II

11 0 0
                                    

Aychi's POV

Isang linggo pa lang ang pasok namin pero para na akong kakatayin. Ang daming quizes at seatworks and homeworks ang pinapagawa! Perks of being a scholar, bugbog sarado utak mo.

Nasa may library ako ngayon para magreview dahil next week sasabak ako sa quiz bee, regional kasi ito kaya dapat talagang magreview. May prize din yong 15K, yung kalahati sa school mapupunta, yung kalahati naman saakin. Hanep!

Sa kalagitnaan ng pagrereview ko bigla akong nagutom, ah, konti nga lang pala kinain ko kaninang lunch. Inayos ko muna ang mga gamit ko at napagpasyahang mamaya nalang ulit magreview, paalis na sana ako ng.... ng.... NANG MADAPA AKO SA ISANG NILALANG?!! Hindi ko alam kung sino sya kasi nakatakip ang mukha nya ng libro. Aish, nakakainis yung gantong mga estudyante, ginagawang sleeping area ang library, pero napansin ko hindi naman sya taga dito dahil sa uniform nya, pero yung damit nya..... C-C-Call me Baby? E-Exo yun ah! Hindi kaya isa rin tong fan?

Tinanggal ko yung libro na nakatakip sa mukha nya at laking gulat ko nalang kung sinong salubong ang kilay ang nakatingin saakin.

Patay.

Oh Sehun.

"You're heavy." Pagkasabi nya non, agad akong natauhan at bumalik sa realidad, tumayo agad ako at nagpagpag.

"Bakit ka naman kasi nandyan?" Bulong na pasigaw kong sabi para hindi marinig nung librarian.

"Im sleeping." Cool nyang sagot sabay tayo.

"E bakit dyan ka natutulog?!" Tanong ko ulit.

"Malamig dito tsaka tahimik." Tumalikod na sya at lumakad ng nakapamulsa.

Pero bumalik ulit sya tapos may iniabot saakin.

Isang card?

"Key card yan sa condo namin, walang password wag ka mag-alala, magsimula ka na mamaya." Sabi nya at tuluyan ng umalis.

OW-EHM-EHF-GEE! Mamaya na ang simula ko. :o dapat ba akong kabahan, o ma-excite??!!

~
Tinext ko muna yung pinagtatrabahuhan ko na hindi muna ako makakapasok sakanya, tapos diretso resign na, mahirap na daladalawa trabaho. Nakakastress. Tama na yung isang stress lang.

Papunta na ako ngayon sa condong sinasabi ni Sehun, infairness ah, mukhang pang rich kid talaga to. Kaya hmm mukhang mahal.

Dumiretso ako sa elevator at naalala ko hindi ko nga pala alam ang floor at room. Aish, pano ba yan? Ah! Itatanong ko nalang sa lobby.

Nakakainis naman kasi yung Sehun na yon, hindi manlang sinabi saakin. Pabo!

"Ah miss, s-saan dito ang floor at room ng Exo? Exo Sehun?" Tanong ko dun sa babae.

"Hindi pwede don miss." Napataas ang kilay ko sa sinabi nung ate.

Inangat ko ang key card at nagulat sya .

"Paano ka nagkaron nyan? Exclusive yan ah!" Sabi nya ulit.

"E, miss. Personal maid ako ng EXO. So ano? Sasabihin mo ba o hindi?" Tanong ko.

"88th Floor, room CMB." sabi ulit ng ate.

"Thank you miss!" Sabi ko at nagtungo ng elevator.

"Mukhang magiging close tayo elevator ah, malayo pa papadparin ko." Sabi ko sa elevator - i mean sa sarili ko.

Nang makadating ako sa 88th floor at pagkalabas ko hilo hilo pa ako. Medyo napamahal na ako sa elevator na to. 10 minutes din akong nandito sa loob. ahy~

Being an EXO's maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon