Aychi
Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-frustrate o matuwa dahil sa hininging pabor ni Ms. Principal. Oo nga at madali lang ang pinapagawa niya dahil close naman ako sa EXO at minsan ko na din siyang natulungan.
Pero kasi mayroon akong nararamdamang tampo ba? Parang natatakot akong makausap siya at malaman mismo sakanya na walang halaga ang 'friendship' na sinasabi niya.
Nagkahalaga nga ba talaga? Para kasing, parang... Hindi eh. Pero hindi rin ako sigurado. Paano kung nag over react lang ako sa mga titig niya? Paano kung badtrip lang talaga siya ngayong araw at binigyan ko ng dahilan. Paano kung meron lang talaga siya kaya masungit ang aura niya? Hindi ba lagi naman siyang masungit? Pak. Abnormal na Inchinelle! -_-
Pero paano kung tama nga ako? Mapapahiya nanaman ako sakaniya? Na baka isipin niya na isang malaking pag aassume lang naman ang ginawa ko? Na hindi naman talaga kaibigan ang turing niya saakin kundi alipin? Na kaya niya lang naman nasabing 'kaibigan' eh dahil ako lamang ang nandoon nong kinakailangan niya ng sasandalan?
Hindi ko namalayan na sa sobrang pag iinarte ko lunch break na pala. Ibig sabihin magkakasama nanaman ulit kami ni Sehun. Hayys. Nakakaloka naman. Bakit ba ang OA OA ko? Eh tungkol lang naman to sa pagkakaibigan at hindi sa magkasintahan?
"Uy 'Chiii! Excited na ko! Didiretso na ba tayo ng roof deck? Ahihihi." Ani Pinku. Mukha ngang excited siya at kinikilig. Buti pa siya nagawang ma excite. Ako kasi kinakabahan. Kailangan magawa ko ang bagay na 'to sa lalong madaling panahon. Dahil alam ko ay next week ay hindi na sila magpupunta sa paaralang ito. Bakit nga ba kasi sila nagtagal dito? Hindi sa ayaw ko ah, in fact gustong gusto ko nga. Pero kasi wala namang event diba? At para saan pa yung nandito sila? Wala ba silang mga lakad at tatambay lang sila dito sa paaralan for effin' one week?
"Oo... Ay oo nga pala Pinku, alam mo ba kung bakit mag sstay dito ang EXO ng one week pa?" Tinignan ko siya habang tinatahak ang daan papuntang roof deck.
"Hmmm. Oo. Nakalimutan mo na ba? Sa makalawa na ang Foundation Week natin kaya kakailanganin sila dito bukas at sa isang araw para dito na mismo mag practice." Ahhh oo nga pala. Nakalimutan ko. Eh bat dito? Bakit hindi sa ibang lugar? Sa studio? Sa SMent PH?
"Ahh. Eh bakit kailangan nilang dito mag practice?"
"Ang narinig ko, dahil daw yun sa hiling ng principal. Hindi sinabi ang dahilan eh." Nag shrug siya. Anong ibig sabihin niya? Parte ba ito nung pabor niya saakin?
Tumango tango na lang ako nang matanaw na ang pintuan ng roof deck. Off limits talaga dito pero, hiniling daw ng EXO na ipabukas ito base sa pagkukwento ni Pinku. Bakit hindi ko alam ang mga bagay na iyon? Wala. Baka busy sa EXO. CHOSS!
"Ayan na pala sila eh. May mga pagkain na din." Ani Pinku at inunahan ako sa paglalakad at agad lumapit sa EXO. Hinanap ng mga mata ko si Sehun. Sa palagay ko ay kailangan ko siyang kausapin. Nandon siya sa may bandang dulo at nakaupo. Nakalawit ang mga paa niya at nakahawak sa matibay na railings ng roof deck.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga taong abala sa pag hahanda ng mga pagkain at sa pagku-kentuhan saka naglabas ng isang malaking buntong hininga. Kaya ko 'to. Wag kang mag-alala Inchinelle. Friends or not. You will help him. Not because of the scholarship, but because you are willing to.
Umupo ako sa tabi niya at humugot ng lakas ng loob bago siya tignan.
"Mukhang malulunod ako ah," sabi ko at ibinalik ang tingin sa mga ulap. "Ang lalim naman kasi ng iniisip mo. Hindi ko malangoy." Ngumiti lang ako ng bahagya.
Inexpect ko na hindi siya sasagot at pagkatapos ng limang minuto ay wala nga akong nakuhang sagot mula sakaniya. Kung kanina e, malalim ang iniisip niya. Ngayon naman ay nadagdagan ng pagkalungkot.
Ngumiti ako ng tipid. "Hindi ka ba nagugutom? Ako kasi medyo gutom na. Pero hindi pa sila nagtatawag kaya okay lang." Naubusan na siguro ako ng sasabihin kaya pati ang tungkol sa pagkagutom ko ay nasabi ko kahit hindi naman talaga ako gutom.
