Chapter 20♥

4.1K 131 5
                                    

Isang linggo na akong nagtatrabaho sa café ng Tita ni Lewis pero ngayon palang yata ako male-late. Hinintay ko pa kasi iyong tawag ng parents ko. Umalis na kasi sila kagabi. Gusto ko lang makasigurado na safe silang nakabalik sa America. Hindi na ako sa bahay nakatira. Bumalik na ako sa apartment namin ni Shawn. Naalala ko na lahat ng tungkol sa 'ming dalawa. Nagsisisi ako na ginusto kong makalimutan ang best friend ko. Naging makasarili ako. Hindi ko naisip iyong mga pinagdaanan niya para sa 'ming dalawa.

                Nakausap ko na rin iyong parents niya dahil gusto kong malaman kung alam nila kung nasaan si Shawn ngayon pero wala rin silang alam kung saan p'wedeng magpunta ang anak nila. Nabanggit na rin nila sa akiniyong reason kung bakit iniwan ako ni Shawn noon. Kapakanan ko ang iniisip ni Shawn kaya mas pinili niyang lumayo.  Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong kwentang kaibigan. Wala akong idea na may problema na pala iyong best friend ko. Papayag naman ako kung gusto niya talaga akong pakasalanan, eh. Hindi ako papayag dahil sa parents niya, papayag ako kasi alam kong kami talaga ang para sa isa't isa.

                Bago ako pumasok sa café, naisipan ko munang makipagkita kay Lewis. Gusto kong malaman kung may balita na siya kay Shawn. Siya lang kasi iyong taong alam kong tatawagan ni Shawn.

                "Matagal na niya akong hindi tinatawagan. Kahit text wala. Wala ring balita iyong iba pa nating kaibigan," paliwanag niya sa akin.

                "Sana okay lang si Shawn."

                "'Wag kang mag-alala. Hindi naman papabayaan ni Shawn ang sarili niya. Babalik din siya. Alam naman nating miss na miss ka na no'n," nakangiting sabi ni Lewis.

                "Sana nga. Miss na miss ko na rin siya."

                Kung alam ko lang na si Shawn iyong taong nagdala sa akin no'n sa ospital, sana hindi ko na siya pinaalis. Nakapagbitaw ako ng masasakit na salita no'n dahil hindi ko alam na siya ang best friend ko.

                Naalala ko pa iyong sinabi niyang paglumabas siya ng kwartong 'yon, hindi ko na ulit siya makikita. Kung nalaman ko lang kaagad kung ano'ng ibig-sabihin no'n, baka ako pa ang pumigil sa kanya. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

                "May inuutos pala si Tita. Mamili ka raw muna ng stocks bago ka pumasok. Hindi na raw niya ide-deduct sa sweldo iyong late mo."

                "Nakakahiya naman sa Tita mo. Sasamahan mo ba akong mamili?" tanong ko sa kanya.

                "Sasamahan ka namin." Nagulat ako nang biglang dumating si Cyrus. Kasama si Warren at Allen.

                "Ano 'to? Reunion?" biro ko pa.

                "Hindi na kasi tayo nakakapag-bonding kaya no'ng nalaman naming magkikita kayo ni Lewis, naisipan na naming sumunod," sabi ni Warren.

                "Baka naman gusto mong ma-solo si Leigh," pang-aasar naman ni Allen kay Lewis.

                "Gustuhin ko mang solohin si Leigh, hindi ko magagawa dahil mahilig kayong manira ng moment." Napangiti na lang ako dahil sa mga sinabi nila. Sobrang napapasaya talaga ako nitong mga taong 'to.

                "Mas bagay talaga sayo ang nakangiti," sabi ni Cyrus.

                "Salamat sa inyo, ha? Tara na at marami pa kayong bubuhatin."

                Magkakasama kaming naglakad papunta sa isang supermarket. Hindi na namin dinala iyong mga sasakyan dahil hassle lang daw 'yun sa pagpa-park at mabibitin daw ang bonding namin. Minsan talaga hindi ko na maisip kung paano pa ako mabubuhay kung wala iyong mga pasaway na 'to, eh.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon