A/N: Sorry for grammatical errors and typos!
Zavanya's POV
Nagising ako at kinapa-kapa ang katabi ko. Pero pagdilat ko, wala na siya. *sigh* He left again...he just spend the night with me just like the first time and left...
*tok*tok*tok
"Iha? Gising ka na ba?"-biglang salita ni Manang sa labas ng pintuan.
"Yes po, Manang. Pasok na po kayo."-sabi ko. Pagkapasok nya, may hawak-hawak siya na isang tray na may lamang pagkain. Ibinaba niya iyon sa bedside table.
"Magandang umaga sayo, iha. Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Magandang umaga din po. Medyo okey na po ako. Si...Stefan po? Nasaan po siya?"
"Maaga siyang umalis kanina, iha. Inaya ko siyang magkape o kahit mag-almusal man lang pero tumanggi na siya."-nalungkot ako sa sinabi ni Manang.
"Ganun po ba."-kinapa niya ang noo ko at ngumiti siya.
"Wala ka ng lagnat. Mabuti naman. Wag ka na munang lumabas ng mansyon para hindi ka mabinat, ha. Pero pwede ka maglakad-lakad dito sa loob."-tumango ako.
"Manang? Pwede po ba magtanong?"
"Sige, iha. Ano ba iyon?"
"May...may alam po ba kayo tungkol sa nakaraan ko?"-tanong ko. Nagulat siya sa sinabi ko.
"I-Iha...hindi ko rin maaaring sabihin sayo. Sinabihan na ako tungkol dyan ni Hailey."-paumanhin nya.
"Pakiusap po, manang. Nais ko na pong malaman ang totoo. Please. Tell me everything about it po, manang."-pakiusap ko. Huminga siya ng malalim.
"Inalagaan na kita bata ka pa lang. Hindi ka sa mansyon na'to lumaki. Gumuho ang dati niyong mansyon kung saan ka ipinanganak at lumaki dahil sa nangyaring aksidente noon."
"A-Aksidente? Ano pong ibig niyong sabihing aksidente?"-takang tanong ko.
"Nagkaroon ka ng amne---"-naputol ang sinasabi nito ng may kumatok at tumawag.
"Manang? Andyan po ba kayo?"-tawag ni Hailey. Kabadong napatayo si Manang pero pinigilan ko siya kaagad.
"N-Nagkaroon po ako ng? Amnesia? P-Paano ako...p-paano po ako nagkaroon nun? A-Aksidente? Naaksidente po ako noon?"-nagtatakang tanong ko.
"K-Kalimutan mo na lang iyon, iha."-utal na sagot ni Manang.
"P-Pero...manang..."
"Pasensya na, iha."-paumanhin niya bago lumabas ng kwarto. Nakita kong dinaanan niya lang si Hailey.
Anong ibig sabihin ni Manang? A-Ano...pano...hindi ko pa rin maintindihan...naaksidente na ako noon pa man? P-Pero bakit? A-Anong dahilan? Kailangan ko ulit gumawa ng plano...para malaman ko ang kasagutan doon...pilit nilang hinaharangan ang katotohanan para hindi ko malaman...pero ako na rin mismo ang gagawa ulit ng paraan para malaman ang tungkol doon...
------->Fast Forward<---------
Pagkatapos nun, hindi na ako kinibo pa ni Manang. Alam kong may nalalaman pa siya kaso ayaw niya lang aminin. Pag sa tuwing nagtatanong ulit ako tungkol doon, sinasabi niyang wala siyang alam. Gusto kong malaman ang totoo dahil may paulit-ulit na bumabagabag sakin about sa nakaraan ko. At hindi rin ako titigil hangga't hindi nasasagot ang mga katanungan ko.
That same night, I prepared all the things I needed. Hindi na ako aalis kundi aalamin ko muna ang laman ng secret attic ng mansyon na'to. At kung bakit hindi maaaring buksan iyon ng kung sino man. I checked my phone and it's time. 11pm in the evening is the right time to do my plan. Madilim na ang buong mansyon hudyat na tulog na ang lahat.
YOU ARE READING
I FELL IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (MAFIA SERIES #2 COMPLETED)
FanfictionPROLOGUE: (EDITED!!!!) "YOU WILL KNOW WHAT HAPPENED TO ZAVANYA AND HER FAMILY TRAGIC PAST. HOW EVERYTHING TURNED INTO HELL FOR THEM, THEIR HIDDEN AGENDAS, HOW EVERYTHING STARTED AND HOW THEY WILL GET THROUGH THE POSSIBILITIES FUTURE TRIALS. IT IS NO...