"Sehun.... Bakit hindi mo ako pinapansin? Kaninang umaga naman diba sa bahay.... Kahit ang sungit mo.... Kahit ang yabang mo kanina.... Okay lang.... Pero yang mga mata mo kanina may laman.... May sinasabi... Iba yung lamig eh... May problema ba?" Hinarap ko siya na diretso ang tingin sa harapan. Bahagyang kumunot ang noo niya at unti-unting lumingon saakin.
"Wala. Wala akong problema."
Tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya. Pinigilan ko ang pagtayo niya. Tumitig siya sa kamay ko at naka-kunot pa din ang noo niya.
"Bakit ba ayaw mong sabihin saakin? Akala ko ba magkaibigan tayo?" Mahinahon ngunit nagiging emosyonal kong tanong sakanya. Ayokong mag-inarte. Ayokong umiyak pero hindi ko mapigilan. Konti na lang at iiyak na ako.
"Kaibigan?" Tumawa siya sa sinabi niya.
So, tama nga ako? Tama nga ako na hindi kaibigan ang turing niya sakin?
"Kung may problema man ako ay wala ka na don." Sabi niya nang bahagyang nakatayo na. Pinagpagan niya ang pants niya.
Tumayo din ako at humarap sakanya. Mabuti na lang at hindi kami naririnig dahil medyo malayo kami sakanila.
"Ah, tama nga ako. Tama nga ako na wala lang sayo 'to. Na hindi mo naman talaga ako kaibigan hindi ba? Nasabi mo lang na kaibigan mo ako dahil ako lang iyong nandyan nung mga panahong nalalabuan ka sa sarili mo. Ako lang ang nagpaintindi pero isang gabi mo lang pala ata ako naging kaibigan." Umagos na ang mga luha sa mga mata ko. "Ay mali. Baka nga ni isang segundo hindi mo ako naging kaibigan. Siguro tama nga din ako, na nag-assume lang ako. Oh Sehun nga naman kasi 'yan, mag eexpect akong kaibiganin ako?" Tumawa ako ng peke at pinunasan ang luha ko.
"Sa tingin ko ay talagang wala ng makakaintindi pang tao sa pag uugali mo, dahil wala kang kayang tanggaping tao diyan sa puso mo kahit simpleng pagkakaibigan lang." Tumalikod na ako at ready nang umalis ng roof deck na 'to pero nag salita siya.
"Don't say that because it was you who doesn't care about this shit. Remember, ikaw ang hindi nagpapahalaga dito. Dahil sinabi mo noon ang mga bagay na nalikutan mo na ata... Ang mga bagay na ipinangako mo for this fucking friendship that doesn't even works pero kinalimutan mo iyon because you fucking hate me! And the truth is, you really don't understand me. Because if you really are, you know what I feel inside. Pakiramdam ko na back stab ako. Pakiramdam ko laro laro at showtime lang na sinabi mong 'friends' na tayo. No Aychi. I'm MUCH BETTER correct than you. Please put your shit together. It's not good."
Napatulala ako sa sinabi niya at binangga pa niya ako habang lumalabas ng roof deck na ito. Hindi ko siya maintindihan eh. 'Di ko gets eh! Ang labo labo niya!
Basta ako? Kakain!
"Oh, Aychi? Asan si Sehun?" Ani Chen habang nilalantakan ang manok na hawak niya.
"H-ha? Ah, malay ko. Kayo ang kasama ah?" Dumiretso ako sa lamesa at kumuha ng makakain. Yun nga lang, fail ang excuse ko dahil ako naman ang kasama ni Sehun bago siya lumabas. Pabo! Aish. Ang tanga ng dila ko.
"Inchinelle kayo ang magkasama bago siya lumabas.... Nag.... Nag-away nanaman ba kayo?" Napatigil ako sa pag kain at sinalubong ang makahulugan at makalaglag panty-este basta makahulugang titig ni Xiumin.
"H-hindi. Ahhh. C-call o-of nature ata."
"Huy! Ano ba ang nangyayari sayo ah? Nag away ba kayo ni babagie? " Siniko ako ni Pinku.
"Hindi aa! C.R lang ako guys."
Hindi ko alam kung bakit ako aalis. Basta ayokong marinig ang pangalan niya. Hindi ko din alam kung bakit ako lalabas ng school. Basta ayoko dito. Ayokong lumanghap ng sariling hangin na nilalanghap din niya.
Hah! Ako pa ngayon ang walang care sa pagkakaibigan namin ah? Ako pa ngayon? Aba't ang kapal naman na!-
"Tss, baliktad na pala ngayon ang mundo huh." Napailing-iling na lang ako habang tumatawid.
*PEEEEEEEPPPP!* *SCRAAATCH*
"Aychi!!!"
Then everything went black.

BINABASA MO ANG
Being an EXO's maid
RandomInchinelle "Aychi" Del Mundo, bumped into the World's most famous band that caused a blessing for her ✨ will she take the risk of being a maid? At paano kung mangyari ang hindi inaasahang bagay na inaasam ng lahat? *ehem spoiler*