Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon! Sino ba naman hindi matataranta at kakabahan? Birthday na ni Shawn ngayon. At mamayang gabi na ang party niya. Jusko po. P'wede bang magbakasyon? Spare my life! Kahit ngayon lang. Hayaan naman nating ma-solo ni Shawn si Lewis o kahit si Cyrus. Tutal, sila lang din namang mga lalaki ang mag-e-enjoy, eh. Magiging panira lang ako ng moment ni Shawn kapag nakisali pa ako sa party niya.
Nandito kami ngayon ni Shawn sa mall. Nagpasama kasi siyang mamili para sa party mamayang gabi. Hindi naman ako makatanggi kasi nga birthday niya nga. Baka sabihin niya pa hindi ko siya tinutulungan. Saka wala rin naman akong gagawin sa bahay kapag nagpaiwan ako.
"Leigh, gaano ba karaming pagkain ang ihahanda natin mamaya?" tanong niya sa akin.
"Ilan ba ang inimbitahan mo?" sagot ko habang pinaglalaruan ko iyong push cart.
"Sila Lewis lang. Sakaiyong si Cyrus mo. Ikaw ba? May balak ka bang imbitahan?"
"Cyrus ko? Cyrus mo? Echusera 'to. Birthday mo, 'di ba? Bakit ako mag-iimbita?" mataray kong sagot. Para namang may iba pa akong kaibigan bukod sa kanila.
"Mayro'n ka ba ngayon? Bakit parang ang init ng ulo mo? Nagtatanong lang naman ako," mahinhin niya pang sabi.
"Mayro'n ako, bakit?" Pero wala talaga. Kakatapos ko lang, last week. Wala lang talaga ako sa mood. Medyo bad trip kasi ako kay Shawn. What's new?
"Really?! Eh, 'di hindi pala p'wede mamaya. Tsk," naka-pout pa niyang sabi.
"Ano?" nagtatakang tanong ko naman dahil hindi ko na-gest iyong sinabi niya. Kung anu-ano kasi ang sinasabi, eh.
"Wala. Tulungan mo na lang akong mamili para mapabilis tayo," utos niya, sabay kuha niya sa akin ng push cart. Buti naman at napansin niyang nahihirapan na ako sa pagtulak dahil marami nang laman.
"Bakit kasi ang dami mong pinamili? Eh, konti lang naman ang bisita mo. Tag-gutom ka ba?" pang-aasar ko.
"'Wag ka nang magulo. Ikaw rin naman ang makikinabang niyan." Ano'ng ibig niyang sabihin? Na matakaw ako? Malakas akong kumain? Well, he knows me for real.
"Marami ka pa bang bibilhin? May balak kasi akong puntahan, eh," sabi ko. Balak ko lang naman siyang ibili ng regalo. Kahit papaano naman, mag-best friend kami. Kahit minamanyak niya ako, kailangan ko pa rin siyang bigyan ng something na galing sa puso ko. Naks.
"Hintayin mo na ako. Sabay na tayo magpunta kung saan ka man pupunta. Hindi ka p'wedeng malayo sa akin, 'di ba? Saka wala akong makakatulong magbitbit ng mga pinamili."
Eh, regalo nga bibilhin ko tapos sasama siya? Tsk Tapos gagawin lang naman niya akong tiga-bitbit ng mga binili niya. Takasan ko na lang kaya 'tong bading na 'to? Speaking of bading. Umamin na 'yan sa akin. Wala raw pakialaman. Ang trip niya, trip niya at ang trip ko, trip rin niya. Ang saya, 'no? Ano naman daw ang masama kung bakla siya. May mawawala raw ba sa akin?
"Oh. Eh, ano naman kung bakla ako?" sabi niya.
Nanlaki naman ang dalawang mata ko dahil sa pag-amin niyang iyon. At ilang segundo pa akong natigilan bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi niyang bading siya. Is this real? Is this real?
BINABASA MO ANG
My Best Friend is Actually Gay?!
General FictionPaano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is already the edited version.