[Datu]
”Hindi ko alam kung bakit ako pumagitna sa tensyon na nagaganap kanina.”
”Sa tingin ko po Mahal na Datu ay iyon ang paraan ng pagtulong mo sa Binibining iyon. Nakakapanibago nga lang.” turan ng isa sa aking taga bantay, dalawa lamang silang maituturing kong kaibigan. At hindi bastang taga-bantay lamang. Silang dalawa din ang nakakaalam patungkol sa isa ko pang katauhan, ang berdugo.
Tama, ako ang berdugong kinatatakutan ng karamihan na nagtatago sa dilim at anino ng pinakamamahal nilang Datu na ako rin mismo.
”Naawa lamang kayo sa Binibining iyon kaya kayo nakapagpasya ng ganun, hindi naman siguro na nahalina kayo sa kanya kaya mo po iyon nagawa, hindi ba uno?” paling nyang tanong kay uno, na isa sa matapat kong kaibigan at taga sunod.
Agad naman silang napipilan sa nais pang sabihin ng mapagtanto ang huling sinabi ni dos.
”Paumanhin Mahal na Datu.”sabay na hayag ng dalawa.
Tinig ng isang dama ang nagpabilis ng tibok ng aking puso.
”Mahal na Datu, naihatid na po ang mga dote na handog n’yo para sa angkan ng sultan. Maari na po kayo tumungo roon sa may altar para masimulan na ang inyong pag-iisang dibdib ng prinsesa.” turan ng nakayukong dama.
Agad kong sinipat ang aking tindig, maging ang aking kasuotan kung naangkop nga ba sa piging na gaganapin at ako ang pangunahing bisita.
Nang sapat na para sa akin ang aking nasisilayan ay pumanaog na ako sa lugar kung saan gaganapin ang isang biglaan ngunit magarbong pag-iisang dibdib namin ng prinsesa.
Huling dumating ang prinsesa na sa aking pakiwari ay hindi na ata dadating pa, sapagkat inabot na ng isang oras kaming naghintay bago pa namin masilayan ang kanyang kabuuan.
Gaya nang lahat ng ikinakasal may ritwal na ginagawa ang bawat tribo, nariyang hagisan kami ng bigas habang naglalakad patungong altar at alayan ng isang awitin para sa masayang pagsasama.
Ngunit ang tribong ito lamang ang may kakaibang pamahiin, dahil may telang nakaharang sa mukha ng aking mapapangasawa at saka ko lamang masisilayan ang kanyang wangis, kapag nakarating na kami sa aming tribo o tutulugan na ako rin mismo ang aalis ng telang nakatalukbong sa kanyang ulo.
Ganun pa man, sumunod ako sa pamahiin ng kanilang tribo.
----
[Raskreia]
”Tanggapin mo bilang kaparusahan ang pagpapakasal sa Datu, dahil na rin sa kalokohang pinaggagawa mo. Pumapayag ako na maging isa ka sa mga asawa ng Datu, ibinibigay ko sayo ang aking basbas, para na rin ito sa ikatatahimik ng ating tribo, na walang kailangang dugo na pumatak sa lupa.” anang aking ama.
”Diyata’t ang bilis ng inyong pasya aking ama? Papano naman ako? Ayokong magpakasal sa Datu.” mariing tanggi ko, kahit pa nga ang gara ng abs ng Datu ayoko pa rin, maging ng kanyang mga alalay hanep sa abs!
Natigil lang ako sa kalokohan ng magsalita ang aking ama.
”Ikaw mismo ang gumuhit sa kapalaran mo Raskreia, mamili ka, ang kapakanan mo o ang kalagayan at kahihinatnan ng ating tribo?” turan pa ng aking ama.
”meron kang isang oras para mag-isip, nasa iyo ang pagpapasya.” habol pa ng aking ama bago tuluyang umalis.Sa pagkakataong ito, ako pa rin ang aako ng kapalaran ng aming tribo, dahil kapag sumalungat ako sa agos maraming buhay ang maglalaho, at hindi ito maatim ng konsensya ko.
”Binigyan mo nga ako ama ng pagkakataong pumili ngunit wala sa pagpipilian ang nais ko.” mahinang anas ko.
”Binibini— ”naawang turan ng aking dama.

BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
Ficção HistóricaAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...