XIII

4 0 0
                                    

-

Pagkatapos naming gumala kung saan saan - take note; DI KO ALAM KUNG SAN BA KAMI NAGPUNTA XD Andami talaga naming pinuntahan. Imagine, 8 ng umaga kami naka-alis ng bahay tapos babalik kami 11 pm na?

Pero hindi pa rin kami umuuwi. Nandito kami ni Se sa isa sa mga malapit na Bay sa bahay. Mga 30 minutes ata byahe. Nadaanan kasi namin 'to kanina.

Nakaupo lang kami at nakaharap sa mga ilaw ng buildings sa kabilang side ng bay.

Walang nagsasalita at sipol ng hangin lang ang naririnig namin. Ang sarap ng hangin dito, malamig at napakafresh. Muli nanamang humangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili ko.

Echosera! Naka leader jacket na ako nilalamig pa rin ako?

Napaigting ako nang bigla akong yakapin ni Sehun dito sa tabi ko. Di ko alam ang ikikilos ko. Dapat ba akong kabahan sa ginawa nya o matuwa?

"You might get a cold. Magtiis ka muna sa yakap ko." Yun lang ang tangi nyang sagot. At hanggang ngayon, mukha pa rin syang magnanakaw sa outfit nya. Takip na takip ang mukha nya maski buhok at tenga nakatakip. Most wanted ka be? -_-

"Ah. Salamat." Yun nalang ang isinagot ko.

Parang nabuhay ang diwa ko at biglang uminit ang paligid. Weird?

Siguro di lang ako sanay na ganito si Se sakin.

"Ang tahimik mo naman." Sabi ko.

"Hmm." Yun lang? Ano mapapala ko sa Hmm nya? Aba't tong!

"Chong, ayos ka lang?" Tinignan ko sya at kumunot ang noo.

Usually kasi, magiingay yan o kaya pagtitripan ako e. Ba't kaya ngayon hindi? Sobrang ganda ba ng ambiance dito na kulang nalang wine at petals? KEME!

Nagshrug sya at bumunot ng mga damo sa tapat namin pagkatapos nya akong pakawalan sa yakap nya.

"Nothing, maybe I'm tired... May iniisip lang." Ngumiti sya pero yung mga mata nya makungkot.

"Spill."

Napatingin sya sakin at kumunot ang noo.

Ngumiti lang ako at tumingin sa langit.

"Naalala ko lang yung pamilya ko."

Hindi ako nagsalita at inantay lang sya na magsalita ulit.

"Miss na miss ko na kasi sila. Wala manlang akong time para sakanila."

Nakita ko sa peripheral vision ko na yumuko sya.

"Im sure naman na naiintindihan ka nila. Mahirap din naman sa part nila yon pero hindi ka nila masisisi sa mga narating mo ngayon. Atleast nga, isa kang sikat na superstar. Mayroon kang naibibigay sa pamilya mo. Kesa naman wala diba? Hindi maganda ang ganoon."

Ngumiti lang ako.

Huminga sya ng malalim at humiga lang sa damuhan.

"Pakiramdam ko tuloy nagtatampo na sila saakin, halos kalahati ng buhay ko wala ako sa tabi nila. Na yung role ko as a son, and a brother di ko nagagawa."

"Wag mong isipin yan, dapat nga isipin mo proud na proud sila sayo. Aba, member ata ng EXO si Oh Sehun. Tapos magtatampo sila sayo? Nako malabo yun, ano. Atsaka although di mo nagagawa yung part mo sa family nyo, atleast nabibigay mo lahat ng kailangan at gusto nila. Simple as that."

There's a moment of silence. Di talaga ako sanay sa mga ganitong bagay, eh. Yung pinapayuhan ko sila. Lalo na wala naman akong alam sa buhay nya. Meron pala, madami. HAHAHA.

Being an EXO's maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon