Sampu

13 0 0
                                        

[Raskreia]

Sumunod ako sa Datu na may pagtataka sa kanyang gawi, ngunit kanina pa kami naglalakad at parang balewala ang aking presensya.

Kaya napagdesisyunan kong umalis kahit hindi pa s’ya nakakatugon sa akin.

At gaya ng turan ng aking dama, malaki nga ang pagkakaiba ng lugar na ito, kumpara sa aming tribo, masyadong malawak ang kakahuyan at malalaki ang mga puno.

Di alintana ang makabagong kapaligiran at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit napalayo ata ang aking napuntahan at ’di matandaan kung saan na ang daang tinahak ko kanina lang.

Nakaramdam na ako nang kaba at nadagdagan pa ito ng may kung anong kaluskos na papunta sa gawi ko. Agad akong umatras ng dahan-dahan. Hinanda ang sarili sa kung anumang kapahamakan na mangyayari, inalis mula sa kaluban ang aking punyal na bigay pa ng aking yumaong lola, hinawakan ko ito ng patalikod sa akin ang talim, tanging ito lamang ang sandatang aking magagamit dahil ang aking palaso ay nasa aking silid at natatangan ko lamang kapag nangangaso sa kagubatan.

Umayos ako ng tindig, porma ng isang mandirigma ang aking wangis, nag-aabang ng masisilong tigre sapagkat iyon ang aking pakiwari.

Ngunit, ganon na lamang ang aking tili ng sa isang iglap ay tao ang tumambad sa akin at sabay kaming nabuwal sa lupa.

Isang babae? At sugatan!

Bakas mo ang paghihirap na kanyang sinapit, makikita mo ito sa kanyang katawan na pulos sugat na kung hindi ko maipagkakamali ay mula sa patalim.

May mga marka din na mula sa latigo. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung saan nagmula ang mga markang ito.

Punit-punit na din ng kanyang kasuotan.

Sa nanghihinang boses ay kanyang turan..

”P-parang awa mo na... T-tu-tulunga-n m-mo ko!”

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo gawa ng pagkabuwal namin kanina at lumapit sa kanya.

Base sa kanyang ayos ngayon, hindi n’ya ako magagawang saktan kung banta man ito ng kalaban.

Pilit kong iniaangat ang kanyang katawan sa lupa para maipasan sa aking likuran, dahil na rin sa may katangkaran ang kanyang kabuuan, nahirapan talaga ako kaya maging ang aking pagtayo ay mabuay.

Isang hakbang pa lamang ang aking nagagawa ng may humahangos sa aking likuran sanhi ng aking pagkagulat ay ang muling paggulong ko sa lupa.

Kapag minamalas ka nga naman o!

Kakatayo ko pa lang may kalaban pa na humabol?!

Gumulong ako papunta sa dereksyon ng babaeng nakahandusay sa lupa at eksaktong nakaluhod ang isang paa sa lupa at nakataas ang isang kamay kong may hawak na patalim, indikasyong nagbabanta na wag magtangkang lumapit ang sinumang nilalang na ito sa amin ng babae.

Ganun na lamang ang paninigas ng katawan ko nang yumakap sa akin ang matitipunong bisig ng kinatatakutang Berdugo.

”Ayos ka lamang ba?” agad na tanong nito matapos ang ilang minuto. Kasabay ng pag-inspeksyon sa katawan ko. Isang tango naman ang sagot ko.

Agad ko namang naibaba ang patalim dahil wala naman palang panganib na nakaamba sa amin.

”Kailangan n’ya ng tulong Mahal na Datu,” patungkol ko sa babaeng katabi ko, sa mahinang tinig ay aking turan, dahil na rin sa alam kong hindi ito papahintulutan ng Datu.

Isang araw pa lang ako sa lugar na ito, marami na akong nalamang batas sa kanilang tribo at isa na dito ay ipinagbabawal ang pagtanggap ng mula sa taga labas.

Almost a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon