Nandito kami ngayon sa isang bar ng kaibigan ni Lewis. Kakatapos lang din naming tumugtog. Opening pala ngayon nitong bar na 'to kaya inaya kaming tumugtog. Gusto nga kaming kunin bilang official band nitong bar pero hindi pumayag si Lewis. Mababa raw kasi ang bayad dito. Masyado rin daw magaling ang banda namin para mag-stay lang sa ganitong bar. Mas okay kay Lewis kung na-e-expose kami sa iba't ibang tao, baka mas lalo raw kaming makilala kapag gano'n.
Hinihintay namin ngayon si Lewis dito sa table namin. May susunduin lang daw siya. Ito namang si Shawn, tahimik lang na nakaupo sa harap ko. Ang saya-saya ng mga tao sa paligid tapos kami, napakatahimik. Tss. May toyo na namang 'tong kasama ko, eh.
"Hi. You played nice during your performance," sabi no'ng babaeng tumabi kay Shawn. Si Shawn naman parang biglang natauhan dahil sa pagtabi sa kanya no'ng girl. "Jean nga pala," pakilala pa niya, pero hindi pa rin kumikibo si Shawn. Weird mode na naman kasi siya, 'di ba?
"Hey, I said I'm—"
"I've heard you. Okay? Could you please keep a distance away from me?" Nanlaki naman iyong mata ko nang biglang tarayan ni Shawn iyong babae. Nagpigil na lang din ako ng tawa dahil sa ginawa ni Shawn.
"W-what?" sabi pa ng babae bago siya umalis.
"Hey! Bakit mo naman sinungitan iyong babae? Maganda naman siya, 'di ba?" Lumipat ako sa tabi niya. "Napapangitan ka ba sa kanya?"
"Look, I'm not in a good mood." Pati tuloy ako natarayan. Hmp. "Wala akong time sa mga babae ngayon."
"Ouch." Kunwari na-hurt ako sa sinabi niya. "Sige, isipin mo na lang lalaki ako. Napakagwapong lalaki. So, bakit nga kasi?" Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at hindi naman siya pumalag.
"Ang pangit mong lalaki." Bigla niyang inalis ang ulo ko sa balikat niya. Mean! "Uwi na tayo?" Napatingin naman ako sa kanya. Dati kasi kapag nagpupunta kami sa isang bar, halos umagahin na kami. Tapos ngayon, nag-aaya na siya? Seryoso? Ano kayang problema nito? Tss.
"Wala pa si Lewis. Hin—'Yan na pala, eh. May dala pang dinner niyo." Nakita ko kasi kaagad si Lewis na palapit sa 'min at may kasamang dalawang babae.
Nakakainis! Silang dalawa lang mag-e-enjoy. Hmp! OP na naman ako. Kasi naman, eh! Ang daya! Bakit kasi hindi na lang ako naging lalaki? Baka mas gwapo pa ako kung nagkataon.
"Naiinip na ba kayo? Ang tagal kasi nitong kasama ko, eh. Na-traffic daw kasi sila kaya kakarating lang nila," sabi ni Lewis .
Umupo na iyong isang babae sa tabi ni Lewis tapos iyong isa naman sa tabi ni Shawn. Eh, 'di sila na may chiks, ako na wala. Kawawang bata. Hay naku. Waiter! Pa-order ng isang Rush Finlay!
"Shawn, special 'yan para sayo," biro pa ni Lewis.
"Ah, thanks." Inakbayan na lang din ni Shawn iyong babae kahit na halata naman sa mukha niya ang salitang 'YUCK'. Napaka-plastik lang.
"Ang daya niyo naman! Kayo lang ang mayro'n! Hmp!" Syempre, kunwaring nagtatampo ako.
"Mayro'n ka. Teka lang." Tumingin sa paligid si Lewis tapos parang may hinanap siya. "'Yun, oh! Allen at Warren, tara nga kayo dito!"
"Ha?! Lewis naman, eh! Ang dami-daming lalaki dito iyong dalawang kumag pa! Ang daya niyo talaga!" Inirapan ko na lang si Lewis. Nakakainis kasi, eh.
BINABASA MO ANG
My Best Friend is Actually Gay?!
Aktuelle LiteraturPaano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is already the edited version.