Chapter 10♥

4.3K 149 11
                                    

Pansin ko lang, bakit ang hilig niyang mag-English? Hindi ko naman sinasabi na kapag bartender bobo na sa English or hindi sanay mag-English. Bihira kasi ang katulad niya. Napaka-fluent niya sa English.        "May lahi ka ba?" out of nowhere kong tanong.

                "Yes," mahinang sagot niya.

                "Ano?" Pabitin effect pa kasi. P'wede namang sabihin kaagad kung ano ang lahi niya.

                "Lahi ng magaganda't gwapo." Napanganga na lang ako sa naging sagot niya.

                "Uy, alam ko 'yan! Line 'yan ni Cyrus sa Falling for the Wrong Person, eh. Reader ka, ha!" biro ko pa sa kanya. Totoo naman, eh. Nabasa ko rin iyong story na 'yun! Sabi ni Cyrus may lahi siya. Lahi ng magaganda't gwapo.

                "Kapag lalaking gwapo, hindi na p'wedeng magbasa sa Wattpad?" nakangiting tanong niya. May point naman siya. Wala naman akong sinabing bawal silang magbasa sa Wattpad. Teka, gwapo raw? Ang hangin nito, ha!

                "Wala akong sinabi." At nagpa-cute pa ako sa kanya. Kung kila Shawn, hindi effective ang pa-cute powers ko, malamang sure win ako dito sa bartender na 'to.

                Ilang oras din kaming nagkwentuhan ni Poging Bartender. Ako na talaga nagbigay ng pangalan niya. Ayaw ko naman kasing magtanong, baka sabihin niya interesado ako sa kanya... medyo lang naman. Harot much! Baka isipin pa niya type ko siya. Mataas ang standards ko pagdating sa mga lalaki at overqualified siya. Just kidding.

                Dahil sa may tama na ako... tama ng alak. Whew! Pati iyong acoustic band dito pinatulan ko na.         "Hey, I wanna sing!" sabi ko do'n sa lalaking vocalist.

                "Sure," sagot naman niya at saka niya inabot sa akin ang mic.

                "Are you guys enjoying the night?" tanong  ko sa madla at humiyaw naman sila.

                Hindi ako maka-Justin Bieber pero Boyfriend na girl version ang kinakanta ko. Lumapit na iyong ibang tao sa akin. Mga bored din siguro sila kaya pati akong lasing dito sa harap pinapalakpakan na nila.

                Sana mabilis nang lumipas iyong gabing ito. Promise, babalik na ako sa dating ako. Ayaw ko ng ganito, masyadong madrama. Nami-miss ko na kaagad iyong best friend ko. Nakakainis naman kasi, eh! Ang daya-daya niya. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano, ha! Baka sabihin niyo gusto ko na iyong best friend ko. Hindi porke't nag-iinarte ako ngayon, eh, gusto ko na siya. Malabong mangyari 'yon. Nami-miss ko na kasi iyong dating siya. iyong dating Prince Shawn! Nasaan na ba 'yun?! Ilabas niyo nga!

                Nahihilo na ako. Makakauwi pa kaya ako sa lagay na 'to? Hindi naman ako gano'ng ka drunkard, eh. Minsan lang naman talaga ako uminom. Kapag may problema lang talaga at kapag gusto nila Shawn. May mga sakit at problema talagang alcohol lang ang katapat.

                Ang hirap kayang maging babae tapos ang mga kaibigan mo kay-gagwapo? Isipin niyo na lang kung paano mainggit iyong mga babaeng nahuhumaling sa kanila. Minsan nakakatakot sila. Hmp!

                Pagkatapos nitong kinakanta ko, uuwi na ako. Inaantok at hilong-hilo na rin ako. Baka hindi ako makauwi ng buhay. Takot ko lang! Wala pa naman sa tabi ko iyong mga savior ko. Walang magliligtas sa akin kung may mangyayari mang hindi maganda. Kahit ano'ng gawin ko, imposible pa rin talagang maging okay ako nang wala sila... siya.

                Nagpalakpakan ang mga fans ko nang matapos akong kumanta. Maganda naman kasi talaga ang boses ko. Hello? Vocalist ako ng banda ng mga lolo niyo. Ngumiti lang ako sa kanila. Muntik na akong matumba, buti na lang sinalo ako ni Poging Bartender. Savior ko siya for tonight. For tonight lang.                 "Thanks," sabi ko.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon