IX

4 0 0
                                    

AYCHI

Sa loob ng linggong kasama ko ang pinapangarap ko at pinagpapantasyahan ng lahat, masasabi kong worth it ang pagod at gutom na tiniis ko magmula nang magtrabaho ako sakanila, mabuti talaga sila saakin.

Si Tao masyado pa ring matatakutin, para saakin maknae na maknae sya, mas bunso pa kay Sehun.

Si Kai para namang panganay kumilos pero makikita mong makulit din sya. at masayang kasama.

Si Suho magaling na leader talaga, hindi nya pinapabayaan ang ibang members, pero hindi din sya yung mapagmataas at mayabang na leader gaya nung iba.

Si Baekhyun, dapakk makulit pa din. Sa tuwing tinatawag nya ako sa pangalang Ichay, naaalala ko yung kababata ko. Asan na kaya yun 'no? Tapos laging kumakanta sa madaling araw! Parang tanga.

Si Chanyeol at Chen, grabe mantrip! Tatakutin ako pag naglilinis ako sa banyo tapos sasabihin nabobored na sila dito sa Korea. Adik sila 'nuh? Iknow!

Si Lay naman nakakaperwisyo! paano lagi nyang nakakalimutan kung saan nakalagay yung phone nya. Maski brief nya nawawala din daw.

Si D.O napakagaling magluto! Para din synag si Suho, hindi nya pinapabayaan ang mga members at ako rin. hihi em so pretty talaga!

si Xiumin naman, enebe!! Lagi nya akong pinapasyal pagkatapos naming manggaling sa OHS. Pinapakain nya ako ng masasarap na pagkain at dinala nya pa ako sa café kung san paborito nyang tumambay. Feeling ko napaka special ko para sakanya.

Si Sehun? Nevermind....

Pero joke, simula nung insidenteng yon pakiramdam ko mas bumait si sehun saakin. Teka bakit 'mas?' E hindi naman mabait yon. Basta hindi na masama ang pakikisama nya saakin. Pero hindi ko maiwasang mailang. Syempre naman 'noh!

Kagaya ngayon, tapos na ang masasayang araw ng OHS, mwahahahaha. Masosolo ko na ang Exo ngayong araw at bukas! Yehsh naman!

Paalis na kami ngayon dito sa bahay na tinutuluyan namin, papasyal kasi kami sa N Seoul Tower tsaka mag ninight market chuk chuk keme kami mamayang gabi. Natural Night nga eh. Hays naman.

"Hindi ako sasama." Sabi ni Sehun pgkababa nya, naka pjs at puting tshirt pa sya. Medyo magulo ang buhok nya at parang namumutla sya.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang leeg nya. Tinabig naman nya yon agad. Thank you ha? Ako na concern dito oh!

"May sakit ka Sehun! Wag na tayong umalis." Sabi ko sakanya habang inaalalayan syang makababa. Sa tingin ko nanghihina talaga sya kaya naman nagpatulong din sya sa paglalakad papunta sa sofa.

"Hindi. Umalis na kayo, tatawagan ko na lang si manager." Sabi nya at humiga na sa couch.

"Hindi, bukas nalang tayo mamasyal. May sakit ka oh. Nakakaawa ka naman. Wala kang kasama dito." Sabi ko sakanya.

Lahat sila tahimik lang at pinapanuod lang kaming magsagutan ni Sehun.

"Sabi ko umalis na kayo!"

"Pero nakakaawa ka. May sakit ka oh." Sabi ko tas tinuro ko pa sya.

"Hindi ko kailangan ng awa mo! Umalis na kayo lalo lang akong naiirita."

Feeling ko napako yung paa ko sa mga sinabi nya. Ako na yung nagmamagandang loob at nagmamalasakit ako pa yung gaganyanin? Ayaw nya ng awa at malasakit, ha. Edi wag! Hindi naman sya kawalan. Anong gusto nya iwanan namin sya dito? Edi pag pumayag ako anong sasabihin nila? Hindi na ako naawa?

"Ah, Noona tara na. Tatawagan nalang namin si Manager para magpadala ng magbabantay kay Sese." Sabi ni Tao at hinila na nila ako ni Lay palabas ng bahay.

Being an EXO's maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon