AYCHI
Nagising ako dahil sa sikat ng araw ma tumatama sa mukha ko, alam kong nasa korea ako pero kelan pag nagkaroon ng bintana sa tinutulugan ko dito sa kwarto?
Minulat ko ang mga mata ko at inikot ang paningin ko. Mayroon akong nakita isang malaking frame sa ding ding kaharap ng kama..... Picture ni, Sehun?
Agad akong napabalikwas ng higa at tumingin sa orasan. 6 am pa lang? Liminga linga ako at napagalamang wala pala si Sehun dito?
Alam ko kagabi..... Nakaupo lang ako sa gilid ng kama nya, tapos si Sehun pa yung nakahiga tapos naka makapal na tshirt lang ako non pero ngayon, naka sweat shirt na ako?
Napahawak ako sa mukha ko. Sino kayang nagbihis at naghiga saakin dito?!
Ibig sabihin nakita nilang naka-bra ako?! Buti nalang! Buti nalang talaga nagbbra ako tuwing matutulog T^T
Tumayo na ako at nag cr muna para maghilamos at magmumog.
Nilinks ko na ang kwarto ni Sehun agad agad, nakakahiya naman sakanya, 'noh! Baka sabihin, ako na nakitulog hindi ko pa uunahing linisin yung kwarto nya.
Speaking of Oh Sehun..... Diba may sakit yun?
Nasan na kaya yun? Binilisan ko pa ang paglilinis sa kwarto nya at bumaba na.
Nakita ko silang nakakalat sa sala. May iba naglalakad papuntang kusina.
"Gising na ang prinsesa!" Sabi ni Baekhyun at nakalahad pa ang dalawang kamay saakin habang naglalakad ako pababa.
Teka, compliment ba yun o sarcastic dahil ako ang pinakahuling nagising?
"A..ah, sorry nalate ako ng gising. Na-late din kasi ako ng tulog." Nahihiya kong paghingi ng paumanhin sa harapan nila hahang nakayuko.
"Noona! Kinatok kita kanina sa kwarto mo pero wala ka dun," Sabi ni Tao habang nilalaro yung mga collections ni Sehun na mga laruan.
"A...ah, ano kasi eh,"
"Dun natulog sa kwarto ni Sehun e," Sabi ni Chen at binigyan ako ng mapanuksong ngiti.
"Ano, kasi, binantayan ko si Sehun eh. Diba may sakit? Tumumba pa sya sa kusina kagabi." Pagpapaliwanag ko.
"Mukhang pagod na pagod nga eh, dun natulog sa kwarto ko!" Sabi ni Lay habang nag-gigitara.
"Pumunta din sya sa kwarto ko pero pinalayas ko! Sinipa ko nga!" Sabi ni Chanyeol.
Tumawa nalang ako at pumuntang kusina para magtimpla ng kape, naabutan ko naman don si Xiumin at D.O
"You want coffee?" Pagaalok saakin ni Xiumin.
"Um? Gagawa ako?" Sabi ko at inabot ang jar at yung creamer.
"Alam mo ba Unnie, magaling magtimpla ng coffee si Hyung," Pagbibida ni D.O kay Xiumin.
"Grabe, Hyung. Marunong lang," Natatawa tawang sabi ni Xiumin
"Ah, oo. Napanuod ko yung EXO Showtime, yung episode nyo ni Chen? May napindot pa kayong mali dun, e." Nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ko.
"Pagtitimpla na kita," Tumango nalang ako sa alok nya at pinanuod sya.
Binigay nya saakin ang kape at tinikman ko yun.
"Wow masarap nga, kuhang kuha mo yung gusto kong lasa." Nakangiti kong sabi.
"Jinjja? Ganun dim ang gusto kong timpla!"
"Ehem," Napatingin kami kay D.O
"Nandito pa ako, ehem ehem." Umulit pa sya ng pekeng ubo.
Pareho kaming nag-iwas ni Xiumin ng tingin. Nakakahiya kasi, mygahd.

BINABASA MO ANG
Being an EXO's maid
RandomInchinelle "Aychi" Del Mundo, bumped into the World's most famous band that caused a blessing for her ✨ will she take the risk of being a maid? At paano kung mangyari ang hindi inaasahang bagay na inaasam ng lahat? *ehem spoiler*