(Raskreia)
Waring panaginip lamang ang nangyari kanina, ano pa’t ni hindi man lang napansin ng karamihan ang kanyang kasuotan? Dahil ba sa naitatago ito ng kadiliman ng gabi? O sa katotohanang hindi binibigyang pansin ang kasuotan ng datu at ng berdugo?
Simula ng ako’y magkaisip ni sa hinagap ay hindi ko maatim isipin na iisa ang katauhan ng dalawa sapagkat, kahit isang beses ay hindi ko pa nasisilayan ang datu lalo na ang berdugo, tanging ngayon lamang ako nabigyan ng pagkakataon na makita ang kanilang wangis.
Nakasuot man ng maskara ang berdugo ng ako ay kanyang tulungan ay hindi kawalan iyon para di ko malaman na s’ya rin ang datu. Iyon ay dahil sa kalasag ng dragong aking nasilayan, maging ang sandatang nasa kanyang tagiliran.
Papatayin ba ako ng datu kapag naisiwalat ko ang kanyang sekreto? Pero wala naman akong pakialam sa kanya, ilang sekreto man ang nais niyang itago.
’wag na sana kaming magkadaupang palad, at kung pahintulan man ni bathala susumpa na lamang ako sa datu na hindi makakalabas sa iba ang aking nalalaman.
At dahil sa hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip, namalayan ko na lamang na nasa labas akong muli at nagliliwaliw. Saan kayang parte ng aming tribo ang pagpupulong na ginawa ngayon ng datu at mga pinuno ng bawat tribo ng sa gayon ay maiwasan kong makatungo roon, iyon kasi ang huling dinig ko kanina bago matapos ang piging.
Bawat kubo ay sinusuyod ko ng tingin maging ang aking mga tenga ay pinapagana ko para maulinigan kung napunta na ba ako sa pinagpupulungan ng sa gayon ay makaiwas agad at baka pagdudahan pa ang aking kalokohan.
"Naku! Raskreia pag tayo talaga nagkamali ng hakbang yari talaga tayo nito" mahinahong kausap ko sa sarili ko, ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng bigla akong hawakan sa kamay ng isang tao.
Kasunod ang paglipad nya sa harapan ko. Hinila ko lang naman s’ya ng malakas papunta sa harapan ko sabay sipa sa tyan sanhi ng pagkakahampas n’ya sa kubo na gawa lamang sa manipis na pawid na kahit simpleng hangin ay tatangayin. Sa nagulat ako eh!
"Blag!!"
"Aray! Binibini!" Nagulat ako sa tinig ng aking dama na nakahiga sa loob ng kubo, dagli akong pumaloob at s’ya ring pagkatisod sa nakausling kahoy na sa hinuha ko ay galing din sa nasirang dingding ng kubo na ako mismo ang may gawa. Bumagsak ako ilang metro sa kinalalagyan ng aking dama.
Puta! Masakit ah! Napahiga kasi ako na nakatagilid ang pwesto at swabeng nadadaganan ng aking katawan ang braso kong may sugat.
Agad namang tumayo ang aking dama at tinulungan ako, ngunit natigil sa ere ang pagtayo namin pareho ng may mapansin kaming mga tao na nakatitig mismo sa bawat kilos namin. Patay na! Bakit sa lahat ng kubong mapupuntahan ko ay sa kubo pang kung saan nagpupulong ang bawat pinuno ng tribo? Yung totoo? Galit ba ang bathala sa akin?
Gusto kong kainin ngayon ng lupang inaapakan ko, sa lahat ng kalokohan ko ngayon mismo ang malalang nagawa ko, ano na lang ang sasabihin ni ama.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Raskreia? Kalapastanganan ang ginawa mo?! Pinahiya mo ako sa ating mahal na datu!" Galit na sigaw ng aking ama.
"Pumanaog ka! Bukas haharapin mo ang iyong parusa!" Nakayuko ang ulong umalis ako sa pagpupulong."Patawad po, kamahalaan!" Hinging paumanhin ng aking dama. "Binibini, tayo na."
Ibang daan ang tinahak ko na kahit anong pilit na pagtutol ng aking dama ay nagtuloy-tuloy pa din ang nga paa ko.
"Binibini, tayo ng bumalik sa inyong silid masyado ng malalim ang gabi," anang aking dama.
"Mauna kana kung gusto mo, nais ko lamang pagmasdan ang buwan sapagkat napakatinkad ng kanyang liwanag, mapag-iisipan ko pa din ang parusang aking matatanggap kinabukasan." Sagot ko habang umuupo sa nakausling bato sa gilid ng batis, inilubog ko din ang aking mga paa.
BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
Historical FictionAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...