Chapter 7♥

4.3K 136 6
                                    

"Yuck! Mahal ka diyan! Matakot ka nga sa mga sinasabi mo." Maka-yuck naman siya, wagas. Sakit no'n, ha! Hindi niya ako mahal? Best friend niya ako tapos hindi niya ako mahal? Masakit. Sagad sa buto.

                "Eh, bakit ba kasi atat na atat kang ibigay sa akin'yang una mo? Parang hindi naman ako makapaniwala na wala ka pang nagagalaw? Sa landi mong 'yan wala pa?" Naloloka na ako. Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig ko. Hindi na tama 'to. Kailangan ko nang magsimba at magbawas ng kasalanan. Mapatawad pa sana ako ni Lord.

                "Hindi ako malandi. At saka matagal na akong single, kaya imposibleng may magalaw ako. Maliban sayo. Nambitin ka kagabi, eh," naka-pout na sabi niya. Dinadaan na naman niya ako sa pa-cute power niya. Hinding-hindi ako p'wedeng magpatalo sa kanya.

                'Lang'ya, ako pa nambitin? Ibitin ko kaya siya ng patiwarik? Medyo kinikilabutan na ako sa pag-uusap namin. Hindi ko kinakaya 'to. Masyado pa akong bata para sa ganitong usapan. Virgin pa ang utak ko. Medyo.

                "Eh, bakit nga kasi atat na atat kang ibigay sa akin 'yan. Feeling mo naman ibibigay ko rin sayo iyong akin. Hell no, Shawn!" Inirapan ko siya. Ibibigay ko lang ang sarili ko sa lalaking mahal ako at handa akong pakasalan.

                Habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan namin, pinagmasdan ko lang iyong likod niyang malapad. Malapad kasi puro muscles. Ang hot talaga niya, eh. Kahit na naghuhugas ng pinggan, hot pa rin. Sa kakatitig ko sa likod niya, hindi ko namalayan na nakayakap na pala ako sa kanya. Mapagsamantala talaga ako, kaya napagsasamantalahan din ako. Hmp!

                "Gusto mo bang dito tayo sa kitchen? Mas okay sa akin 'yon," bulong niya kaya naman bigla ko siyang napalo sa likod. Jusko, hindi ko kinakaya iyong ginagawa sa'kin ni Shawn. Bakit ba siya nagkakaganito?

                "Kadiri ka. Kahit sa sofa pa 'yan, hindi kita papatulan," inis na sabi ko. "Ano ba kasi iyong sinabi mo kagabi?" tanong ko.

                Napahinto siya sa ginagawa niya at humarap sa akin."Baka hindi ko na magawa ulit iyong gano'ng bagay."

                Hindi ko alam kung ano ang nais ipahiwatig ni Shawn sa mga sinabi niya. Hindi ko na kasi siya natanong dahil tumawag si Tita at dali-dali namang umalis si Shawn. Hindi ko nga rin alam kung mamamatay na ba ang best friend ko, kasi sabi niya hindi na niya magagawa 'yun, eh. Malay ko ba. Hayaan ko na nga siya. Sasabihin naman daw niya kapag handa na siya, eh. Hanggang kailan kaya ako maghihintay? Tsk. Nakaka-excite naman iyong revelation niya.

                Nahiga muna ako sa sofa habang hinihintay ang pagbabalik ni Shawn. Hindi ko talaga alam kung saan naglusot iyong lalaki na 'yun, eh. Hindi manlang sinabi kung bakit tumawag si Tita at kung saan siya pupunta. Lagi na lang niya akong pinag-aalala. Baka magkasakit na ako sa puso dahil sa kanya.

                "Ay! Shete!" 'Yan ang nasabi ko nang magising ako. Hindi ko naman namalayan na nakatulog pala ako. "Shawn naman, eh! Pagsasamantalahan mo na naman ako." Sabay tulak ko sa kanya. Pagkadilat ko kasi mukha na naman niya kaagad ang nakita ko. Ang lapit-lapit, parang may gagawin na naman sa akin. Hmp. Kainis. Hindi manlang ako ginising.

                "Saan ka ba galing?" tanong ko habang nag-aayos ng buhok.

                "Secret," sagot niya at naupo sa tabi ko. Napansin ko rin na parang ang saya niya. Ang aliwalas niyang tingnan.

                "Ano bang sinabi ni Tita kanina? Bigla ka na lang umalis. Emergency ba?" usisa ko pa.

                "Hindi. Basta, hindi ko sasabihin sayo."

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon