XI

7 0 0
                                    

Napaangat ako ng tingin sa narinig ko. Ano daw? Hindi raw ako ang kababata nyang inaakala nya...

So ibig sabihin lang 'non, nageexpect sya na ako ay yung kababata nya na si Ailee pala.

Thing are starting to get weird. Masyadong malabo at naweweirduhan pa din ako kay Sehun.

Alam nyang mayroon syang kababata pero ang buong akala nya ay ako yun?

Paano nangyari yun?

Lumapit si Sehun saakin at tinignan ako.

"Ibig sabihin, hindi ikaw iyung.... hinahanap ko? All this time akala ko naganap ko na pero I was wrong. It wasn't you," Bakit ba sobra sobra nalang tong magexpect, ha? Ano bang big deal duon kung hindi ako yung childhood friend nya.

Friends naman kami dati pero mas close nga lang kami ni Benben; yung kababata ko na mas close ko.

"A..ano bang bigdeal, don Sehun?" Tumawa pa ako ng konti.

"Anong bigdeal? Because It wasn't you!" Sigaw nya saakin.

"So ano kung hindi ako yun? Ikamamatay mo ba yun Sehun? Hindi ba dapat masaya ka kasi nandyan na yung hinahanap mo." Tapos tinuro ko si Ailee.

"Kasi gusto ko, ikaw 'yon... Ikaw lang 'yon."

Natigilan ang lahat maski, ako, nang magsalita si Ailee.

"Uh, m..mauna na ako. I, ano. Napadaan lang ako. Gotta go! Bye Inchinelle mag-uusap pa tayo!" Nagwave sya at saka umalis.

Pipigilan ko pa sana sya ng kumirot bigla yung paso ko.

First degree burn. Mygosh. Napakainit naman kasi nung kape.

"Kumuha kayo ng bimpo at warm water." Huling sabi ni Sehun at umakyat na ng kwarto nya.

Tinignan ko lang ang pintuan nya mula dito sa baba, kita kasi yun dahil nasa tapat lang yon ng hagdanan.

Nagpapalit-palit lang sila ng tingin at nang mapansing nakatingin ako, umiwas ang lahat. Si Xiumin.... nakatingin lang sya saakin na puno ng pag-aalala.

Umupo ako sa space na mayroon sa couch at tumingin sa kawalan.

"Hey, are you alright?" Hindi na ako nagaksaya pang lumingon dahil kabisado ko naman ang boses nya; ni Xiumin.

Tumango lang ako bilang sagot at bumuntong-hininga.

"Ah, Unnie." Chen, being Chen tinaas nya ang kanang kamay na parang nagrerecite.

Tinignan ko lang sya na nagaantay kung anong sasabihin nya.

"Anong nangyari?" Tanong nya at nagkamot pa ng ulo.

Hindi ko alam kung para saan ang tanong na yon, eh. Kung ibig sabihin nya ba ay 'anong ibig sabihin ng nangyari' o talagang hindi nya nasaksihan yung mga nangyari.

Bumuntong-hininga ulit ako at tumingin sa kawalan.

---

Sinubukan kong pumasok sa kwarto ni Sehun pero hindi ko alam kung bakit hindi matuloy tuloy. Gusto ko lang syang tignan kung ayos lang ba sya o bakit nagagalit sya. Malay ko ba. Ayos naman kami netong nakaraan tas biglang mag-aaway nanaman kami. Quota na ako sa sigaw nya, ha.

Bubuksan ko na sana yung doorknob pero bigla iyong bumukas dahilan para mapasubsob ako sa.... or should I say, KAY?

Kay "Sehun?!" Sigaw ko at agad agad tumayo ng maayos at tumungo.

"What?" Irita nyang sabi. Parang may clue na sya sa 'what' nya. What kung bakit ako nandito pero paano naman nya iyon nalaman?

"A.ahh. Wala. Wala. Sige na, chinecheck lang kita." Papatalikod na ako ng hawakan nya ako sa braso.

Being an EXO's maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon