IV

7 0 0
                                    

Aychi's POV

Natutuliro na ang utak ko dahil sa mga pinapagawa ng teachers namin. 2nd week pa lang ng klase sobra sobra na ang mga teachers kung magpagawa. Daig pa namin ang gagraduate ng highschool. Idagdag mo pa ang stress na nadudulot ko sa bar at sa EXO. No scratch that. Isang malaking pasakit sa ulo for real! Pero syempre yung maknae lang naman na yon. Imagine, kakalinis ko lang ng kusina, sasadyaing magbake ng kung ano ano at dumihan ang kusina para lang linisin ko ulit. Tapos habang nililinis ko yung kusina natulog sya, tas paglabas nya ng kwarto, inutusan akong linisin yung kwarto nya?! Kasi daw narumihan na >.< Bwisit talaga! Argh argh.

"Beks, bali na yung tinidor." Sabi nung kaklase ko sabay turo dun sa tinidor na hawak ko. Bali na nga, yung plastic lang kasi to e. Tss. Badtrip.

"Bakit mukhang byernes santo mukha mo te? June na ah." Natatawa tawa nyang sabi.

"Paano kasi yung.." Naalala kong hindi ko nga pala pwedeng ipagsabi kung kanino man dahil medyo sikat sila at baka ako ang kuyugin nila.

"Yung ano, pinagtatrabahuhan ko sa bar. Naiistress ako." Pagkukunwari ko.

Tumango nalang sya at ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Pero speaking of bar? Ano kaya kung mag resign na lang ako don tutal mayroon naman na akong trabaho sa EXO? Malaki pa ang kita? Anim na buwan pa ang kontrata. Hmmm. Magandang magandang ideya! Maliit lang din naman kasi ang nakukuha ko sa bar at hindi sapat sa gastusin ko para sa isang buwan eh.

Alas tres na ng matapos ang klase ko ng mapadpad ako sa grounds at madaan ang stage namin. May program ata? Di ako nainform! May nagpeperform eh! Pero wait... Familiar yung kanta...

🎶 Call me baby

🎶 call me baby

Nagulat ako at agad agad na tumakbong stage para makipagsiksikan.

Nakita ko silang sampu don na nagpeperform. OMFG. Ang hot nila! Ang gwapo pa!

Bakit di ko to alam?! Aish! Nasaan ba ako nung nakaraan at hindi ko talaga to alam. >.< Yung pinsan ko hindi manlang ako pinasabihan.

"Xiumin.." Bulong ko nung siya na yung nasa harapan.

Tumingin naman sya saakin at kinindatan ako kaya yung mga katabi ko todo tili, akala siguro nila sila yon. Ilusyonada! Badtrip! Nawala lahat ng kilig ko nung si Sehun na yung nasa harap. Ay panginis? Tss. Kaines! Naiistress nanaman ako dito sa Oh sehun na to!

Pagkatapos nilang magperform ng Call me baby kinanta naman nila yung My Answer. Todo kilig lang kami at feeling may nagcoconcert. Owshet malagket. Myfeels guyth. Ano ba to. Ang swerte nung piano kako. Nahahawakan na ni Baekhyun, nakaka eye to eye pa. Minsan din napangarap kong maging mic. Hays, buti pa ang mga bagay na walang buhay. :'(

Pagkatapos nilang magperform, dumiretso na sila ng backstage pagkatapos ay nagsialisan na rin ang mga tao. Nice. Ang galing nila. Sayang hindi ko na-videohan. Badtrip naman o. Pero ayos lang madami pa namang next time! Ahy~

Bakit nga ba sila nag-perform? Para saan ba yun? Nahanap ko ang sagot ko doon sa gilid at nabasa sa tarpaulin ang

"Introduction from your very own, EXO for the upcoming celebration next two weeks! Enjoy they're company for they will last here for three weeks!"

Hala? Weirdest note evaaah! Parang shunga naman yung pagkakasabi sa tarpaulin huehue!

Kinikilig akong pupunta ngayon sa library para magaral. Oo magaaral nanaman ako, diba nga may quiz bee kami at sa isang araw na yon kaya hassle. Nahihirapan ako sa schedule ko ngayon. Hectic! Kailangan kong mag-aral ng mabuti talaga. Hindi ako pwedeng magshu-shunga-shungaan sa gym. At kailangan ko din ng pang gastos no! Dahil nga magre-resign na ako sa bar.

