Mag uupdate ako sa ayaw at sa gusto nyo! Mweheeheheh.
Follow me on twitter: @ohJeonByunBamG_
------------------Aychi
Matapos kong magbaliw-baliwan at mag fangirl at marealize na apat na buwan nalang pala ay ma-eexpire na rin ang pagiging slave ko sa EXO.
Mamimiss ko to.
Nakakaiyak. Naiiyak nanaman ak-teka wait. Don't tell me matapos ang pagdadrama ko sa last chapter, magdadrama ulit ako? Nakuuu, uuwi na nga kami maya-maya lang tapos magdadrama nanaman ako? No. Hahahaha.
At nabaliw lang naman ako as of today; 10:39 AM dahil kay pinku, e! Kung ano ano ba naman kasing kinuwento sakin ayan tuloy pati ako nadamay sa kabaliwan nyang taglay! Ewan ko ba. Masama atang nakakausap ang babaeng iyon.
Mataimtim akong nagiimpake ng makarinig ako ng yabag ng paa papunta sa kwarto ko. Mga yabag ng paa na tumatakbo at nagmamadali. Expected ko nang si Sehun to at nagmamadaling magpaka terorrist attack-este nagmamadaling ibalita saakin na andyan na nga sa baba ang ate ko.
"INCHIN--"
Bago pa nya maisigaw ng buong pangalan ko pinigilan ko na siya. Masyado na syang nakakarindi. Ang aga aga sigaw ng sigaw!
May isa nanaman tuloy akong nalaman tungkol sa EXO.
FACT: MAHILIG SUMIGAW ANG MAKNAE TUWING UMAGA. heheeh ang corny.
"Punyeta! Ano ba sigaw ka ng sigaw ah?" Binato ko sakanya yung damit ko.
"Nandyan na yung kapatid ko? Okay sige wait bababa na 'ko. Please lang wag kang sumigaw dyan! Bakla ka 'noh?!" Sinamaan nya ako ng tingin kaya nag peace sign agad ako. Eto naman pinaglihi sa sama ng loob. Nagbibiro lang ako eh. Hahaha.
"Biro lang yun! Kk-kaebbsongg~!" Dali dali nalang akong lumabas at baka malagutan ako ng hininga.
Bago lang ako makababa ay rinig na rinig ko na agad ang matinis na boses ng ate ko. Anak ng kinilabutang pusa naman. Bakit kailangang sumisigaw sa umaga?
So ang ending pagkababa ko, badtrip ako kaya nakabusangot ang lukot lukot kong mukha.
"Hi Sis!" Niyakap nya ako kaya medyo napaiwas ako ng tenga. Humahagikhik ba naman kasi na akala mo ay ngayon lang naka-kita ng sampung naggwapuhang nilalang.
"Oh, where's sehunnie nga pala, guys? I want to talk to him kasi, my sister telled me that ano.... That umm.... Sehun is suffering and surviving for fever."
Jusme! Muntik na akong sumabog sa pagpipigil ng tawa! Ganun din ang ot9. Mabuti nalang at tumalikod si Ailee at nagtungong kusina, kahit papano ay nakatawa ako kahit mahina lang.
Telled daw, e ang past tense ng tell ay told.
Suffering and surviving daw. Eh fever lang naman. Ano yun cancer? Pinigilan kong matawa dahil sa naisip ko.
"Laughtrip yung kapatid mo, ichay ha. No offense." Natatawang sabi ni biik-baek.
"Anong no offense? Eh talaga namang nakakatawa!" Lahat kami tumawa na ng malakas.
"What's the commuter there guys?" Masiglang tanong ni Ailee pagkalabas nya ng kusina.
"Correction, it's commotion. Not commuter." Ngumiti nalang si Lay pagkasabi nya non.
"Ambot." Pabulong na sabi ni Ate.
"So asan nga si Sehun?" Parang naiinip na sya sa buhay nya kakaintay kay Sehun.
"Ehem...."
"Kyaaaaaah!" Napatingin kami lahat sa taas. Si sehun pala.
Tumakbo na si Ailee pataas at kamuntik-muntikan pang sumubsob. Sayang.

BINABASA MO ANG
Being an EXO's maid
RandomInchinelle "Aychi" Del Mundo, bumped into the World's most famous band that caused a blessing for her ✨ will she take the risk of being a maid? At paano kung mangyari ang hindi inaasahang bagay na inaasam ng lahat? *ehem spoiler*