Chapter 15♥

4.5K 108 34
                                    

Pagkamulat ng mga mata ko, kaagad kong naramdaman ang sakit ng aking katawan. Gano'n ba kagrabe iyong nangyari kagabi? I mean kaninang madaling araw? Medyo masakit din ang ulo ko. Dala siguro ito ng alak na ininom ko kagabi.

                At dahil naalala ko nga iyong nangyari, bigla akong napatingin sa katawan ko. Nakapagtatakang nakadamit na ako. Hindi kaya panaginip lang ang lahat? Pero hindi, eh. Ramdam kong may nawala sa akin. Pati si Shawn... wala na sa tabi ko.

                "Nasaan ka na naman ba?" sabi ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig. Napatingin na lang ako sa orasan namin. Tanghali na pala. Baka kanina pa siya gising at ipinaghanda na ako ng pagkain. Kilig much!

                Nagmadali na akong maligo at inayos ko ang sarili ko. Ewan ko ba? Feeling ko simula no'ng may nangyari, naging espesyal ang lahat. Weird, right? Sa sobrang excited kong makita si Shawn, kinuha ko na lang ang suklay at lumabas na ng kwarto at bumaba para puntahan siya.

                "Shawn?" tawag ko sa kanya habang nagsusuklay ako. "Good morning, Sha—" Napatigil ako dahil wala siya sa kusina. Bigla akong nagtaka. Hindi naman kasi siya basta- basta umaalis ng bahay lalo na't mainit ang panahon ngayon.

                Nilibot ko ang buong bahay pero wala akong nakitang Shawn sa paligid. Hindi naman malaki itong bahay para hindi ko siya agad makita. Lalo na't malaking tao siya. Kaya naman, naisipan kong lumabas para i-check kung umalis nga siya. Malamang dadalhin niya ang kotse niya. Pero pagkalabas ko, naka-park pa rin iyong kotse niya. Naglakad ako papasok ng bahay. Bigla akong kinutuban. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Tama bang maramdaman ko ang ganitong bagay? What's wrong with me?

                Dumiretso ako sa kwarto para i-check ang isang bagay. Hindi ko alam, pero sana 'wag naman. 'Wag ngayon, Shawn. Pagkabukas ko ng drawer, biglang sumikip ang dibdib ko. Wala ang passport ni Shawn.

                Kinuha ko ang phone ko para tawagan siya. Sana pagbigyan ako ni Lord na makausap siya kahit ngayon lang. May gusto lang akong itanong sa kanya. Ngayon lang, please. Pagka-dial ko ng number niya, kaagad naman itong nag-ring. Pero parang naririnig ko rin iyong ringtone niya. Hinanap ko sa buong kwarto kung saan nanggagaling iyong tunog. Imposibleng iwan ni Shawn ang cellphone niya. Maiwan na niya lahat, 'wag lang iyon.

                Inangat ko ang blanket namin. Do'n ko nakita ang cellphone niya, nakalagay malapit sa side kung saan ako nakahiga kanina. Hindi na siguro niya kinuha dahil alam niyang madali akong magigising. At kung nagising man ako, alam niyang hindi ko siya hahayaang umalis nang basta-basta.

                Naisipan kong tawagan si Lewis. Baka nagpaalam sa kanya si Shawn. Baka may sinabi o ibinilin para sa akin. Nararamdaman ko na naman ang mabilis na pagkabog ng puso ko.

                "Hello?" pagsagot niya sa tawag ko.

                "Nakita mo ba si Shawn? Nagpaalam ba siya sayo? Nasaan na siya ngayon?" Oo, alam kong ang dami kong tanong pero wala akong magagawa. Baka mag-hysterical na ako dito kakaisip kung nasaan na siya ngayon. Wala naman siyang binanggit kagabi na ngayon na ang alis niya.

                "Huh? Nandito ako sa harap ng bahay niyo. Pasakay na ng taxi si Sha—" Biglang naputol ang tawag. Malamang sa inagaw ni Shawn ang phone ni Lewis. Dali-dali akong bumaba para puntahan sila. Hindi na ako nag-abalang magsuot pa ng tsinelas palabas ng bahay.

                "Shawn?!" sigaw ko. Saktong pagkalabas ko ng gate, pasakay na siya ng taxi at umalis na. Tumakbo ako para habulin siya. Alam kong hindi niya naririnig ang pagsigaw ko pero alam kong alam niyang nandito ako.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon