Pangalawa

16 1 0
                                    

Lahat ay nabigla, maging ang
kanyang ama sa kanyang tinuran.

"Walang masama sa tinuran ng aking dama, para magsalita ka ng ganyan aking kapatid." Turan ng babaeng may kalapitan kay Raskreia, ang kanyang nakatatandang kapatid na si ahnia.

"Ah! Wala ba? Diyata't sa kanyang tinig na may pagkasakrasmo ay may nais ipahiwatig, mukha atang nasobrahan na sa pagkamangmang ang pagkakakilala sa akin ng iyong hamak na dama, sapagkat maging ang pag respeto sa nakatatas sa kanya ay kinulang na? Tila atang nakaligtaan na ng iyong dama kung saan nakalugar? Tama ba ako, ama?"

Sa kauna-unahang pagkakataon lumuhod ang damang pangahas sa harapan ni Raskreia, upang humingi ng tawad.

Dahil na rin sa mga kwento ng kanyang dama na halos hindi na s'ya itinuturing na isang maharlika ng kanyang mga kapatid kaya kung ganon na lamang kung s'ya ay tratuhin ng mga dama ng kanyang kapatid.

"Umayon ka sa kung hanggang saan lang ang lugar mo, dama! Nakaligtaan mo na sigurong may kaparusahan ang bawat paglabag ninyo?" At sa kauna-unahang ding pagkakataon nagbitaw ng kataga ang sultan na ikinagulat ng lahat, maliban kay Raskreia sapagkat ayon sa kanya nararapat lang na ganito ang gawin ng sultan dahil sa maling pagtrato ng dama sa kanya,na lingid sa kanyang kaalaman ay may kalimitan lamang kung gawin ng sultan.

"Ipagpaumanhin ninyo po aking sultan ang aking kapahangasan. Patawad po!" Turan ng dama.

"Ama, kung may nagawa mang mali ang aking dama ay ipagpatawad mo sapagkat nagkulang ako ng pagtuturo na dapat gawin ng isang dama." Nakayukong turan ng nakakatatandang kapatid ni Raskreia, subalit may nakatagong ngisi sa mga labi.

"Bibihira nalang tayo kung magsama sa hapag pero sa tuwina ikaw lagi ang nagsisimula ng gulo Raskreia, pero kakaiba ngayon sapagkat nagawa mong maagaw ang atensyon ng sultan." Turan ng kanyang ina.

Nagitla man ay hindi na umimik si Raskreia.

"Kumain na tayo! Kaya ko kayo ipinatawag ay para sa gaganaping piging kasama ang datu, gaganapin ito mamayang gabi. Iwasan ninyong gumawa ng hindi kanais-nais sapagkat lahat kayo ay paparusan ko." Makapangyarihang utos ng sultan.

"Opo ama!" Sagot ng lahat.

"Ama, kasama po ba ng datu ang berdugo sa kasiyahan?" Tanong mula sa unang prinsesa.

"Oo at nais kong hawakan ninyo ang inyong mga pisi na sa gayon ay hindi mapigtal para makagawa ng hindi kanais-nais." Makahulugang turan ng sultan.

"Masusunod po ama!" Turan ng lahat.

Matapos ang may konting gulo sa hapag ng mag-anak ay nagkanya-kanya na ring balik sa silid ang tatlong prinsesa.

___

Raskreia pov,

"Bakit ganon kung ako ay tratuhin ng aking mga kapatid idagdag mo pa ang kanilang dama? May nagawa ba akong mali, aking dama?"

"Sa tinagal-tagal ko nang pagsisilbi sayo mahal na prinsesa ay ngayon mo lamang iyan naitanong sa akin na dapat ay matagal na, sapagkat maging ako ay naguguluhan at hindi ko mawari kung bakit napakabigat ng kalooban sayo ng inyong mga kapatid, maging ang pagtrato nila sayo, pero ngayon ko lamang napansin na ngayon ang unang beses na sumagot ka sa kanila at napaayon mo ang sultan. Ito rin ang unang pagkakataon na napayuko mo ang damang laging nang aabuso sa kabaitan mo. Maging ang sultan ay napabigkas mo ng kataga. Sapagkat noon, nakayuko ka lang sa tuwing ipinamumukha sayo ng iyong kapatid at dama kung gaano kahina ang iyong utak., pero ngayon sadyang kakaiba." Mahabang turan ng aking dama.

"Mali ba ang nagawa ko kanina lang?"

"Hindi po mahal na prinsesa, ngunit kalapastanganan talaga sa amin ang sumabay maging sa pagkain ng mga maharlika, ayon yun sa batas na aming sinumpaan, bilang mga alipin." Agad na turan ng aking dama.

Almost a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon