Masayang humayo ang pangkat ng prinsesa patungo sa batis, may kalayuan din ito sa kanyang tahanan.
Kasama ang ilang kawal at dama na naglalakad, nais pa nga ng mga itong sumakay ang prinsesa sa upuang sedan nang sa gayun ay hindi mapagod ngunit tumanggi ito.
Pagkarating sa may batis agad na lumusong ang prinsesa, Masaya itong nagtatampisaw sa tubig.
Agad na napasunod ang mga dama. Lalo na ng alisin ng dalaga ang kanyang sapin sa paa. Ng sa gayun ay malayang madam ang tubig.
”Mahal na prinsesa baka masugatan ang iyong binti.!”
”Ayos lang ako, Sige na maligo na din kayo sa batis,”
Hinubad ko ang aking damit tinira ko lamang ang damit na panligo na kanina ko pa suot, at lumusong sa tubig.
Nakita ko namang nakatalikod lahat ng mga kawal, pati na ang aking dama.
”Bakit kayo nakatalikod? wala naman sigurong mangyayaring masama dahil hindi naman ito nalalayo sa atin, andito tayo para magsaya at maligo!” sigaw ng prinsesa.
”Magbabantay lamang po kami mahal na prinsesa, maligo ka lamang diyan.” tugon ng isa.
”Kami na lamang po ang sasama sainyo mahal na prinsesa na maligo.” turan ng mga babaeng dama.
Maya-maya pa umahon sa tubig ang dalaga, naupo sa may bato habang nakalubog sa tubig ang mga paa, lumapit naman ang kanyang dama at inilagay ang balabal sa kanyang balikat. Inayos ng kaonti ng sa gayun ay matakpan ang katawang basa ng tubig.
”Salamat.”
”Walang anuman, Binibini.”
Pinagmamasdan nila ang masayang senaryo ng mga dama na masayang naliligo sa batis. Ganun na lamang ang gulat ng lahat ng may isang tao ang tumilapon sa batis.
At boses ng prinsesang tumatawa.
Dahil ang kanyang damang lalaki ay itinulak nito sa tubig.
”Binibini!” sa nagugulat na boses ay sigaw nito, Hindi nito akalain na itutulak s’ya sa tubig ng dalaga
Nahawa ang iba sa halakhak ng prinsesa,
”Pasensya kana.,hahaha!”
Napakamot na lamang ito sa kanyang ulo.
Lumapit ang berdugo sa gawi ng dalaga.
”Mahal na prinsesa oras na po ng pananghalian.” Aya nito.
Ngunit, maging ito ay hindi nakahuma ng sipain ito ng dalaga patungo sa tubig at malayang bumagsak.
Lahat ng masasayang halakhak ay nahinto.
Waring pati pag ikot ng mundo ay natigil.
Tumayo ang dalaga at mabilisang tumakbo sa kakahuyan.
”Binibini! Mahal na prinsesa!
Agad na umahon sa tubig ang berdugo at kasama ang ibang kawal ay sinundan ito,
Inutusan n’ya ding magsibalik na sa tribo ang lahat.Maging ang damang lalaki ay hindi nagpatinag, sumama sa berdugo para hanapin ang prinsesa.
Sumang-ayon na din ang berdugo, gumawa sila ng tatlong pangkat, hinati ang ilang kawal sa dalawa kasama na doon ang lalaking dama ng prinsesa.
Tanging ang berdugo lamang ang nag-iisa sa ikatlong pangkat.
---
Ang hindi alam ng lahat ay nasa panganib ang kanilang buhay, nakita ito ng dalaga, ipinain ang sarili dahil nasisiguro nitong s’ya ang pakay ng mga tulisan.
BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
Ficção HistóricaAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...