I

17 1 0
                                    

Aychi's POV

"Talaga teh? Nangyari lahat yon?!" Sabi ng pinsan ko na kafangirl ko din, in short, EXOstan din sya.

"Oo! Naiistress na nga ako eh. Ewan ko ba kung tatanggapin ko yung alok." Sabi ko sabay humiga pa sa kama.

"Ay? Kung ako sayo tanggapin mo na. E kasi naman diba! Hello? Exo na yon? Kahit maging inidoro pa nila ako papayag ako e! Makikita ko naman ano nila eh... Pwet. Hahahaha." Sabi nya at nagawa pang tumawa. Minsan talaga naiisip na kahalayan netong pinsan ko e.

"Kaltukan kaya kita? Halay neto. Dumi ng utak." Sagot ko pa.

"Ang green minded mo! Ang sabi ko pwet!" Pagdepensa nya sa sarili nya. Hindi nalang ako sumagot at nagisip.

Papayag ba ako or what? Wag nalang kaya ako pumasok mamaya? No it cant be may quiz kami mamaya at kailangan kong pasukan ang subject na yon syempre dahil nga scholar ako. Hays. aha! Iiwasan ko nalang sya at kukuha ako ng special quiz mamaya para maghahalf day lang ako. Oo tama, para na din mahaba haba ang oras sa part time job ko. Yes. Sige.

Kung tinatanong nyo kung nasaan ang parents ko, nasa probinsya ang Nanay ko at nasa abroad ang Tatay ko. Pero hindi talaga kami mayaman, kasi si Papa, konti lang ang kita at ganun din si Mama. Sapat na para makakuha sila ng 30K a month para sa gastusin namin. Nasa Maynila ako at naninirahan sa Tita ko kasama nga ang Pinsan ko. At talagang mabait sila Tita saakin kasi pinatuloy nila ako dito. Ayoko naman na umasa sakanila at alam ko namang hindi din sila ubod ng yaman, at may kaya lang kaya sapat na ang tirahan, tubig, kuryente at pagkain ang nakokonsume ko. Nakakahiya naman kung pagaaralin pa ako diba.

Mabalik tayo! Ang iniisip ko kasi ay ang pagpasok ko. What if inaabangan na pala ako non sa gate? Paktay diha ako neto. Ah! Sa likod ako dadaan, sa secret passage namin ng pinsan ko. Oo dun nalang tutal malapit naman din don ang faculty kaya mahahanap ko agad yung teacher ko para sa quiz.

Kailangan kong isakripisyo ang araw na ito para sa magiging desisyon ko. T\\T

Nang makapaghanda na kami ni Pinku para sa school agad kaming nagninja moves sa likod para makapasok. Good thing walang nakakita.

Pagpasok namin agad kaming nagtungo sa faculty para makahingi na ako ng special quiz. Si Pinku naman nagpaalam na na papasok na sya.

"Mam sige na, bigyan nyo na ako ng special quiz." Pagpupumilit ko. Etong mokong kong teacher snobero!

"Ah eh, Mam. Gusto nyo tulungan ko kayo maglista ng grades?" Tanong ko.

"Talaga? Tutulungan mo ko?" Makangiti nyang sagot kaya tumango naman ako.

"Basta Mam bigyan nyo ko ng special quiz." Pag hingi ko ng kondisyon.

"Oo na, sige na nga! O halika na tulungan mo na ako." Umupo naman ako don at nagsulat na ng grades.

Wala pang 30 minutes ay natapos na agad ako kasi secret lang namin yun kaya kaylangan magmadali. Yari sya pag nahuli kami. >:D

Kumuha na agad ako ng quiz sakanya dahil sa pagmamadali at natapos ko naman din yun agad. nagreview naman kasi ako.

Dumiretso naman ako ng auditorium kasi sabi ng pinagtanungan ko andun daw yung adviser namin. Kaya gumora ako dun.

Pagpasok ko agad kong hinanap si Mam at nahanap ko naman sya agad.

"Mam! Mam!" Sigaw ko para makita nya ako.

Wrong move ko lang kasi nakita kong kausap nya ang EXO. Paktay, may one week performance sila ngayon sa school e. Kasi foundation week. Paktay ako netooo. ><

"Ah eh, sige Mam babye!!" Sabi ko sabay talikod na.

"Ms. Del Mundo." Pagtawag sakin ni Mam Fortalejo.

"Yes mam?" Sabi ko pa at sumaludo. Sinubukan kong wag tignan si Oh Sehun para umiwas.

"Since ikaw ang president ng section nyo at ikaw naman ang pinakamatalino sa buong year nyo, ikaw na din ang representative." Dirediretsong sabi ni Mam.

"Mam, representative para san?" Nagtataka kong tanong.

"Para iguide sila." Sabay turo ng kamay nya sa sampu.

Napasapo nalang ako sa noo ko at umiling.

Wrong move. ahuh.

Umalis na si Mam Fortalejo at iwan akong nganga sa gilid nila.

Lumapit saakin si Sehun at eto na ang kinakatakot ko.

"Ano?" Salubong ng kilay nyang tanong.

"Huh?" Patay malisya ko namang sagot. Kahit alam ko naman kung para saan ang 'ano' nya na yon.

"I mean ano na? Payag ka na? Maid for 6 months." Sabi nya ulet.

"Teka, ano ba kasing mapapala ko dito ha?" Tanong ko pa.

"Bukod sa pagbabayad ng mantsang ginawa mo sa damit ko kahapon kaya hindi ako nakapagperform, suswelduhan ka naman kami." Nagspark ang mata ko nung sinabi nyang suswelduhan.

"E magkano naman?" Paguusisa ko pa.

"15 thousand a month, stay out ka. dun ka sa condo namin maglilinis, pero pwede ka rin ipatawag sa dorm para dun ka maglinis. Dadagdagan ang bayad sayo a day kapag naglinis ka ng both condo at dorm sa isang araw. Ano deal?" Sabi nya.

Bumuntong hininga nalang ako at iniabot ang nakalahad nyang kamay.

"Deal."

"At isa pa, paguusapan nalang natin kung gusto mo pang dagdagan ang 6 months if ever tapos na ang contract. Gets?"

Tumango lang ako.

Yeah. 15k na rin yon. Kung sa part time job ko nakaka 8k ako, may 23K a month na ako. Malaki na yon at kung panggastos ko na ang 3k, 20K sa gastusin sa school, 10k nalang ang poproblehamin nina Mama at Papa.

Nakahinga ako ng maluwa pero naalala ko, kakayanin ko ba?!!

Being an EXO's maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon