III

9 0 0
                                    

Sehun's POV

Argh! Nakakainis talaga yong babaeng yun, hindi ko alam pero para syang tuod. Nakakainis, nakakainis talaga!

"Kawawa naman yung can." Sabi ni Baekhyun kaya ngumuso naman si Tao at Chen sa coke in can na hawak ko.

"E sa nakakainis?!" Bulyaw ko sakanilang lahat.

"Eh bakit ka naman kasi naiinis?!" Pagtatanong ni Suho.

"Paanong di maiinis e nakakainis nga." Naiinis kong sagot.

Napa 'huh?' na may kasunod na 'aahh' ang sinabi nila sabay tumango tango pa.

Nginisian ko lang sila sabay inisip yong iisipin ko.

Naiinis ako sa tuod na yun. Bakit kasi ultimate bias nya si Xiumin Hyung?! Hindi ako galit or what. Pero ako ang ulzzang kaya dapat ako lang! Aish. Nakakainis, ako naman ang pinakagwapo, pinakasexy at pinakacute at pinakatalented at pinakalahat na! Bakit si Umin Hyung pa~ dahil ba maliit sya TT__TT

"Jelly jelly." Panunukso ni Baekhyun.

"Jelly? Kanino? Sino?" Tanong naman ni Chanyeol.

"Tinatanong pa ba yan." Nakangising sabi ni Lay saakin habang nagiistrum ng gitara. Psh, pacool effect.

"Jelly si Sehun, kasi ang Bias nung maid natin, e si Xiumin at ako." Proud na sabi pa ni Baekhyun.

Nag-ah naman si Kai at D.O

"What's the point?!" Naiirita kong tanong.

Natigil lang sila sa pagaasaran ng may nagdoorbell.

Tumayo si Baek at nagsalita, "Ako na." Tumango nalang kami.

Aish! Naiinis ako sa babaeng tuod na yon!!

~

Baekhyun's POV

Pagbukas ko ng pinto nakasalubong ko yung maid namin. Ano nga pangalan neto? Ichay? Chayi? Yachi?
A ewan! Ichay nalang.

"Hi, Ichay." Nakangiti kong sabi kay Ichay.

Lumingon lingon pa sya at tinuro ang sarili nya.

"Ako ba kausap mo?" Sabi nya na nakaturo sa sarili nya.

"Oo may iba pa bang Ichay dito?" Takang tanong ko.

Tumawa lang sya. May nakakatawa ba sa sinabi ko.

"Infairness bagong nickname yan ah, Ichay. Btw, Aychi name ko." Sabi nya at tuluyan ng tumuloy sa loob.

Hala. Ano ba pinagkaiba ng Ichay sa Aychy? Ang gulo ha.

"Iinterview-hin ka namin." Sabi ni Sehun pagkakita nya kay.. ano ulit yon? Ah. Ichay.

Pero obvious tong maknae na to e. Dadamoves pa. iintterviewhin for what? Ang sabihin nya gusto lang nya makilala ng husto tong si Ichay. Type nya kasi! Halata naman e.

"Huh? Para saan pa?" Tanong ni Ichay habang nagpupunas punas ng ibabaw ng kung saan saan.

(A/N: Aychi talaga name nya ha xD naguluhan lang si baek kaya akala nya ichay.)

Napa-isip naman si Sehun.

"P-para sa ano.."

Pinutol ko na para maisalba sya.

"Para makilala ka namin. Gusto kasi naman na maging close ka at makilala ka. Tsaka kailangan namin ng ano..." Takte wala na ako maisip.

"Kailangan namin ng infos, oo kailangan namin nun." Pagpapatuloy ni Chen dahil mukhang nagets na nya. Nginitian ako ni Chen at tinignan lang namin si Sehun. Tumango naman sya. Ahah. I smell something fishy.

Being an EXO's maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon