[Dos]
Hinayaan kong umalis ang prinsesa, sapagkat nakinikinita kong masama ang kalalagyan ko kapag sinuway ko ang kanyang nais.
Ilang minuto na din akong nag aantay ngunit hindi pa din ito bumabalik.
Napagpasyahan kong ito’y sundan sa hardin.
Ganun na lamang ang aking pagkatulala, nang isang diwata ang animo’y sumasayaw sa kadiliman ng gabi na may tangan na dalawang patalim.
Ang husay! Kakaiba ang kanyang istilo.
Pakiwari mo’y walang lakas ang bawat paghampas ng mga ito sa hangin, ngunit sa isang tulad ko na bihasa sa larangan ng ganito, alam kong sa isang kumpas ng patalim ay hihiwalay ang iyong ulo.
Nakikita ko mula dito ang pagkapagod na ginagawa n’ya, tagaktak na rin ang kanyang pawis sa noo, ngunit patuloy pa rin ito sa pag eensayo.
Ingat na ingat akong hindi makagawa ng kahit konting kaluskos, ayokong mawala ang kanyang konsentrasyon. Dahil lang sa pagsulpot ko dito.
Ngunit ganun nalang ang gulat ko nang may tumamang patalim malapit sakin, dumaan mismo sa tagiliran ng mukha ko.
Sinundan ko ang pinanggalingan nito, nalaman kong galing ito sa prinsesa na prenteng nakatayo may kalayuan sa akin, habang hawak ang isa pang patalim na pinasasayaw sa kanyang daliri.
Sa papanong paraan n’ya naibato sa akin ang kanyang punyal, Nang hindi ko namamalayan?
Naramdaman kong may paparating at hindi nga ako nagkamali, dahil ang punyal na hawak ng prinsesa ay papalapit sa akin.
Umikot ako patagilid at sinalo ko ito ng dalawang daliri lamang ang gamit.
Umangat ang aking paningin sa kinatatayuan n’ya ngunit wala na ito, bago pa ako makapagsalita.
Nakita ko na lamang na papasok ito sa kanyang silid.Natawa na lamang ako sa nangyari.
Diyata’t masama ang loob sa akin ng prinsesa.
......
Sinigurado ko muna na malalim na ang tulog ng prinsesa bago ako pumasok sa silid nito, napakasimple ng mga gamit n’yang naririto, sa pag kakaalam ko lahat ng magagarbong kagamitan ay ipinaalis n’ya, simple pero maganda ang pagkakaayos.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang kama, isang napakagandang anghel ang payapang natutulog, napakaamo ng mukha, taliwas kapag gising.
Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa prinsesa bakit pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko?
Anong nangyayari sa akin?
Wala sa sariling napahawak ako sa aking kaliwang dibdib.
”May karamdaman kaba sa puso?”
Isang tinig na nagpagulat sa akin., agad akong napaatras.
”Bakit gising kapa? Kanina ka pa ba gising?” natatarantang tanong ko.
”Hindi, nakaidlip na ako kung tutuusin, naalimpungatan lang ako dahil pakiwari ko may nagmamasid sa aking pagtulog at tama nga ako.”
”Pasensya na naistorbo ko ang tulog mo, sige na matulog kana ulit.”
”Bakit mo ko pinagmamasdan habang natutulog? May gusto kaba sakin? Payo ko lang ,Habang maaga pa pigilan mo dahil masasaktan ka lang, Hindi dahil sa pag mamay-ari na ako ng Datu, ito ay dahil walang pagmamahal pa na naramdaman ang puso ko para sa kasalungat kong kasarian.” mahabang turan nya bago bumalik sa pagkakahiga
Wala pang pagmamahal? Ibig sabihin Wala pa s’yang nararamdaman para sa Datu?
”Kung ganun, Hindi ka kabilang sa apat na asawa ng Datu? Na labis ang pagkahumaling sa kanya. Kaya pala kaiiba ka.”
BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
Historical FictionAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...