Chapter 5♥

4.8K 140 4
                                    

Nandito ako ngayon sa salas namin, tinititigan ko lang si Shawn. Tatlong oras ko na yata siyang tinitingnan. Kasi naman hindi ko pa rin makalimutan iyong sinabi niya kagabi. Tsk. Hindi naman sa nag-iisip ako ng kung anu-ano, kaya lang kasi kakaiba na talaga ngayon si Shawn, eh. Ang weird niya talaga. Ibang-iba na siya.

                "Leigh, could you please stop staring at me?" A'yan, ang taray na naman niya. Hmp. Kanina pa rin niya ako pinagsasabihan na tigilan ko na ang pagtitig ko sa kanya pero hindi ko talaga mapigilan.

                "Ano kasi... Ano..." Paano ba ako magtatanong nang hindi kinakabahan? Tsk. Lakas ng loob, I need you!

                "Para kang ewan. Kanina mo pa ako tinititigan. May dumi ba ako sa mukha?" Pinunasan naman niya iyong mukha niyang gwapo.

                "Hindi. Baka guni-guni ko lang iyong kagabi," bulong ko.

                "Ha? May sinasabi ka?"

                "Wala. Ano kasi, eh... Ang gwapo mo." May masabi na lang ako. Hay naku, Leigh. Malapit ka nang masapak ni Shawn.

                "Ang weird mo ngayon, Leigh." Sabay nood niya ng TV.

                Aba, ako pa ang weird ngayon? Natatakot lang naman akong magtanong, eh. Kanina ko pa siya gustong tanungin, baka kasi tama 'tong nasa isip ko. P'wede rin namang mali. Ayaw ko na! Ang sakit sa ulo ni Shawn!

                "Shawn." Lumapit ako sa kanya.

                "Ano na naman?" Halatang iritadong-iritado na siya sa presensya ko. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya at panay ang titig niya sa akin, baka mainis din ako ng sobra sa kanya.

                Tinabihan ko siya at saka akohumiga sa lap niya. Gusto ko kasing makita iyong reaksyon ng mukha niya habang kausap ko siya. Gusto ko lang makasigurado. Ang ganda pala ng view kapag nakaganito. Bakit ngayon ko lang 'to naisipang gawin?

                "May crush ka ba ngayon?" seryoso kong tanong pero sa TV lang siya nakatingin.

                "Mayro'n," sagot niya kaagad.

                "Talaga?! Sino naman? Daya mo, hindi ka na nagkukwento!"

                "Wala ka na do'n!"

                Nakakainis! Gusto ko siyang prangkahin kaya lang baka magalit siya sa akin, eh. Hindi ko rin naman alam kung tama ang nasa isip ko. Nakakaasar!

                "Maghanap ka na nga ng girlfriend. Kinakabahan ako sayo, eh!" Tumayo ako at pinalo ko ang braso niya.

                "Aray naman!"

                Dali-dali na akong tumayo at umakyat sa kwarto. Isinara ko na malakas iyong pintuan. iyong tipong mapapatakip siya ng tenga. Trip ko lang. Nakakainis kasi, eh. Ewan, basta naiinis ako. Ni-lock ko iyong pinto at nahiga ako sa kama. Tinitigan ko lang iyong kisame namin. Hindi kasi ako makapag-isip ng maayos. Kanina pa may bumabagabag sa akin. Pero sana mali 'tong iniisip ko. Hay naku. Hindi pa ako handa.

                "Leigh, buksan mo nga 'to." A'yan na iyong gwapong monster.

                "Psh, magdusa ka diyan," bulong ko.

                "May problema ba?" Ang sweet ng boses niya. Nakakainis, bakit siya gano'n? Konting gan'yan niya pa baka pagbuksan ko na siya.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon