[Ang Berdugo]
Nagpakilala ang lahat, mga prinsepe at prinsesa ng bawat tribo, tanging isang tribo lang ang kulang ng isang prinsesa ayon sa sultan ay mahuhuli lamang.
Lahat ay nagpapakitang gilas, para makuha ang atensyon ng datu, pero sa kasamaang palad wala ni isa ang nakakuha ng kanyang atensyon.
Nasa kalagitnaan ang piging na dinaluhan ko ng tawagin ako ng kalikasan kung kaya’t umalis muna ako sa pagtitipon.
Suot ang kalasag nagmasid sa paligid, sa isang hakbang pa isang ungol ang aking narinig, tila ba’y may sisiluing yagit sa kakahuyan.
Ni kaluskos ay walang maririnig sa aking dinaraanan, isang punyal lang ang aking tangan.
Maya-maya pa isang nilalang ang aking napagmamasdan may punyal din sa kanyang kamay, para protektahan ang kanyang sarili sa isang malaking musang na naghahari sa kakahuyan. Kaya pala! gusto ng dambulang ito ng panghimagas, ang tanong makakaligtas ba ang babaeng ito, gamit lamang ang maliit na punyal? Wala pa akong nasisilayang babae kahit sa aling tribo ang marunong humawak ng punyal at marunong makipaglaban, tanging pag-iyak lamang ang alam nilang gawin.
Unti-unting lumapit ang musang sa babaeng nakatalikod sa akin, halos isang kisap mata ang bilis ng kilos ng hayop patungo sa dilag, ngunit kasabay ng pag-atake ng hayop ay s’ya ring pagsabay ng atake ng babae. Halos sabay silang gumulong sa lupa, at base sa nakikita ko pareho din silang may sugat na tinamo.
Umaagos ang dugo mula sa braso ng babae na lalong nagpagalit sa musang base sa dugong umaalingasaw sa hangin.
Hindi ko kakikitaan ng takot ang babaeng nakaupo sa lupa, tila hinihintay na lamang n’ya ang kanyang katapusan lalo pa’t tumilapon ang kanyang punyal.
Wala sana akong balak tulungan ang babaeng ito, idagdag mo pang hindi ko kaanoano, ngunit ganon lamang ang gulat ko ng kumilos ang aking mga kamay at ibato ang patalim na hawak ko, nang lundagin ng musang ang babaeng nakayuko at nakaharang ang duguang braso sa kanyang ulo.
Walang buhay na bumagsak ang musang sa katabi mismo ng babae at nagugulat ng makita ako.
"Papatayin mo rin ba ako?"
Sa lahat ng buhay na nakikitil ko o kikitlin, tanging ito lang ang nagtanong kung papatayin ko rin ba s’ya, lahat ay tanging pagmamakaawa ang unang sinasambit na ’wag ko silang patayin.
Hindi ako kumibo ngunit lumapit sa kanya at kinuha ang kanyang braso na may sugat para tingnan sana, ngunit dagli rin n’ya itong binawi at tumayo.
"Ikaw ang berdugo hindi ba? Hindi ko man hiningi at inasahan pero salamat sa tulong mo, mauuna na ako." Pagkatapos n’yang yumuko ay umalis na sya.
Magkikita pa rin tayo binibini, habang nakatingin sa punyal na napulot ko.
---
Bumalik na din ako sa pagtitipon, gaya ng simula
samu’t saring pagpapansin ang ginagawa ng ilan makuha lamang ang aking atensyon.Iba’t ibang sayaw din ng kababaihan ang kanilang handog, hindi din pahuhuli sa sayaw ang mga maharlikang babae.
Naagaw ang pansin ko ng isang damang lalaki kasabay ang isang binibini na kararating lang, kakaiba! bakit lalaki ang kanyang dama?
"Bakit ngayon ka lang Raskreia? Nakakahiya sa ating datu, ngayon kapa gumawa ng kalokohan!" Rinig ko mula dito ang pangaral ng sultan, tanging paghingi lamang ng paumanhin ang sambit ng binibini.
"Baka inaaral pa ng ikatlong prinsesa ang kanyang handog na sayaw sa datu, mahal na sultan." Sambit ng isang dama.
Tumayo ang sultan sa aking harapan, tila may nais sabihin.
BINABASA MO ANG
Almost a fairytale
HistoryczneAng pangarap ko talaga sa susunod kong buhay ay maging prinsesa, makapagasuot ng magagarang damit at mamahaling alahas. Pag aagawan ng duke at prinsipe, katulad ng sa nababasa kong mga novela. pero bakit pagmulat ng mata ko nasa isang tribo ako napa...