Aychi's POV
Ngayon ang araw ng quiz bee namin and guess what?! I won! Oo hindi rin ako makapaniwala kasi syempre, ang gagaling nung mga kalaban ko at pang exchange student din ang mga utak non. Pero ako lang ang nakaperfect score! Worth it ang pagod at pagpupuyat ko kakareview. Yehhss! Hindi na ako masyadong gipit sa oras. Para bang may natanggal na 40% sa hectic kong schedule.
Ang saya saya. Hindi pa rin ako makagetover, yung 7,500 na napanalunan ko ay hinati ko, sabi ko yung 1,500 kukunin ko at yung matitira, idadagdag ko muna sa tuition fee ko. Alam niyo na, half-scholar lang naman ako. Kalahati lang ang nababawas sa gastusin ko sa paaralang 'to. Ayos! Bawas anim na libo rin yon.
Nakakahinga ako ng maluwag kasi medyo nakakaya na namin ang gastusin. Pero hindi ko sinabi kila Mama na nagtatrabaho pa ako bilang katulong dahil alam kong papagalitan ako at mag-aalala yon.
And speaking of them... tumatawag si Mama.
"Hi Ma!" Masigla kong bati.
"Hi Anak," Bati ni mama pero parang may napansin ako, malungkot sya.
"Ma, may problema ba?" Nagaalala kong tanong.
"Ano kasi, wala nuh!" Bigla namang sumigla si Mama kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Anong balita dyan? Ano ma nangyari sa quiz bee na sinalihan mo?" Excited nyang paguusisa.
"Hmm... Nanalo ako Ma! Yung 6 thousand ay dinagdag ko sa tuition fee ko at kinuha ko naman ang 1,500. Ayos diba?"
"Ah-eh, anak may kita ka na ba sa pinapasukan mo? Pwede ka bang magpadala? Kailangan ko kasi ng pera eh." Malungkot nyang sabi.
"Sure ma, magkano ba kailangan mo?"
"5K lang." Nahihiya nya pang sabi.
"Sus Ma! Limang libo lang pala e. Sige padadalhan kita mamaya." Sabi ko kaya sumaya naman si Mama at nagpasalamat, nagkuwentuhan lang kami sandali at binaba na ang telepono.
Hmmm, may budget pa naman ako ano kaya yung ilibre ko si Aima para kumain? Oo! Pati si Tita! Sige!
~
Pagkauwi ko ng bahay patay lahat ng ilaw, as expected walang tao. Hays, manlilibre pa naman sana ako pero wag nalang. Pagpunta ko sa dining area may narinig akong kaluskos, huh?!May magnanakaw ata? OMO!
Dahan dahan akong nagninja moves sa gilid ng kurtina para di ako makita.
Nakita kong may tatlong tao don, naguusap usap sila at nagmimistulang.. Teka bakit parang may apa sa ulo nila? Ah ewan! Basta hindi talaga sila gumagawa ng ingay. Kinuha ko yung walis don sa gilid. Just in case.
Pinasok ko ang kusina para sana makita yung magnanakaw at... at... handa na sanag ipalo yung walis sa kung sinomang magnanakaw nang...
"SURPRISEEEEE!!" Sigaw nilang tatlo na may kasama pang party poppers, confetti, tapos may party hat pa. Sino sila? Si Tita, Aima at si...
"Ranz?!" Laking gulat ko nung nakita ko si Ranz na kasama din nila.
Si Ranz ay isang matalik kong kaibigan na nag-aral sa U.S at nung isinama ako nila tita duon para magbakasyon, nagkita kami tapos niligawan nya ako. Crush nya daw kasi ako. Ahy~ gondo. Pero dahil wala pa sa bokabolaryo ko ang mga ganon noon, hindi ko sya sinagot.
"Tita naman e! Akala ko magnanakaw! Mahahampas ko pa kayo ng wala sa oras!" Sabi ko kila tita.
Nagpeace sign lang sya at tumawa. Ay ewan.
"Hi. Surprise?" Biglang sabi ni Ranz saakin.
"K-kelan ka pa bumalik?" Paguusisa ko.
"Stop the chitchats! Sinurprise ka namin kasi nanalo ka sa quiz bee. Enebe couz," Sabi ni Aima tapos nagroll eyes. Impaktang to.
Nagsikainan nalang kami at nagkwentuhan, para kaming may mini children's party dito. Pano naman kasi, nakaparty hat kami at bawal daw ang kj! Kahit si Tita may party hat din. Mga baliw talaga lahi namin, nuh?
Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan naming magpahinga muna, sinabi ko din kasing may trabaho pa akong papasukan mamaya, syempre ang sinabi ko don yun sa may bar. Hindi ko sinabing nagpapart time job ako bilang maid ng EXO.
Nasa kwarto ako nang may kumatok.
