala ba 'yun?" nakangiting sagot ni Shawn. Sana wala na lang birthday 'tong best friend ko. Ang dami kasing nangyayari kapag nalalasing siya, eh. Nagiging monster. Sexy monster. Duh. Iinom tapos hindi pala kaya. Adik lang.

                "Ikaw, Leigh, ano'ng ireregalo mo kay Shawn?" 'Yan ang gusto ko kay Lewis, eh, matanong. Willing naman akong sagutin lahat ng tanong niya 'wag lang eepal itong si Shawn.

                "Sabi niya nga, gusto niya ng s—- uhm." Hay shemas! Ang dami kong nasabi. Tinakpan na naman niya ang bibig ko. Ilalabas ko na iyong dila ko mamaya para magtigil na siya sa pagtakip ng bibig ko.

                "Ang weird niyong dalawa. Mayro'n ba akong hindi alam?" Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni Lewis. Marami kasi siyang hindi alam at baka magulat siya kapag nalaman niya ang mga iyon.

                "W-wala. Tss. Ang hilig kasing mag-daydream nitong si Leigh, eh." Napairap ako dahil sa sinabi ng best friend ko. Ako pa ngayon ang nagde-daydream?! Ang sama ng ugali ni Shawn. Pigilan niyo ako baka sabihin ko kay Lewis ang sikreto nito.

                "Puro kayo kalokohan. Tama na 'yang mga biruan niyo na 'yan, tara labas tayo. Treat ko kayo," aya ni Lewis at sabay naman kaming um-oo ni Shawn. Treat daw niya, eh. Masamang tumanggi sa grasya.

                Nagpaalam muna ako sandali para maligo at para masolo na rin ni Shawn si Lewis. Alam ko namang kanina niya pa ako gustong palayasin. Kanyang-kanya na si Lewis. Wala akong laban sa katulad niya. Try niyo gawing babae si Shawn, mas maganda pa sa akin. Peksman! Nang matapos akong maligo at magbihis, bumaba na kaagad ako. Nagulat ako nang makita kong dala na ni Shawn ang mga gamit niya para sa practice. Akala ko ba lalabas lang kami dahil ililibre kami ni Lewis? Hindi na ba tuloy?

                "Oh, bakit dala mo na 'yan?" tanong ko.

                "Pagkakain kasi natin, didiretso na tayo sa studio." Si Lewis na ang sumagot sa tanong ko. Tinatamad pa naman akong mag-practice ngayon. Parang mas gusto ko lang kumain at maggala.

                "Gano'n ba? Teka lang, kukunin ko lang din ang gamit ko," sabi ko at pumasok na ulit ako sa kwarto para kunin ang bag ko. Buti na lang talaga at hindi ako nagtatanggal ng gamit sa bag. Nasanay na rin kasi ako sa mga biglaang lakad namin ni Shawn at tuwing may biglaang practice o gig.

                Pagkababa ko, walang Lewis at Shawn na naghihintay sa akin kaya naman lumabas na ako ng bahay. Hindi manlang nila hinintay makababa ang prinsesa, ang original na prinsesa.

                "Leigh, sa akin ka na sumabay. Alam ko namang hindi ka papasakayin ni Shawn sa kotse niya, eh," matawa-tawang sabi ni Lewis. Ang bait-bait talaga nitong lalaking 'to.

                "Oo nga. Sayo na lang ako... sasabay para enjoy," sabi ko at inirapan ko lang si Shawn habang inaayos niya ang sidemirror ng kotse niya. Kapag ako nainis, gagasgasan ko iyong kotse niya. Bubutasin ko iyong gulong at babasagin ko iyong mga salamint tapos ibebenta ko sa junkshop.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon