Three months ago...
Sa sobrang busy ko sa paglilinis ng bahay, muntik ko nang makalimutang may practice nga pala kami ngayon. Nakalimutan ko rin naman kasing ipaalala kay Shawn na kailangan niyang bumangon ng maaga. Ang hirap maging ulirang best friend.
Itinigil ko muna ang ginagawa ko at saka ko pinuntahan sa taas si Shawn para gisingin. Tinakpan ko ng blanket iyong hubad niyang katawan. Naka-boxer shorts lang kasi siya kung matulog. Mainit daw kasi. Nahiya naman talaga 'yung AC naming nagpapataas ng kuryente namin every month.
"Hoy! Prince Shawn! Bumangon ka na. Late na naman tayo sa practice. Kung anu-ano kasi inaatupag mo tuwing gabi!" bulyaw ko kay Shawn habang ginigising ko siya.
"Ten minutes pa. Please?!" At nagtakip na siya ng tenga gamit ang blanket niya. Ganito na lang lagi ang eksena namin tuwing ginigising ko siya. Kung hindi lang importante sa 'min iyong practice na pupuntahan namin, baka tabihan ko pa si Shawn para matulog ulit.
"Please mo mukha mo! Mapapagalitan na naman tayo ni Sir Lewis Henderson!" Inaalog-alog ko na siya sa kama.
"Henderson?!" Sabay tanggal naman niya ng blanket at halos matumba ako nang dahil sa pagkagulat. Kailangan sumisigaw?
"Oo, tara na! Maglilinis pa tayo ng bahay." Hinawakan ko ang dalawang braso niya para hatakin siya. Ang bigat pa naman niya. Sino ba kasi ang nagsabing magpalaki siya ng katawan? Kuntento na nga ako sa mala-chopstick niyang katawan dati, eh. Mga lalaki talaga, oh!
"Wait." At 'yun, natulog na naman siya. Ang hirap-hirap talagang gisingin ng mokong na 'to. Araw-araw na lang kaming ganito. Mukha na akong baby-sitter. Hmp! Kung literal na baby siya, baka pinagtitiyagaan ko pa siyang alagaan, kaya lang hindi, eh.
Sa isang bahay lang kasi kami nakatira nitong best friend ko. Actually, sa America kami nakatira. We moved here two years ago. Wala, trip lang namin. Hindi rin kami nag-aaral dito. Nakatapos naman kami ng high school dop'n kaya nag-stop muna kami pareho. Nagplano rin kaming dito mag-aral ng college pero tinamaan kami ng nakatamaran. Pareho naman kaming matalino ni Shawn kaya hindi naman kami mukhang napag-iiwanan. Bumuo na lang kami ng isang banda para naman may ginagawa kami. Alam naman ng mga parents namin na ganito ang buhay namin dito sa Pinas. Hindi rin naman nila kami pinapakialaman. Mas okay na kami ni Shawn sa ganito. Walang nanggugulo. Walang gulo.
"Bumaba ka na. Maglilinis pa tayo." Lumabas na ako ng kwarto namin para makapaglinis na ako ng bahay.
Sa isang kwarto lang kami natutulog. Hindi naman kasi gano'ng kalaki 'tong bahay na binili ng parents namin at pang dalawang tao lang talaga siya. Can't afford din ang mag-hire ng maids. Saka, allergic si Shawn sa mga katulong dahil mas madalas daw siyang pagpantasyahan kaysa gumawa sa bahay. Ako lagi ang nagmumukhang katulong dahil minsan lang kung sipagin ang best friend ko. Siguro kung nasa America kami, hindi kami naglilinis ng bahay. Iba nga kasi ang buhay namin dito. Dahil hindi naman kami gano'n ka-spoiled sa magulang namin, kailangan naming kumilos ni Shawn para mabuhay nang kaming dalawa lang. Nagpapadala naman ng allowance ang magulang namin pero mas gusto pa rin namin sa sariling bulsa namin kinukuha ang pang-araw-araw na panggastos namin.
Kumuha ako ng isang basahan para mapunasan na ang mga salamin dito sa bahay. Mahilig kasi sa salamin si Shawn. Gusto niya bawat lingon, makikita niya ang gwapo niyang mukha. Ang landi lang. Hindi ba niya alam na nakakabawas ng self-confidence ang pananalamin? Well, may nagsabi lang din naman sa akin no'n.
BINABASA MO ANG
My Best Friend is Actually Gay?!
General FictionPaano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is already the edited version.