"Pasok!" Sigaw ko kasi alam ko namang hindi yon nakalock, at isa pa baka si Aima lang iyon o di kaya si Tita.
"Ranz?" Nagulat kong sabi pagkakita ko sa pumasok. Si Ranz pala.
Naglakad sya palapit saakin at umupo sa gilid ng kama ko.
"What's up?" Tanong nya.
"Wala. Eto ganun pa rin." Simple kong sagot.
Pero hindi sya umimik.
"Ikaw? Kamusta ka na?" Pagtatanong ko.
"Good, kakagraduate ko lang ng college actually." Kasuwal nyang sagot.
"Talaga?! E parang last year second year college ka pa lang ha? >.<" Tanong ko naman.
"Yeah, I was accelerated. From second to fourth. Weird nga eh, college na na accelerate pa. Kaya ayun," Pagkukwento nya.
"Hindi ba parang masyadong maaga para grumaduate ka?" E kasi naman diba. 20 pa lang sya tapos graduated na agad sya. Hindi ba't parang imposible para sa isang college student? I mean hello, 20 ka pa nga lang e. Tapos kailangan mo na agad maghanap ng trabaho. Yeah, mas matanda sya ng two years. Yun nga lang, First year college pa lang ako. Syempre joke lang yung sinabi ko na 22 na ako. Alam nyo na. 18 pa lang, 25 na sya. Baka di nya matipuhan. Tanda na ni Xiumin e. Ahy~ >.<
"Because that's what My Daddy wants." Tumango tango nalang ako.
Nagkuwentuhan kami ilang minuto at nagpaalam na rin sya. Nagreminiscing kumbaga, memories namin noon nung nagbakasyon ako sa U.S, nakakamiss din pala sya. ㅠㅡㅠ
Makalipas ang tatlompung minuto, nagpagpasyahan ko ng mag-ayos para pumasok sa trabaho. At as usual, hindi ko nanaman sasabihin kay Tita. Pero si Aima alam naman na nya yun e.
"Ah, 'tita pasok na po ako." Sabi ko kay tita na nanunuod ng TV.
"Breaking news, isang sikat na grupo sa bansang Korea, na naninirahan dito sa Pilipinas, mayroon nga bang babaeng ipinapapasok sa condo unit nila?"
Sabi don sa TV. Nagulat ako kasi, hala. Kailangan pa bang i-big deal yon? Sabay ipinakita ang mga photos ng EXO. Nagulat ako kasi na-realize kong isa ako sa mga pinapapasok nila sa condo unit nila. Ayoko namang magka issue na kung anuman ang ginagawa ko don at lalong ayokong malaman nila na ako yun. Nakakahiya! Baka kung ano ang isipin nila. ><,
Nagkatinginan kami ni Pinku at napailing-iling na lang sya tapos ay tumango. Senyales na lagot ako at mag-ingat.
Paglabas ko ng bahay dumiretso ako ng bangko para padalhan si Mama.~
Pagdating ko sa condo unit nila. Nagpusod ako ng buhok at nagsuot ng cap. Nagleather jacket para hindi nila ako mapansin sa CCTV.
Pinapasok na ako ni Tao at sinabi ko agad sakanila yung nakita ko sa TV pero ni isa sakanila parang hindi big deal iyon. Hindi manlang ba sila magpapanic?!
"Hindi manlang ba kayo magpapanic?!" Tanong ko sa sampung nakaupo sa harapan ko.
"Bakit naman namin kailangan magpanic?" Sabi ni Sehun. Tss.
"E kasi nga po Boss, baka ma-issue kayo, kasi baka kung anong isipin nila kung bakit nagpapapasok kayo ng babae dito sa Condo unit nyo po." Magalang pero sarcastic kong sagot.
"Edi sabihin yung totoo. Na nagtatrabaho ka lang saamin, what's the big deal? Wala naman tayong ginagawang masama. Issue pa ba yon." Sabi ni Kai. Napatango tango naman ang lahat.
"Oo nga naman Ichay." Sabi ni Baekhyun.
Napa 'huh' nalang kami kasi pinanindigan nya talaga ang Ichay na yan ha.
"Unless, gusto mong may mangyaring masama." Sabi ulit ni Kai sabay nag-wink pa. Namula naman ako don kaya binatukan lang sya ni D.O na katabi nya. Aye aye. OTP ftw. Kaisoo na ituuu. Hart hart.
Pagkatapos noon, nagsimula nanaman akong maglinis... ng maglinis... ng maglinis.
~
SABAW. >.<
BINABASA MO ANG
Being an EXO's maid
De TodoInchinelle "Aychi" Del Mundo, bumped into the World's most famous band that caused a blessing for her ✨ will she take the risk of being a maid? At paano kung mangyari ang hindi inaasahang bagay na inaasam ng lahat? *ehem spoiler*