Nasa lib ako at nagaral ng nagaral ng nagaral. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

~
Xiumin's POV

Papunta akong library ngayon kasi wala lang. Gusto ko lang magpalamig. Don kasi malamig at masarap matulog, wag ka nga lang papahuli. Pagpasok ko, hindi ata ako napansin nung librarian kaya dirediretso nalang ako.

Naghanap ako ng libro ni Nicholas Spark at humanap ng pwesto, kaya lang wala akong nakitang bakante. Nang mapansin kong may babae na nagiisa dun sa dulo makikishare sana ako. Pero... si Aychi pala yon. Bakit dito sya natutulog. Natawa ako ng mahina. Humihilik pa kasi sya at nakanganga. Ang cute cute nya. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicture-an sya. Pagkatapos non ay umupo na ako sa tapat nya at nagbasa. After ng 15 minutes nagising na sya.

Nagkuskos muna sya ng mata at pinanlakihan ako ng mata.

"Xiu-xiumin?!" Sigaw nya saakin.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Natataranta nyang tanong.

"Nagbabasa?" Alanganin kong sagot.

"A-eh." Sabi nya. Parang hindi siya mapalagay  or illusion ko lang iyon?

"May itatanong sana ako sayo tsaka favor na rin?" Sabi ko.

"Ano naman yun?" She waited for my response.

"Um, pwede ba akong makipagfriends?" She look so shocked that's why i laughed softly.

"Friendzone na agad?" Narinig kong bulong nya pero hindi ko iyon masyadong narinig.

"Ah-ano kasi." Nauutal nyang sabi.

"Oo hindi lang naman sagot." Nakangiti kong sabi sakanya.

"O-oo naman." Sabi nya pa at nginitian ako.

Im friends with her and I think that one's good.

~
Aychi's POV

Hindi ako makapaniwalang inaya nya ako para maging kaibigan nya. Omfg! Omfg! Kalma Inchinelle, friends lang yon, hindi date at lalong hindi ligaw. Wag oa! Wag kang oa! Hinga hinga.

Nandito ako ngayon sa bar at nagtatrabaho ng bigla akong hawakan sa fist nung lalaki, mukha naman syang rich kid pero mukhang di mapagkakatiwalaan, atsaka lasing na sya. Ang baho amoy alak. >.< argh! Bakit ba kasi nagkaron pa ako ng last night dito?! Pinayagan naman ang resignation ko ah! Ang daya naman!

"Miss, um pwede bang hingin yung number mo?" Tanong nung lalaki.

"Ah-e, ser wala po akong Phone e." Pagkasabi ko nun saktong nagring ang phone ko.

"Miss niloloko mo ba ako?" Tapos nilapitan na ako nung lalaki.

Bago nya pa ako mahawakan tinuhod ko na sya sa ano *censored* nya. Bwisit sya mamanyakin pa ako.

Tumalikod na ako at iiwan sana syang naglulupasay don pero habang naglalakad ako bigla silang nagsigawan kaya napalingon ako, ihahampas dapat niya yung bote ng beer saakin pero nahawakan ng isang lalaki. May kasama sya actually.

Si..... S-Sehun?!! Nandito silang EXO?! Lahat walang kulang! Omg!

Humarang na yung body guards ng EXO at sila na raw bahala don sa Lalaki kanina.

"Sabi ko sayo take care." Sabi ni Xiumin saakin na kinataas ng balahibo ko.

"Ah-eh."

"Good you're safe." Sabi nya at nagwave na tapos kinindatan ako at naglakad na papunta sa table kung san man.

Great, friends kami ng bias ko, plus niligtas ako ng pinaka hate kong member, plus kinindatan ako ng UB ko. Great, this is so nice.

Pero badtrip pa din yung lalaki! Nevermind. Bukas naman ay hindi na ako mag tatrabaho dito. Huahua!
~

UWAAAAAH >.< kaway exostan. Harhar.

Twitter: @_chncrz

IG: @cheeencrz

Being an EXO's maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon