XXIV

0 0 0
                                    

Aychi's POV

Tulala lang ako sa kwarto. Wala kasi akong magawa eh. Feeling ko lagi akong nabobored? Si Pinku kasi, ilang araw nang tuliro. Ilang araw na din siya laman ng Koreaboo, Allkpop, at Soompi. Sobrang unexpected naman kasi nun. Minsan ka na nga lang mapasok sa sites, iyong mababash ka pa.

Nababasa ko ang mga kumento ng mga fans na halu-halo ang nasyonalidad, mostly mga Filipino. Kaya nga natatakot siyang maglalabas ng bahay. School at bahay lang siya. Madalas pa siyang naka hoodie. Ewan ko ba dun, wala namang naka indicate na name eh. Masyado siyang nagwo-worry.

Tinignan ko ang wall clock at napag-tantong 10 pm na pala. Bukas na ang performance ng EXO sa School. At ilang araw na lang silang mag-sstay. Gagraduate na ako ng Highschool next month.

Napakabilis nga naman ng panahon ano? Kahapon lang, natapunan ko lang ng inumin ang damit ni Sehun. . . ngayon kami na. CHOS! Syempre joke lang yun!

Bigla kong naisip si Xiumin. Totoo kaya ang mga sinabi niya? Pansin ko kasi, medyo ilap siya saakin. Iniiwasan niya kaya ako? Sana naman hindi. . . kahit papaano ay naging mabait din naman kasi siya saakin. Naalala ko tuloy yung araw na nagtatawanan kami habang inaamin sakanya na hindi ako twenty-one years old. Baka ako ang ilap at hindi siya.

At ang trabaho ko sa EXO? Okay naman. . . limang buwan na ata? Tiyak non ay sa graduation ay siyang tapos din ng kontrara ko sa EXO. Parang napaka-bilis naman. Suminhap ako at inisip ang mga masasayang moments kasama sila. .

Hanggang ngayon, nasa utak ko pa din ang eksena nong gabi na galing ako sa ospital,

Nang wala na ulit akong maisip ay tumayo nalang ako at kinuha ang cellphone ko para buksan ang mga social networking sites. Inuna ko ang Facebook, ang Kpop Amino at ang Line. Baka may online pa akong friend.

Hanggang sa naalala ko si Mr. Weirdo. Kamusta na kaya yon? I've been very busy these past few days kaya hindi ko na 'to masyado naipapasok sa isip ko. Not that I want to talk to him ha! Medyo. . . nacu-curious lang ako.

Nagulat ako sa biglaang pag-pop up ng notification habang nags-scroll ako ng nga news tungkol sa Kpop. Galing iyon sa Line.

@/k_wYFN100
+639123456700

Hi hello it's been a while! :)

Napa-awang ang bibig ko sa lumabas. Bahagyang uminit ang pisngi ko at tumaas ang kilay ko. Hmmm. . .

I replied. Ang rude naman kung hindi ano? Well, para lang mag magawa ako ngayon.

Me:

Uhh. Hello. :>

Awkward ba yung reply ko? Sana hindi. Hindi naman diba?

@/k_wYFN100
+639123456700

So. . . You were busy? I was just thinking because you wasn't open for days? :)

Bakit naman niya itinantanong yun? Inaabangan niya ba ang pag-open ko? No! Erase erase. Hindi mo pa din kilala yan. Ni pangalan nga hindi mo alam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being an EXO's maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon