Labing-Dalawa

11 1 0
                                        

[Raskreia]

Araw ng pag-alis ng Datu, may ilang kawal ang kasama nito, gayun din ang berdugo na sa pagkakaalam ng lahat ay ang tunay na mandirigmang kanilang kinatatakutan ngunit hindi.

Isa sa dalawang matapat na tagapaglingkod ng Datu ang aking kasama, Hindi ko lamang matukoy kung alin kina uno at dos ang nagpaiwan para ako ay bantayan.

Lahat kami ay pumuntang tarangkahan para maihatid ang Datu sa kanyang pag alis, Ang apat na asawa ng Datu ay humalik pa sa kanya at yumakap, nagbibigay ng matatamis na salita, kasama ang panalangin na sana ay ligtas na makauwi.

Isang sulyap naman ang ibinigay nito sa akin, tanging pagtango lamang ang aking ginawa, ngunit tila hindi ito nagustuhan ng Datu kaya ito na mismo ang kusang lumapit sa akin at ginawaran ako ng isang halik sa labi.

Ganun na lamang ang aking pagkakabigla kaya naitulak ko ito ng bahagya, ngunit bago ko pa man malakasan ang pagkakahawi sa kanya agad na nyang nahawakan ang aking mga kamay, sa mahinang tinig ay kanyang turan...

”Ikaw ay aking kabiyak!”

Kasabay ng pagbitaw nya sa akin patalikod ay may mumunting ngisi na nakasilay sa kanyang labi.

Hindi ko na nakuha pang maihatid ng tanaw ang kanyang paglayo, sapagkat sinakop na nang utak ko ang mga katagang kanyang binatawan, pangalawang beses na nya akong hinagkan at dalawang beses na din n’yang binigkas ang mga katagang iyon.

”Tandaan mo, ikaw ay aking kabiyak!”

Mga katagang nagpapaikot-ikot sa pa rin sa aking isipan.

”Mahal na prinsesa halika nang pumaog, nakaalis na po ang Mahal na datu.” turan ng isa sa mga babaeng dama.

”Mukhang nasa alapa-ap pa ang iyong isipan dahil lamang sa ginawa ng Datu, Binibini?” may sakrasmong tinig na turan ng unang asawa ng Datu sa akin.

Akala mo ba hindi kita lalabanan.

Ngumiti ako ng matamis at humarap sa kanya sa may kalakasang boses ay aking sinabi.

”Sino ba naman ang hindi mapupunta sa alapa-ap kung isang Datu ang hahalik sa akin? Alam kong alam mo ang nais kong sabihin, sapagkat pinangarap n’yo ding mahagkan ng Datu, hindi ba?”

”Lapastangan!! Mga kawal!” sigaw nilang apat.

Nakalimutan ko apat nga pala silang natamaan.

Kumilos ang kanilang mga kawal at kung susumahin wala sa kalahati ang aking mga guwardya, ngunit kung patayan ay kayang-kaya naman nilang makipagsabayan.

Sa kasama-ang palad bago pa man sila makalapit sa akin, nasa harapan ko na ang berdugong kanilang kinatatakutan, lahat ng kawal nang apat na asawa ng Datu ay tila naitulos sa kanilang kinatatayuan ng masilayan ang kalasag ng berdugo, at hindi na nakakilos pa.

Hindi na kailangang sumugod pa ang aking mga kawal, sapagkat sa isang berdugo na ito lamang sapat na para sila ay umatras sa laban.

”Malakas ang loob mo sapagkat nasa panig mo ang berdugo, sa ngayon. Ngunit sa susunod sisiguraduhin kong wala ka nang kakapitan!” nangangalit na turan ng unang asawa ng Datu.

Mga nanglilisik na mga mata ang kanilang iniwan sa akin bago umalis sa aking harapan.

Isang buntong hininga na lamang ang aking pinakawalan.

”Hindi naman nila kailangang magalit sa akin dahil wala naman akong balak na makipag-agawan ng pwesto sa puso ng kanilang Datu.”

”Nakikinita kasi nilang malakas ang kapit mo sa Mahal na Datu, Binibini.” turan ng aking dama, na sinang-ayunan naman ng iba pa.

Almost a fairytaleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon